Kabanata 3

51 5 1
                                    

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dito sa kwarto ni Daddy kakaiyak. Marahil ay sa pagod na rin. Nararamdaman ko rin na namamaga yung mata ko at mahirap dumilat dahil mahapdi. Mula sa kama ay tanaw ko ang bintana, nakita kong medyo madilim na.


Bumangon ako sa pagkakahiga at pumunta sa kwarto ko. Kumuha ako ng towel, bathrobe at nag shower. It's been an hour and a half bago ako tumigil sa pagiisip. Nakatulala lang pala ako the whole time habang nakababad ako sa bathtub kung hindi lang kumatok si Marina sa kwarto ko ay hindi ko mamamalayan.


"Ma'am Aleighia nandito na po ang Mommy nyo! Inaayos na rin po ang mga kailangan para sa baba. Pinapasabi po ng tita Karissa mo."


"Okay Marina. I'll go down stairs when i get done! Thank you" I replied. A bit loud for her to hear me because the door of my room is locked, she can't go in and my bathroom is far from the door so I need to.


"Ma'am Aleighia! Aayusin ko na rin po ba ang damit na sususootin niyo?" Tanong ni Marina.


"No need Marina! I can handle it."


"Sige po Ma'am"


After a few minutes, I'm already done. Im not crying anymore but I want to. It's just that I need to be strong for my mom I can't cry in front of her. I need to look strong. She needs me.


Lumabas na ako ng bathroom. Aayusin ko muna ang sarili ko para maging presentable naman ako kahit papaano. Dumiretso ako sa aking walk in closet. Kumuha lang ako ng black velvet turtle neck dress at black round toe stiletto heels. Nag make up na rin ako para naman matakpan ang malungkot at pagod kong mukha.


Bumaba ako ng stairs at nakaayos na ang lahat. Nakapag bihis na rin si mommy pati sila tito Cj at tita Karissa. Parehas kaming mga naka black. Im already in a verge of crying again but I hold it back. I don't want them to see me cry. I need to be strong.


"Hija kamusta ang pakiramdam mo? Papunta na ang mga tao dito makikipag lamay. Lalo na ang friends ng daddy at mommy mo. Did you tell your boyfriend, Alex about this? I know Haize you need someone on your side" Lapit sakin ni tita Karissa sabay haplos sa mga kamay ko para pagaanin ang loob.


"Im fine po Tita. No, I haven't told him yet but I'm planning to later. I'm just to preoccupied." I replied to her with a little smile for assurance that I am fine.


"Your Mom can't stop crying. Naabutan nya na lang kasi si Kuya Armani na naka handusay sa kitchen kanina. The maids are in their headquarters; resting. They didn't know about it until your Mom came. Aalis dapat sila kanina because of the meeting about the new building na ipinapagawa ng Daddy mo pero nangyari nga yun. Bigla syang inatake sa puso." Naiiyak na kwento saakin ni tita.


"I don't know what to say tita. Im gonna check mommy and the rest of the house if it's okay na po." Iwas ko dahil ayoko munang marinig. Ayoko munang pagusapan. Ang hirap.


Pumunta ako kay mommy na nakaupo malapit sa kabaong ni daddy. Kasama nya ang anak nila Tita Karissa at Tito Cj na si Chris. Mas matanda lang ako sakanya ng isang taon. Same school din kami ng pinapasukan. Close rin kami because he's my only cousin. Sabay rin kaming lumaki at we have the a lot of common friends.


"Mommy you can eat and rest first. I can handle the visitors here. You must be exhausted."


"No Haize I will stay here I want to stay in your dad's side."


"No Mom you need to eat and then rest after. Magpapahanda ako kay Ate Elsa ng dinner at ipapaakyat ko na lang sa kwarto mo." Nahihirapan man akong tingnan sya na nasa ganitong kalagayan ay kailangan ko pa rin syang pilitin.


"No Haize i will sta-"


"Mom you need to. Please I know it's tough but it will be tougher for us if you will do this." Naluluha na sabi ko pero pinigilan ko. Tumingin ako kay Chris.


"Chris can you accompany mommy?" Paki usap ko sakanya.


"Yup Aleighia i will." Niyakap nya ako at tumayo na rin para alalayan si mommy.


Tumitig ako sa nasa harap ko. It's dad. Hindi ko naman alam na ganito ko pala sya makikita ngayon. Ang peaceful nyang tignan. Parang sobrang saya nya kung nasaan man sya ngayon pero kami eto nalulungkot at nahihirapan.


Lumayo na agad ako doon. Pumunta ako sa kusina para i check kung nagluluto na ba sila. Naabutan ko si Elsa at iba pang kasambahay na nagluluto at inaayos ang mga pinamiling pagkain para sa burol.


"Elsa pakihatiran naman ng dinner si mommy sa kwarto nya. Thank you"


"Sige po ma'am." Ngiti nya saakin.


Lumabas na ulit ako ng kusina at pumunta sa garden. Malawak ang lupain namin dito. Ang garden ay punong puno ng mga bulaklak, parang parke nga kung titignan. May mga benches rin at duyan. Alagang alaga ito ni mommy. Talagang pinaglalaanan nya ito ng oras para asikasuhin.Sa di kalayuan ay nandoon naman ang swimming pool.


Umupo ako sa isang bench at napagpasyahan na tawagan na nga si Alex pati na rin si Jazmine. Binuksan ko ang phone ko at bumungad saakin ang mga messages ng ibat ibang kaibigan ko at kakilala. I guess it's all over the news now. May text at tawag rin ni Jazmine iyon at sa palagay ko ay alam nya na.


Binuksan ko ang message nya at nakita kong nagaalala lang pala sya sa biglaang pag alis ko kanina kaya may text at tawag sya. Hindi nya pa pala alam. Tinatawagan ko sya pero hindi nya sinasagot kaya tinigil ko na. Busy yata.


Si Alex naman ay wala pang tawag o text man lang. Siguro ay busy sa pagpa practice ng basketball dahil malapit na ang finals. Hindi rin kasi sila pwedeng humawak ng cellphone during training sabi ng coach nila.


Tinignan ko ang oras at nakita kong 8:45 pm na. Nakakapagtaka dahil alam kong kanina pa natapos ang practice nila.


Tinext ko sya kung pwede ko ba syang tawagan ngunit nakalipas ang ilang minuto ay wala pa ring reply kaya naisipan ko na tawagan na lang. Sa pang apat na ring ay tsaka pa lang sinagot.


"Hello babe." Panimula ko sa call.


"Babe! Bakit ka napatawag? Nasa training pa kami mamaya ka na lang tumawag. Hinahanap na ako ni coach!" Medyo may pagka hingal nya pang sabi sabay baba ng tawag ko.


Nagtataka ako pero baka nag overtime lang sila. Madalas namang mangyari sakanila tun. Nako si Coach Reyes talaga pinapagod ang babe ko. Sabagay malapit na rin kasi yung last na laro nila kaya ganon na lang talag sila kung mag pursige.


Pumasok na lang ulit ako sa loob ng bahay para mag entertain ng mga bagong dating na mga kaibigan ni daddy.

Salty Tears Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon