Chapter 4

18 2 0
                                    

It's another morning for me. Another day for school. Kung dati three Seasons lang ang sasalubong sa araw ko ngayon , ang four Seasons na ang sasalubong sa araw ko. Thinking of them waiting for me, makes my heart flutter.

I wonder how it feels kapag lalaki na talaga ang sasalubong sa araw ko kasama ang four seasons. Pero never pa akong na inlove. But i hope someday, someone will wait for me, care for me like how my loved ones care for me.

"Bye po Mommy and Daddy," sabi ko sa parents ko at nag kiss sa cheeks nila.

Habang nasa kotse di ko mapigilan isipin ang apat. Ang cute nilang tingnan. Now we're complete, The four seasons and Sky.

Pagkababang- pagkababa ko sa kotse ay nakita ko ang Seasons na nakangiting naghihintay sa akin

"Good morning!," masayang bati ko sa kanila

Mga walang hiya hindi man lang ako tiningnan at pinansin. Siguro pakulo na naman ito ni Summer. Ang huwag ako pansinin. Siguro ng nakita niyang pababa na ako sa kotse sinabihan niya sila na "Andiyan na si Sky, huwag niyong papansinin."

"Hi Sky! sorry diko kayang di pansinin si Sky," sabi ni Autumn

"Sabi ko na may sinabi ka na naman Summer noh," biro ko kay Summer

"Kilalang kilala mo talaga ako Sky. Siguro kung ikaw may Scarlet Hearts, ako naman may Summer lovers at ikaw ang president," natatawang sabi ni Summer

"Tara! Kompleto na tayo...

"Let's go Four seasons and Sky," sabay sabay na sabi namin habang magkaka akbay

Ang saya sa pakiramdam kapag lagi kaming ganto. Kahit si Spring na ngayon ko palang nakilala ay nakisabay sa trip namin.

"Good morning class!," bati sa amin ni Mrs. Suarez, ang aming striktong math teacher

Sabi ng nauna niyang klase ay hindi naman daw strikto si Mrs. Suarez ang bait bait niya nga raw. Diko alam kung may pagka sarcastic ba ito o hindi. Mabait naman siya nang una niyang pagpasok sa aming klase, pero nang lumabas siya parang umuusok ang ilong niya at tenga sa galit.

first day of school

"Good morning class," masaya at nakangiting bati sa amin ni Mrs. Suarez na makikita mo sa mukha niya na sobrang saya niya dahil kami ang klaseng na handle-lan niya

"Good morning Ma'am," bati namin sakanya

"I'm Mrs. Charice D. Suarez. Your Math teacher for the whole year. I'm expecting a lot to all of you because you're the first section. Since I know that we get along, you can call me Ma'am Cha. So now you know me. It's time for all of you to introduce yourseleves, say your name and what comes into your mind when you heard the word Math," nakangiting sabi ni Ma'am Suarez

"Difficult"

"Mental abuse to human"

"Not fun"

"Interesting"

"Challenging"

"Abuse to human health"

"Complicated"

Habang nakikinig si Mrs. Suarez napapansin namin na nag iiba ang timpla ng mukha niya. Kung kanina masaya siya at nakangiti, ngayon hindi na maitimpla ang itsura ng mukha niya

"Now I already know what you all think of Math. Don't you know everywhere you look you can see Math. Difficult, not fun, complicated, abuse to human health, someone even made an acronym of the word Math. Mental Abuse to Human. My goodness!," dismayadong sabi ni Ma'am Cha

Hindi na maganda ang timpla ng mukha niya. Sa nakikita ko galit na galit na siya.

"Oh my goodness! You are 34 in your class, but only 4 of you says that math is interesting, challenging. I can say that only 4 of you here loves Math," galit na sabi ni Ma'am Cha

The thing is, Ma'am only 3. I just said challenging cause it is but I don't like Math.

"Listen all of you! MATH IS FUN! How dare this section tells that Math is not fun. If Math only have feelings he will be so mad. Okay then if you don't like Math, I will make you love it. So here are my rules. No. 1 Use your vacant time in .y subject solving math equation. No. 2 You can have a girlfriend/ boyfriend but make sure you can answer my problems. No. 3 I don't want to hear anymore from this section that Math is a mental abuse to human!," galit na sabi ni Ma'am Cha

Galit na galit na talaga siya. Halos lahat sa klase namin ay pinipigilan huminga na para bang pag huminga ka sayo ibubuntong ang galit niya.

"I want you all to keep this in your mind. Mathematics is the most beautiful and most powerful creation of human spirit. How dare y'all to insult Math. I changed my mind, don't call me Ma'am Cha. From now on, call me Mrs. Suarez. Good bye!," galit na sabi ni Ma'am Cha ay Mrs. Suarez pala

Paglabas na paglabas ni Ma'am nakahinga kami ng maluwag. Para kaming nasa lugar kung saan madaming land mine na nakapalibot. Isang galaw mo lang, boom tapos ka.

*present

"All teachers have meeting today with the principal so, I'm leaving a seatwork. Mayor take charge until the period ends. That's all. Goodbye," masungit na sabi ni Mrs. Suarez

Kada pumapasok siya sa klase namin bumabalik sa aming isipan ang una naming pagkikita. Pasensya na Mrs. Suarez pero hindi talaga namin gusto ang Math.

*lunch break

"So Sky, pano kayong apat nagkakilala?," tanong ni Spring

"Hindi ko nasabi sayo kahapon dahil kailangan kong pumunta sa HS, so ngayon ko sasabihin...Hmm

Kahit magkaklase kaming apat hindi kami close sa isa't isa noong una. Pero nang oras na klase ni Mrs. Suarez ay may pinapasagutan siya sa amin. Nasa likuran ko si Summer katabi niya si Winter at katabi ko naman si Autumn. Si Summer ay hindi masyadong kagalingan sa math lalo na pagdating sa integers. Kaya sinipa niya ang upuan ko. Tinanong niya ako kung ilan ang -3 - 5. Una ayokong pansinin dahil hindi kami close pero, paulit ulit niyang sinipa ang upuan ko kaya sinagot ko siya ng -8. After ilang minutes sinipa niya na naman ang upuan ko. Nagtanong ulit siya kung ilan ang -1 - (-5). Pero nakita kami ni Mrs. Suarez. Nakita namin na parang umuusok na naman ang ilong at tenga niya habang tinatanong kami kung anong binubulung-bulong namin. Pero sabi ni Summer kay Mrs. Suarez tinatanong ko lang po kung may correction pen siya diko po kasi mahanap yung akin naiwan ko ata. Matalim kaming tinitingnan ni Mrs. Suarez kaya kinuha ko ang correction pen ko at ibinigay sakanya habang bumubulong na 4. Dahil half day lang naman ang schedule natin inaya nila akong kumain muna sa cafeteria bago umuwi hanggang sa nakasanayan na namin at super close na namin."

"Si Mrs. Suarez pala ang dahilan kung bakit close kayong apat. Pero Summer, bakit si Sky ang tinanong mo hindi si Winter at Autumn?," tanong ni Spring kay Summer

"Magkasing level lang kaming talino ni Spring pagdating sa Math. At kung si Autumn naman ang tatanungin ko mahuhuli ako ni Mrs. Suarez," paliwanag ni Summer

Nang tapos na kami kumain ay nagpaalam na kami sa isat' isa. Pauwi na sila pero ako papunta pang HS iniisip ko palang na pupunta ako don nasisira na ang araw ko makikita ko na naman ang mga asungot.

When the Season ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon