Ako, si Johanna at si Ong ang ipanglalaban sa MTAP Math Quiz Bee. Every after class kami nagte-training, adviser kasi namin ni Johanna yung trainer namin tapos sa classroom namin kami nagkukuta. Ang saya-saya ko nga nun e kaya kahit abutin kami ng labasan ng multo sa school okay lang, kasi alam ko andyan naman si Ong. Alam ko ipagtatanggol nya ko o kung hindi naman, baka mas takot pa sya sakin sa multo. Hahahahaha! Ako na lang magtatanggol sa kanya. Kapag may lumabas na multo at natakot sya, pupunta ko sa harapan nya at haharangan ko yung mga multo na lalapit sa kanya. Tapos mabibilib sya sakin at yayayain na nya ko umalis sa masalimuot na mundong puno ng mumu. Dahil ako ang may kapangyarihan, bubuhatin ko sya at lilipad kami sa kalangitan sa ngalan ng langit at lupa, ilog at sapa, sa puwet ng multo tatama! Bwahahahaha!
Dahil sa bilin ng magaling, mabait, maganda at matalino kong teacher na kailangan daw naming maging komportable sa isa’t isa kaya naging close kami ni Ong. Ang sarap pagawan ng rebulto ng teacher ko na yun. Ang tingin ko nga sa kanya nun e fairy godmother e, mala Cinderella ba. Hinahanap ko nga yung madrasta ko at step sisters kaso magsasara na school namin wala pa rin akong nakita. Oh well, mukhang umaayon ang tadhana.
One week bago ang laban namin, inexcuse na kami sa lahat ng klase. Kailangan daw kasing tutukan na yung pagrereview namin. Napressure tuloy ako kasi ibang level na e. Kaya everytime na nagrereview kami nagseseryoso ako kase ayoko na mapahiya sa magulang ko, sa teacher ko at syempre… hehehe… kanino pa ba? Edi sa sarili ko! Bwahahahaha! Akala nyo kay Ong nu? Syempre damay na sya dun, pakipot lang ako ng konti.
This is it pancit! Araw na ng laban namin. Hindi ako nasamahan ni mame kasi inaalagaan pa nya yung baby brother ko. Ang cute cute lang nya tapos super chubby pa. Mana kay ate kasi ako naman super payat ko. Pinabaunan na lang ako ni mame ng limang egg sandwich tyaka hotdog at kanin. Galingan ko raw at sorry daw di nya ko masasamahan, sa Samal kasi yung laban namin. Okay lang naman sakin kasi kawawa naman yung kapatid ko kung sa ibang tao maiiwan, understanding ate naman ako. Ako pa ba?
Pagdating sa school pinasakay na agad kami sa van ng principal namin. Pinapasok na ko agad ng teacher ko kaya napunta ko sa dulo tapos tinabihan nya ko. Alam nya kasi na di makakasama si mame tapos nakaka-out of place kasi lahat ata ng mga kasama namin sa van may kasamang magulang. Natulog na lang ako sa byahe.
Ginising ako ng teacher ko kasi nasa Samal na raw kami. Actually nandoon na nga kami sa loob ng school at ako na lang ang nasa loob ng van, nakakahiya tuloy paglabas ko. Nag ready na kaming lahat at nag pray tapos nagkanya-kanya na kaming punta sa bawat designated examination room. Nagbigay lang ng bilin yung teacher namin tapos pati rin si Tita Chona at Tita Imee, mama ni Johanna at Ong.
Pagpasok namin sa loob pinagtinginan kami ng mga kalaban namin. May mga ngumiti, may naka-war face, may seryoso lang tapos yung iba snob. Hindi na lang namin sila pinansin pero ako deep inside, kabadong kabado ako. Naupo na kaming tatlo. Nagtabi-tabi na lang kami kasi ganun din naman yung iba. Sa sobrang kaba ko siguro hindi ko napansin na katabi ko pala si Ong, as in katabi katulad na lang nung nasa Science room kami kaso mas malala ngayon kasi malapit talaga ako sa kanya. Tapos review daw kami saglit, e dahil sya yung nasa gitna namin ni Johanna kaya nasiksik tuloy sya tapos pandalawahan yung upuan. Alam mo ba yung feeling na ang lapit sayo ng irog mo, na unting galaw na lang talaga magkadikit na kayo. Tapos bigla nya kong nilingon at dahil sa sobrang lapit ng mukha ko sa kanya, nagka… Ops! Joke lang… walang nangyaring ganun tyaka Grade 2 pa lang kaya ko nyan nu! Inusinti po ako.
Sakto namang patapos na kami magreview ng dumating yung proctor namin. Nagpakilala lang sya tapos pinakuha nya sa amin yung mga dala naming bag. Sumunod na lang kami at pagkatapos pinapunta nya kami sa harapan. Aayusin daw niya yung sitting arrangement namin. NOOOOOO!!!! Bakit? Bakit? Ikaw na ba ang madrasta ko? Nilayo nya sakin si Ong. Gusto kong mag amok! Iyon na yun e!
Nagsimula na yung exam namin. Syete! Wala akong masagot ay! Pano ba naman kasi 1-50 tapos wala pang choices. Yung proctor naming bading nga ang hinihintay kong madrasta, hindi ko alam sa Samal pala sya naglulungga. Buset talaga. Naisip ko nun na kung sana katabi ko lang si Ong edi sana hindi ako napapakamot sa ulo ngayon. Asan ang katarungan sa exam na to? Grade 2 palang kami tapos ganito na? Kung alam ko lang na ganun pala, di sana di na ko sumali. Kung kasama ko siguro si mame, gaganahan ako. Kung katabi ko siguro si Ong sigurado panalo na ko, kasi naman I feel perfect beside him.
Finally! Natapos na ang kalbaryo ko sa araw na iyon. May mga nasagot naman ako kaso alam ko na sa sarili ko na wala na kong pag-asa mapasama sa next round. Paglabas namin sinalubong agad kami ng trainer namin at kinamusta kami, sinabi namin na okay lang naman. Sabay-sabay na kaming pumunta kung saan nakaparada yung van na sinakyan namin. Kumain na raw kami habang naghihintay ng result kasi tanghali na rin nun. Grabe nga e! Isang oras lang yung exam pero feeling ko inugat na ko sa tagal ay.
Habang kumakain kami inannounce na yung mga pasok sa final round, sadly wala kaming tatlo. Sabi naman ni mam samin okay lang daw at least daw nakaabot kami sa division level. Dahil tapos na nga yung laban namin, nagpaalam na yung mama ni Johanna at Ong na aalis na raw. Nainggit nga ko nun e kasi makakagala sila samantalang ako hindi pwede kasi dun din ako sa service namin sasabay kaya ayun, iniwan nila ko.
Pagdating ng mga bandang alas tres, nag ayos na kami para umuwi. Unti na lang kami kaya lumuwag na sa loob ng van. Doon uli ako sa likod pumwesto tapos yung teacher ko naman nasa harap ko na. Matutulog daw sya tapos wala naman akong kilala sa iba naming kasama kaya kumain na lang ako. Pagkatapos kong kumain natulog na rin ako kasi nahihilo na ko sa byahe.
Pagdating namin sa school dumiretso agad ako sa room kaso wala yung mga kaklase ko, baka pina-sit in sila sa ibang section kasi ganun yung ginagawa kapag absent yung mga teacher. Dumating naman yung teacher ko tapos inutusan nya kong mamili ng nilagang mais sa canteen. Sumunod na lang ako kasi favorite teacher ko rin sya tapos ayoko pa rin namang umuwi nun. Bumili ako ng dalawa kasi sabi nya kung ilan daw ang kakasya sa bente pesos e. Pagbalik ko sa room binigay nya sakin yung isa, libre raw nya. Natuwa naman ako kaya kahit hindi ako mahilig sa mais na matamis, kinain ko pa rin.
“Nga pala, jacket mo ba to? Naiwan kasi sa van.” ,tanong sakin ng teacher ko. Hawak-hawak nya yung jacket na green. “Hindi po sakin yan mam.” Ang simple kasi nung jacket e compare naman sa jacket ko na orange na may design ng seven dwarves ni Snow White.
“Baka kay Ong.” ,napatingin ako bigla kay mam. “Ikaw na lang magbigay sa kanya ha? Matutulog lang muna ko.” Inabot sakin ni mam yung jacket.
Tama! Jacket nga ni Ong yung kulay green na yun kasi natandaan ko na yun nga yung suot nya. Hindi ko naman napansin na sa iisang van lang din pala kami sumakay.
Nung nasigurado ko na tulog na nga si mam, niyakap ko yung jacket at inamoy amoy. Buti na nga lang sarado yung mga bintana at pinto ng classroom namin e. Mukha na kasi akong tanga nun. Ang higpit talaga ng yakap ko dun sa jacket nya tapos maya’t maya sinisinghot ko. Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya inisip ko na iuwi na lang sya. Kaso naisip ko rin na, pano kapag tinanong ni mam si Ong kung nasa kanya yung jacket nya? Baka mabuking ako!
After ng isang oras na pag-iisip, naisip ko na itago na lang. Gagawa na lang siguro ako ng palusot. Binuksan ko na yung dala kong bag para malagay ko yung jacket kaso punong puno. Bahala na nga. Dadalhin ko na lang. Itatago ko na lang kay mame para di na sya magtanong.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko. Pagtingin ko sa orasan, past 5 PM na. Patay! Medyo madilim na rin sa labas kaya nagmadali akong umuwi. Buti na nga lang at walking distance lang yung bahay namin sa school. Pagdating ko sa bahay, hindi naman ako pinagalitan. Kinamusta lang ako ni mame tapos nanuod na ko ng tv pagkatapos.
Bago matapos yung gabing yun, may narealize ako. Kaya pala iba yung feeling ko pag uwi ko…
Naiwan ko yung jacket ni Ong!
Napakanta tuloy ako…
“kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo’y sadyang kay bilis din”
BINABASA MO ANG
Sa Dinami-rami...
RomanceHindi ikaw ang una. Maraming ng nakarinig at sumubaybay. Mayroong kinilig. Mayroong nainis. Mayroong nagalit. Mayroong natuwa. Mayroon ding naiyak. Sasama ka ba? Ito ang aking Kwento. Ito ang aking Exploration. Ito ang aking Artikulo. Ito ang...