EPILOGUE :

55 0 0
                                    


Ramdam ni Laurent ang bigat sa kanyang dibdib matapos magawa ang ikalawa nyang krimen .

Ang una ay ang pagpatay sa anak nila Damian Vladimir Valentine at Khrystyanna Cherrie Solano na si Timothy Clarence , dalawang daang taon na ang nakakalipas . At ngayon ..

Nagpalakad lakad sya sa paligid ng higaan na pinaglagyan nya sa kanyang ikalawang biktima . He loves her to the fact that she is making him insane . He loves her to the fact that he can do anything kamuhian man sya ng babae sa kanyang gagawin . Iisa lang ang bagay na ayaw nyang mangyari .

Tok tok tok !

"Pasok !" ma awtoridad nyang utos .

Lumabas mula rito ang kanyang mga "magulang" sina Melissa Fray at Stephan Lorenz .

"Master .." kapwa sila lumuhod at nagbigay galang rito .

"Gusto ko na ihanda ninyo ang kanyang silid . Siguraduhing walang makakalabas masok dito sa aking mansyon .." utos nya rito .

"Masusunod .." si Stephan na tumayo na . Pero natigilan ito nang mapansing hindi gumalaw ang asawa . "Melissa .." tawag nya rito .

"A-ano pong gagawin nyo kay Lady Euphemia , Master ? Bakit nyo sya kinuha ?" sunud sunod na tanong ni Melissa .

"Hindi kita binabayaran ng dugo ko , at hindi kita pinananatiling buhay para kwestyunin ako ." matalim nyang tiningnan ang babae na agad namang yumuko dahil sa takot .

"Patawarin nyo po ang kapangahasan ---" itinaas ni Laurent ang kanyang kamay para patigilin sa pagsasalita ang lalaki .

"Pero iisa lang naman ang dahilan .." nilaro laro nya ng kanyang mga daliri ang mahabang buhok nang walang malay na si Euphemia .. "I don't want them to take her away from me .."

[A.N : Ako lang ba o kinikilig ako kay Laurent ? Haha ]

Blood Bank (Sharp Shooter Series #5) | Completed (PUBLISHED BY CLP)Where stories live. Discover now