#1
"Hi elle.."
Waaaaaa! Totoo ba itong nakikita ko? Si crush bumati sakin at tinawag pa ako sa nickname ko?! Baka naman nananaginip lang ako? Pero mukhang totoo e..
"H-hello mike.." ba't ba ako nauutal? Nakakahiya shet! At sa hindi inaasahang pangyayari ngumiti siya sakin.
Yes, ngumiti sya!
Nakakatunaw na mga ngiti. Ngiti na madalas kong makita. Ngiti na paborito ko sa lahat. Sa tuwing nakikita ko ang kanyang mga ngiti, hindi ko alam pero bigla nalang akong kinikilig--
"Hoy! Marielle! Kanina pa kita tinatawag!" Ani ng kaibigan ko na si Jane.
Si jane lang ang kaisa isa kong kaibigan. Siya lang ang palagi kong kasama kahit saan kami magpunta hindi kami naghihiwalay. Sinusuportahan niya rin ako sa pagkagusto ko kay mike. "Sorry jane.." napapahiyang tugon ko.
"Ayan ka nanaman, binati kalang ni Mike nawala ka nanaman sa sarili mo"
Mukhang nagkamali ata ako. Hindi siya supportado sa pagkagusto ko kay Mike. Well, nung umpisa Oo pero nung tumagal hindi na. Si Mike ay sikat sa school namin. Marami sa kanyang nagkakagusto at isa na ako dun. Maraming nagsasabi na playboy daw sya pero hindi naman ako naniniwala sa mga sinasabi nila. Dahil gusto ko mismo manggaling sakanya ang mga salitang sinasabi nila.
"Eh, hindi ko maiwasang kiligin eh"
*pout*
"Naku, tigil tigilan mo na yang mga pantasya mo kay Mike ikaw lang ang masasaktan sa ginagawa mo na yan elle"
"Ano? Ayoko nga! Bakit ba hindi ka suportado na gusto ko siya? Diba nung umpisa naman gusto mo siya para sakin?"
"Nung umpisa yun kasi hindi ko pa siya kilala, pero nang malaman ko ang totoong siya--"
"Na ano? Na playboy sya?"
"Exactly"
"Bakit, sigurado ka ba talagang playboy sya? nakita mo na bang nakikipag flirt sya sa ibang tao?" Napatigil siya at nagulat sa tanong ko. Hindi niya siguro inaasahan na tatanungin ko siya ng ganon.
"H-hindi.." napapahiyang sagot niya.
"Exactly.. hindi ka sigurado kaya wag mo muna sana syang husgahan.." Napayuko siya sa sinabi ko at saka bumuntong hininga. Tiningnan niya ako diretso sa mata at saka nagsalita..
"Bahala ka, basta binalaan na kita elle.." at saka umalis. Ano bang nangyayari sa kanya?
-------
"Hi^__^"
Eh?
"Hello?" Sino ba to? Pero infairness ha, gwapo din tong isang to pero mas gusto ko padin si mike noh!
"Ikaw ba si elle?" Tanong niya.
"Eh? Ako nga. Bakit po?" Oh, diba magalang ako. Ano naman kayang kailangan nito sakin?
"May nagpapabigay nga pala sa'yo.." Iniabot niya sa'kin ang.. Eh?! Flowers? chocolates? Kanino naman kaya...
"Kuya, sigurado po ba kayong akin to? Baka naman ho nagkakamali lang kayo" paninigurado ko sakanya. Sino naman kaya ang magbibigay nito sakin?
"Oo sa'yo yan at saka wag mo na akong tawaging kuya, magka edad lang naman tayo.. sige una na ako" at saka tumakbo paalis.
"T-teka!" Huli na ang lahat dahil hindi ko na siya makita. Hindi ko na tuloy alam kung kanino to galing.
"Aha! Kanino yan galing aber?" Ani jane. Kabute ka girl? Sulpot ng sulpot eh.
"Yun lang, hindi ko alam.. saglit lang tapon ko lang to" paalam ko sakanya pero pinigilan nya ako. Trip neto?