His Last Mission

10 3 0
                                    


#5

"Hoy, Panget!"

Hindi ko siya nilingon kahit alam kong ako ang tinatawag niya na 'Panget'. Patuloy lang ako sa paglalakad nang bigla niya akong hinarangan para hindi ako makadaan.

"Oh?" Tanong ko sa'kanya at kaagad naman nagsalubong ang kilay niya.

'Anak nang! Ikaw pa ang galet?!'

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot!" Sigaw niya sa mukha ko.

"Sumagot na 'nga ako di'ba? 'Oh?'" diniinan ko 'yung huli kong sinabi. Pumikit siya nang mariin at nagtiim bagang.

Ayaw niya 'nga pala sa lahat 'yung hindi siya pinapansin, gusto niya nasakanya lang ang atensiyon nang iba. Ganyan si Ken, siya ang kaibigan/bully ko. Bata palang ako, habulin na ako nang bully kaya naman nang makilala ko si Ken, siya na ang nagliligtas sa'akin kapag may nambubully sa'kin. Pero siya 'rin ang no.1 bully sa buhay ko. Bully man siya sa'kin, palagi niya pa'rin akong pinapasaya. Ni minsan hindi na ako naging malungkot simula nang makilala ko siya. Pagkatapos niya akong pasayahin, ibubully niya na ulit ako. Bilog nga ang mundo, life cycle niya na siguro 'yon.

"Bakit ba kasi?" Tanong ko sa'kanya. Nawala na ang salubong niyang kilay at kumalma na'rin siya.

"Magpapatulong ako sa assignment ko."

"Bakit kasi hindi ka nalang naghanap nang tutor? 'Yun naman ang gusto nang mama mo di'ba?"

"Ayaw ko nang tutor, tsk! Ayaw mo ba akong turuan ha, panget?!"

'Pasalamat ka kaibigan kita kung hindi kanina pa kita nasuntok.'

"Marami pa akong gagawin. Kaya mo yan, next time nalang." Tinapik ko siya sa braso niya at akmang aalis na sana ako nang hawakan niya ang wrist ko. Tiningnan ko siya at hindi ko na napigilan pa ang tawa ko.

"HAHAHAHAHAHA. Quit pouting, hindi bagay sa'yo HAHAHAHA." Mas humaba pa lalo ang nguso niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

"Hehe. Libre nalang kita nang ice cream." Aniya na mas lalong nagpangiti sa'akin.

------

Inabot kami nang ilang oras sa pagturo dahil hindi lang kami puro aral, hinahaluan 'din namin nang tawa at Biro. Nang matapos kami ay bumili na kami nang ice cream gaya nang sabi niya. Umupo kami sa swing at nagkwentuhan.

"Panget, pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na di'ba?"

"I mean, yung seryosong tanong." Aniya na nagseryoso bigla. Tumango nalang ako at nag-antay sa sasabihin niya. Huminga muna siya nang malalim at saka nagsalita. "Pano kung isang araw hindi na ako nagpapakita sa'yo, anong gagawin mo?"

Hindi ako nakapagsalita. Bakit ganyan siya magtanong? Hindi ko gusto ang mga tanong niya. Bigla akong nakaramdam nang kaba nang tanungin niya sa'kin 'yan.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Tigilan mo na 'yang tanong nayan." Seryosong sambit ko at ngumiti lang siya. Kakaiba 'yung mga ngiti niya.

"Please, sagutin mo na... Gusto ko lang naman malaman ang gagawin mo, eh." Pagpipilit niya sa'kin. Hindi maganda kutob ko rito.

"Andami-daming pwedeng itanong, 'yan pa talaga?! Bakit, namamaalam ka na ba?! Subukan mo lang talaga at babatukan kita!" Banta ko sa'kanya pero tinawanan lang niya ako.

'Loko to, ah!'

"Okay. Hindi titigil na'ko. Pero," pagbibitin niya.

"Pero, ano?"

"'Wag ka nang magsusungit at sisimangot, ha? Alam mong ayaw kong malungkot ka." Sinerong usal niya.

"Oo at 'wag mo subukang iwan ako dahil magtatampo talaga ako!" Ngumuso ako at ngumiti lang siya. Kakaibang ngiti. Hindi siya sumagot at sa halip ay inilahad niya lang ang kamay niya sa'kin kaya inabot ko sa'kanya ang kamay ko. "Saan tayo pupunta?"

"Secret." Aniya at ngumiti. Hinayaan ko lang siyang hilahin ako. Pumunta kami sa Amusement park at sinakyan namin ang lahat nang rides. Sobrang saya ko dahil matagal na akong hindi nakakapunta rito at ngayon kasama ko pa si Ken, ang lalaking nagpapasaya sa'kin kaya mas lalong gumanda ang mood ko. Pagkatapos namin sumakay sa rides ay hinatid na niya ako pauwi.

"Alam mo dapat palagi kang nakangiti eh. Kasehodang 'Joy' ang pangalan mo tapos malungkot ka, tsk." Aniya.

"'Wag kang mag-alala, palagi na po akong ngingiti gaya nang pangalan ko. Sige, pasok na'ko." Paalam ko sa'kanya pero bago ko paman siya talikuran, niyakap niya na ako.

"Joy..." Aniya na nagpatindig nang balahibo ko. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

"B-bakit?" Hindi ko mapigilan ang sarili kong mautal.

"I love you." Aniya.

Hindi ako nakaagalaw nang sabihin niya 'yon. Umalis siya sa pagkakayakap at ngumiti nang matamis. M-mahal? Mahal niya ako? Pano? Kailan pa? Bakit? Si Ken? May gusto sa'kin? At mahal ako? Mukhang mababaliw ako ne'to. Tumigil ako sa pag-iisip nang mapansin kong wala na si Ken. Sa sobrang pre-occupied ko, 'di ko na namalayang umalis na pala siya. Kinakabahan ako sa mangyayari bukas at sa mga suaunod na araw. Ano nalang ang isasagot ko sa'kanya matapos siyang umamin? Pumasok na'ko sa loob nang bahay at natulog na.

------

"Mr. Dela Torre?" Ani nang guro namin.

"Absent po ma'am"

"Nako, pagsabihan niyo 'yan si Dela Torre kung ayaw niyang ma drop-out!"

Halos mag-iisang linggo nang hindi pumapasok si Ken at nag-aalala na'ko sa'kanya. Huling araw na nakita ko siya ay ang araw na umamin siyang mahal niya ako. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya sa'kin kaya hindi siya pumapasok pero mababaw naman a'ta 'yun para maging dahilan. Mismong grades niya maaapektuhan. Kapag talaga nalaman kong 'yun ang dahilan niya, babatukan ko 'yon. Nang matapos ang klase ay kaagad akong umalis at nagmadaling pumunta sa bahay nila.

Nagtaka ako dahil halos lahat nang kamag-anak niya ay na'roon kaya naman ay nagtaka ako. 'May party ba?' Hindi na ako nagdoorbell dahil bukas naman ang gate nila. Bigla akong nakaramdam nang kaba habang naglalakad ako papasok. Pag-apak ko palang sa bahay nila ay nagulat ako. Tumambad sa'kin ang isang kabaong. Maraming tao ang nakikiramay at umiiyak. Hindi ko alam kung sino ang nasa loob no'n kaya naman dahan-dahan akong lumapit dito. Biglang bumuhos ang mga luha ko sa nakita ko.

'S-si Ken, siya ang nasa loob nang kabaong.'

Napatakip ako nang bibig sa gulat. Nanghina ang mga tuhod ko sa nakikita ko ngayon pero bago paman ako matumba ay kaagad na may umalalay na sa'kin. Ang Papa ni Ken. Inalalayan niya ako para maupo at kinukanan naman ako nang tubig nang mama niya. Kaagad ko iyong tinanggap at ininom. Nasasaktan ako ngayon sa nakikita ko. Bakit ganito? Bakit? Humagulgol ako sa iyak habang yakap ako ni tita.

Tatayo na sana ako nang may ibigay si tita sa'king papel. Tumango lang siya sa'kin at umalis na'ko doon. Ayaw ko mang umuwi pero hindi ko kaya ang mga nakikita ko. Humiga ako sa kama ko at 'dun humagulgol. Bakit ga'non? Bakit kailangan siya pa? Bakit?! Pinunasan ko ang aking luha bago basahin ang sulat.

Dear Joy,
Hi panget! Mamimiss kita, alam mo ba 'yon? Gusto ko palagi kalang masaya dahil ang panget mo kapag umiiyak, eh. Pero seryoso, kahit mawala man ako, palagi mong tatandaan na ako si Kendrick Dela Torre, ang lalaking nagpasaya sa panget na si Joy Suliven. Pasensya kana kung hindi ko nasabi sa'yo ang totoo kong nararamdaman, ha? Natatakot kasi ako.... Baka layuan mo'ko. Maging masaya ka panget. Ikaw ang babatukan ko kapag malungkot ka! 'Wag kang malungkot, ha! Buong buhay ko ito ang misyon ko, ang mapasaka ka. Joy, I love you. Ikaw lang ang panget na mahal ko at mamahalin ko habangbuhay.
Pogi mong Bestfriend,
Kendrick Dela Torre♡

'Yan ang laman nang sulat na mas lalong nagpaiyak sa'kin. Niyakap ko ang sulat matapos ko itong basahin. Kaya palagi niya akong pinapasaya 'cause HIS LAST MISSION, was to make me happy and he kept his promise until he die.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One shot StoriesWhere stories live. Discover now