#2
"Babe? How are you?" Tanong ko sa jowa ko.
We've been in a relationship for almost 4 years and both of us are in a long distance relationship. It's hard na malayo sa taong mahal mo kasi hahanap hanapin mo talaga sya kapag nalulungkot ka. He's in States working for our future daw sabi nya.
"I'm fine. I'm just.. tired" oww.. mukha ngang pagod to.
"Do you need some time to rest? I'll just hang up and call you later." Sayang naman may itatanong pa naman ako sa kanya. Pero dahil ayaw ko syang mapagod, maghihintay nalang ako.
"No. No need babe. I'm okay now. Your voice make my mood better than ever" ekkkk kinilig ako don Hahahaha. Galing talaga nito magpakilig talo ako hmp!
"Tss.. Okay.. How's your work?" Wala na akong maisip na tanong eh.
"Doing great.."
"Good. Basta wag mong pababayaan yan trabaho mo dyan ha lalo kana" Ang hirap palang mag english jusme! Nakakaintindi naman to ng Tagalog kaya tagalog na lang. Ako lang naman nagpapahirap ng sarili ko neto *face palm*.
"Hahahahaha.. opo para naman yun sa future natin eh" Sabi ko na ba't sasabihin nya yan.
"Wag mo nga akong tawanan! Sige ka at ibababa ko to" kainis! Pano eh nagtagalog ako kaya tinawanan ako.
"Opo sorry na po. Haha" tingnan mo to tss. Oo nga pala yung tanong ko..
"Tss. Btw, may naaalala ka ba bukas?" Sana naman maalala nya. Ang tagal na namin kaya dapat hindi ito kinalilimutan.
"Wala"
"As in wala? Wala talaga?" Paninigurado ko sa kanya.
"Wala nga. Bakit ano bang meron bukas?"
"A-ahh. Wala. Ano bang merong bukas? Wala naman eh" pagsisinungaling ko. Ouch lang!
"Sge na babe, may gagawin pa ako. Tomorrow nalang ulit tayo mag usap..." Ngumuso naman ako ng todo kahit alam kong hindi niya yon makikita. Una pagod na siya. Pangalawa nakalimutan pa yung anniversary namin hmp!
"Goodbye, goodnight, I miss u, see u later, I loooove you future wife"
"Ghe, I love you toooo. Bye bye!" At binabaan ko na siya. Nagtatampo ako pero walang susyo sa'kin kaya wag nalang.
Bayan! Nakalimutan nya! Kainis naman oh! Pero okay na yan i susurprise ko nalang sya. Tomorrow is our 5th anniversary at gusto ko special yun hihi. Eh ang kaso nakalimutan nya.. bahala na nga bukas!
------
"Hannah, ready na ba ang lahat?" Tanong ko sa kaibigan ko.
"Yez ser! Completo na" anya.
Mabuti nalang talaga at nandito si hannah at mga kaibigan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala tong mga to. Ngayon, ready na ang surprise ko. Sya nalang ang kulang╥﹏╥ . Ready na kaming lahat. Pipindutin ko na sana yung facetime ng may biglang dumating..
"Akisha.."
"Tita? Titaaaaaaaa!" Niyakap ko si tita ng mahigpit. Ang tagal na naming hindi nagkikita mga 3 years na rin. Si Tita Hazel ang mama ni Haze na boyfriend ko.
"Tita! Kamusta na po kayo? Kasama nyo po ba si Haze?" Sana naman ay nandito si Haze. Miss ko na sya eh..
"Wala eh.." ay Sayang! Miss ko pa naman yung inglisherong yun.
"Ahh.. ganon po ba. Face time ko nalang po sya tita"
"Naku wag mo yung tawagan. Nasa byahe yun. Hindi na kasi sumabay sakin yung batang yun. Sabi nya daw i susurprise ka sana--opxx! Nadulas ako! Naku! Lagot ako neto kay haze" Nagulat ako sa sinabi ni tita hazel and at the same time natawa rin dahil nadulas siya.