#4"Boo! Gusto mo?" Alok ko sa Boyfriend kong si Arlen.
"Nah... busog pa ako."
Hindi ko nalang sya sinagot at kumain na lamang ng Ice cream.
*pout*
Limang buwan. Sa loob ng limang buwan, napapansin ko ang pagiging cold nya sakin. Minsan nga napapaisip ako kung ano ang nagawa ko at hindi nya ako kinikibo. Napapaisip din ako kung ano ang mga nagawa ko sa kanya na kung bakit siya nagkakaganyan. Palagi ko syang tinatanong kung may problema ba at ang palagi kong natatanggap ay WALA. Sa loob din ng limang buwan na yon ay hindi ko siya sinusukuan at pilit ko paring pinaglalaban ang pagmamahalan naming dalawa. Iniintindi ko na lamang siya dahil maaaring may pinagdadaanan lamang siya na hindi niya masabi sakin. Mahal ko sya, kaya hindi ako basta basta susuko sa relasyon naming dalawa..
"Arlen.."
Bigla siyang lumingon sakin. Alam kong nagulat siya 'don dahil hindi ko pa siya tinatawag sa totoo niyang pangalan.
"Why?" Aniya.
This time, he's staring at me. I miss those stare's. Those hazel eyes of him.. Gusto ko itong titigan ng matagal gaya ng dati.
"Hey... Bakit? May problema ba Liese?" He asked.
"Ano 'nga bang problema, Arlen?" I asked him back.
Hindi siya nakasagot sa halip ay narinig ko na lamang ang kanyang buntong hininga. Please arlen.. sana naman ay magsabi ka ng totoo sakin dahil nagmumukha lang akong tanga dito.
"I-I'm sorry." Anya.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.
Bakit naman siya humihingi ng tawad? Wala naman akong naaalalang may ginawa siya para humingi sa'akin ng tawad.
"I'm sorry... But I need to broke up with you."
"A-ano? Ulitin mo nga yung sinabi mo?" Paninigurado ko sa kanya.
"I said.. w-we're done. I'm breaking up with you."
"You're kidding? Right? Arlen?"
"I'm not... I'm sorry..."
Bigla akong nanghina sa sinabi nya. Kilala ko siya at alam ko kung kailan siya seryoso at ngayon yun. Pero bakit? Bakit siya nakikipag break? Sana nagbibiro lang siya kahit alam kong seryoso sya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA." Tinawanan ko na lamang ang sinabi niya para pigilan ang pag iyak ko.
"L-liese... I'm sorry. We're done." pag-uulit niya.
"A-alam ko naman eh... H-hindi mo na sana inulit pa. Kasi... A-ang sakit eh... S-sobra..." Akala ko mapipigilan ko ang pag iyak ko pero hindi pala.
"I-im sorry.."
-------
Isang buwan na simula ng maghiwalay kami ni Arlen. Wala akong nababalitaan mula sa kanya sa loob ng isang buwan. Kahit mga kaibigan niya ay wala nang balita pa sa'kanya. Sobrang tanga ko kasi pinakawalan ko siya nang hindi nalalaman ang dahilan. Nandito ako ngayon sa mall, naglilibot at nagbabakasakaling makasalubong ko siya... Sino pa ba edi si Arlen.
"Liese..."
Nagulat ako at tumigil sa paglalakad nang may tumawag sa'akin. Tumingin ako sa likuran ko at 'dun nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
"Tita-"
Hindi ko naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla akong yakapin ni Tita Amy. Narinig ko siyang humahagulgol kaya naman ay bumitaw ako sa pagkakayakap at humarap sa'kanya.