Simula
"Ano ba?! Late na tayo! Bumangon ka na!" sunod-sunod na bwelata ng pamilyar na tinig sa akin. Hindi ko man imulat ang nakapikit kong mga mata ay batid kong si Vlaighn iyon. "Ikaw 'tong excited lumipat tapos tulo laway ka sa unang araw?!"
Boses pa lang ng bruha, mukhang ipinatapon na ito pabalik sa mundong ibabaw mula sa ilalim ng lupa. Balak niya ba naman daw kasing agawan ng trono si satanas.
Napakatibay naman ng babaeng 'to!
" M-maaga pa," nauutal na bulong ko. Hindi niya ata narinig ang aking tinuran dahil patuloy pa rin siya sa pag-iingay.
"Bangon na, cloutchaser!" Halos mawalan ako ng pandinig nang isinigaw niya mismo iyon sa tenga ko! "Ang hirap mo naman gisingin!"
Unti-unti niyang inalog ang balikat ko hanggang sa pati ulo ko nagkanda-alog-alog na. Inis kong iminulat nang sobrang laki ang aking mga mata. Napaangat pa ako saglit ng tingin sa kanya at doon napansing nakabihis na siya.
Ang aga niya naman.
Kinusot ko ang aking mga mata. Bagama't may iritasyon sa pakiramdam ay pinilit kong imulat iyon saka tinignan ang orasan sa side table. Ilang beses pa akong napakurap animo'y hindi naniniwala sa nakikita. Ang buong akala ko ay namamalikmata ako ngunit hindi nagbago iyon bagkos ay umaabante pa!
Napabalikwas ako nang makitang male-late na nga ako!
"Bakit hindi niyo ako ginising?!" bungad ko sa kanya. Tinapunan niya ako ng sarkasriko niyang tingin.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?"
Napailing na lamang ako at dali-daling kumilos. Nakakairita lang sa parte kong hindi man lang ako ginising ng mga kasambahay. Hindi rin ba naisip ng nanay kong mag-eskandalo sa loob ng kwarto?
I asked them last night to wake me up before 7!
Lagot kayo sa akin! First day pa naman ng pasok ngayon!
"Kung 'di pa ako napadaan dito 'e tulog ka pa!" muli niyang bulyaw. "Grabe ka na, Hailee."
"Bakit hindi niyo ako ginising?!" Inis na sigaw ko mula sa taas. "Sabi ko gisingin ako nang maaga dahil may pasok na ako!" Paniguradong sa lakas ng sigaw ko ay nanlalambot na naman ang tuhod ng aming mga kasambahay. "Mamaya kayo sa akin!"
Agad kong hinigit ang tuwalyang nakasabit sa gilid ng aking wardrobe at saka dali-daling pumasok sa banyo para maligo. "Nasaan ang uniform ko?" kaswal kong tanong.
"Itatawag ko sa kasambahay niyo," malumanay na tugon ni Vlaighn. "Maligo ka na nga lang. Sa sobrang gahol mo sa oras ngayon, wala ka nang time manermon, okay?!"
Hindi ko na siya sinagot at padabog na isinara ang pinto. Naroroon na lahat ng gamit ko sa katawan kaya naman hindi na masyadong tumaas ang dugo ko.
"Uso pa ba ang toothbrush ngayon?" tanong ko sa sarili.
Biro lamang! Siyempre kasama 'yan sa hygiene! Hindi pwedeng kalimutan!
"So, tuloy ba ang pagtu-toothbrush?" animo'y nagdadalawang-isip. "Mouthwash na rin. First impression last!"
Siyempre naman, nakahihiya kaya kapag may nakasalubong akong kakilala tapos sabihing hindi pala ganda ang nakamamatay sa akin kundi hininga! Malaking eskandalo 'yon, 'di ba?
Nag-feminine wash na rin ako kasi 'yon ang uso. "Kiffy fied," basa ko sa nakasulat doon. Nabili ko lang ata 'to sa Tiktok shop nung nakaraan, nag-viral kasi kaya dapat na ring masubukan. In fairness, amoy candy nga at ang lamig sa pakiramdam.
YOU ARE READING
Chasing After His Fearsome Soul (Amadeo Series#1)
JugendliteraturHailee is a girl with a spoiled brat attitude. A young bachelor at 18. The only heiress of their family. Apart from that, her looks doesn't really shows the tons of money they have-not even an inch-not at all. Her life and family is almost perfect;...