[Reign's POV]
"Miss dela Cruz late ka nanaman!" bulyaw sakin ng Teacher ko sa History Class. As usual ako nanaman ang pulutan ng klase, ano pa bang bago doon?
"I'm sorry Sir traffic po kasi" palusot ko, tsaka na dumiretso sa desk ko sa may bandang likuran.
"Traffic?? Miss dela Cruz, pano ka pa matatraffic eh, walking distance lang naman ang bahay niyo? okey, next time kung mag iisip ka ng palusot, umisip ka naman ng kapani paniwala" tsaka nagtawanan ang mga hinayupak kong kaklase.
Ang tanga mo talaga girl! bakit yun pa ang pinalusot mo?!
At ito namang teacher na to, crush siguro ako nito, ako na lang lagi ang nakikita, asarness!! err.
Bakit pa kasi ako pumasok eh, dapat nag ditch na lang ako.
Wala naman akong natututunan dito.
Isinubsob ko na lang ang ulo ko tsaka itinulog, hello dream land!!
..........
I'm Reign dela Cruz . Sabi nila patapon na daw ako, masama daw ang ugali ko, brat, masungit, B.I. Yun ang madalas kong marinig sa paligid ko. Kaya ayun pinangatawanan ko na lang, para masaya di ba? hahaha. May mga ganon talagang tao ngayon, yung tipong huhusgahan ka na agad ng hindi pa alam ang lahat ng bagay tungkol sayo.
Im a product of a broken family. 12 pa lang ako nung naghiwalay sila. Wala pa naman akong step mom/dad sa ngayon, pano kaya yun mangyayari eh masyado silang busy sa pagpapayaman, kaya nga sila naghiwalay eh.
"buti naman at nagising ka pa." biglang may nagsalita sa likuran ko.
huh?
Pag angat ko ng ulo ko...
...Wala ng tao sa room.. ay teka meron pa pala, ako at itong echuserong.. sino na nga ba to?
"Who you?" taas kilay kong tanong.
"Wow lang huh' ilang taon na tayong classmate pero hindi mo pa rin ako kilala."
"Eh hindi ka naman kasi kapansin pansin, kasalanan ko ba yun?"
"Okey okey. Totoo nga ang usap usapan, may attitude ka nga talaga. Ang malas ko talaga"
Sino ba tong lalaking to? tss makaalis na nga lang, sinasayang niya ang oras ko.
Tumayo na lang ako tsaka isinuot yung bag ko, akmang aalis na sana ako nung bigla niya akong hawakan sa kaliwang pulso.
Ano bang problema ng lalaking to??
"Bakit ba? I dont talk to strangers" sabay pagpag ko ng kamay niya, pero parang linta lang na wagas maka kapit sakin ang loko!
"I'm Lee.. Lee Padilla. Ngayon kilala mo na ko, at kilala din naman kita, siguro naman hindi na ko stranger ngayon?"
