[Reign's POV]
Hindi nga siya dumating. And it was painful. Unang beses kong mag effort tapos hindi pa ako sisiputin ng taong pinaghandaan ko.
Pero alin mga ba ang mas masakit? Ang di niya pagsipot? O ang naging dahilan ng di niya pagdating?
Maybe it was the latter. Because that day too. We said our farewells with each other.
Hindi ko inaasahan ang nangyari. Hindi ko inaasahan na dadating yong araw na maghihiwalay
kami, i thought we will be together na parang ganun sa Disney. After the sufferings you will get your
happy ending. Pero bakit samin ending lang? Walang happy?
It's been a month since that day. And the wound is still fresh. And i don't even know if it would ever
heal.
Nung araw na 'yon. Dapat masaya kaming nagcecelebrate. Pero bakit yong dapat tawanan na ineexpect ko.. luha ang naging kapalit?
He wanted me to let him go.. Pero ayoko. Hindi ko alam kung pano ako mabubuhay ng walang Lee sa tabi ko. Sakanya ako naka-depende. Sakanya lang umiikot ang buhay ko. Kaya paano ko siya
pakakawalan kung hindi ko naman kaya?
I'm not being selfish. I'm just telling the truth. Lee's been my life, my air. Kaya what is the sense of still living? Kung wala ka ng dahilan?
If i could only trade my wealth to have him again, i would. Pero kahit pa ata maubos ang pera ko di na siya babalik saken.
Sa mundo natin mahalaga ang pera. Pag madami ka nun pakiramamdam mo you own the world. Mabibili mo na lahat ng bagay na gusto mo. Siguro Oo. Pero hanggang MATERYAL lang na bagay ang kaya nito.
Si Lee.
Bawat bagay na gawin ko may naalala ako kasama siya. Bawat lugar na puntahan ko imposibleng
walang alaala.
Memories.. one thing that doesn't help us to move on but instead it deepened the wounds even more.
Kaya sabi ni Lee let go. Paano? Andami niyang tinuro saken pero hindi ang pakawalan siya. Andami niyang bagay na pinaaral na gawin saken pero hindi kasali dun kung paano ang pagkalimot sakanya.
Kailangan ko na daw matutong mabuhay ng walang Lee sa tabi ko. Pero paano nga? Kay Lee lang
umiikot ang mundo ko! Siya lang ang meron ako! Kaya paano ko siya tuluyang pakakawalan?
Call me selfish. I don't care. I'm just telling the truth. Bakit ko sasabihing kaya ko kung hindi
naman? I won't pretend strong.
"Reign. You have to move on.." sabi saken ni Mama. Pumasok siya sa kwarto ko, may dalang pagkain na nakalagay sa tray.
Tumingin ako kay Mama "Sinasabi ko naman sa sarili kong wala na talaga, pero Ma hindi ko talaga kayang wala siya! Kahit san ako tumingin, pumunta o kahit anong gawin ko! Naalala ko kaming dalawa. Kaya ma.." Umiiyak nanaman ako. "Paano? Gusto ko namang gawin e. Kaso ang hirap po talaga. Lee's my everything" halos di ko na marinig ang sarili kong boses, dahil pahina ng pahina ang pagkakasabi. Mas lumakas kasi yong hikbi ko.
Tuwing titingnan ko si Mama.Siya pa din ang naaalala ko. Siya kasi ang dahilan kung bakit nagkaayos kami ni Mama. Kaya ang hirap hirap niyang pakawalan at kalimutan.
"Magagwa mo din yan sa tamang panahon.." payo saken ni Mama.
Hindi ako nagsalita. Pero sana magawa ko nga. Kahit parang imposible.
