[Reigns POV]
"Asan na si Lee?" mahinang saad ko sa sarili ko habang paulit ulit na tumitingin sa wristwatch ko.
Wala din siyang text. Asan ba yon? Never naman yong na late. Siya nga tong laging maaga diba? Early bird yon samantalang ako ..tweety bird!
Joke!
Tiningnan ko yong kahon na hawak hawak ko, maliban sa surprise na inihanda ko meron pa akong
regalo sakanya. Di ko maiwasang mapangiti. Scrap book yong regalo ko sakanya. Simple pero
pinaghirapan ko 'to. Maruno na 'kong mag effort no! Masakit lang sa bangs gumawa nito. Ang hirap!
Bukod kasi sa picture may kwento pa to sa loob. Kung saan kami nag umpisa bilang tutor-student
hanggang ngayon na mag-on na kami.Three years. At sa loob ng tatlong taon, naging masaya ako. Hindi ko inaasahan na tatagal kami,
mali pala.. Dapat, 'na tatagal siya saken.' Hahaha.Lee is not the typical boyfriend. He's near to being perfect. Kung ano anong pakulo ang nalalaman,
example na yong kanina.Hindi ko inaasahan na lahat ng kamiserablehan ko matatapos ng dumating si Lee. Andami niyang tinuro saken at lahat ng mga narealize ko nakasulat sa notebook na binigay niya saken. Ang nilagay naming title ay 'Reign's Guide To Goodness' Parang ang sama ko ng sobra dahil sa title pero hinayaan ko na, mahal ko e. Yiiiie.
Si Lee aside from being my tutor in academics, he is also my teacher in life. He taught me to be
contented. To be thankful of what i have. Wag isipin ang mga kulang. Oo, hindi kumpleto at perpekto
ang pamilya ko pero atleast i have them both, kesa dun sa iba na wala na talagang pamilya.Akala ko sa movies lang nangyayari ang gantong kwento. Na may isang babaeng ubod ng sama ang ugali tapos may lalaking nakatakdang magpabago sakanya. Pwede din pala sa totoong buhay.
Naupo ako. Nangangalay na ko kakatayo e. Antagal naman kasi ni Lee. First time niyang ma late at
talagang tinodo niya to the highest level ang pagka late! Ninanamnam talaga?Hindi ko alam kung ano ang sumanib saken at binuksan ko yong kahon at kinuha yong scrap book
na regalo ko. Binuksan ko yon at napangiti ako sa sari saring ala alang pumasok sa isip ko. Akalain mo kasi yon. Hindi kami magkasundo dati tapos heto na kami .. masayang nakatali sa isa't isa.Habang nililipat ko ang bawat pahina hindi ko maiwasang matawa dahil sa mga litrato at sa kwento ng bawat litrato na yon. Nasa huling pahina na ako ng tumunog ang cellphone ko.
Tiningnan ko ang screen. Si Che pala. "Umalis ka na diyan. Hindi na siya dadating.."
![](https://img.wattpad.com/cover/28493483-288-k623810.jpg)