Kabanata ISA

47 7 0
                                    

Eliz POV
Naghahanda na ako ng mga gamit sa maleta dahil pupunta na ako sa Pilipinas para sumunod kay dad, doon niya pinili manirahan para maasikaso ang company namin. Dito ako lumaki sa States kasama si mommy, minsan dumadalaw siya sa Pilipinas para kamustahin ang kanyang asawa, Ako naman nakapagtapos na ako ng high school last week. Napahinto ako sa pag aayos ng biglang may kumatok sa pintuan at pumasok ito.

" Eliz tapos kana ba jan?" Tanong sa akin ni mommy bitbit ang aming bunso si drake na panay utut sa kanyang daliri.

"Opo mom tapos na ako" sabay kurot sa aking bunso sa pisngi kinuha ko si drake kay mom.

"Oh siya anak ilagay mo na sa ibaba ang mga gamit mo at aalis na tayo" sabay sabi sakin habang pinagmamasdan kaming magkapatid

Tumango nalang ang aking sagot habang bitbit ko si drake bigla nalang siya nag lungad sa akin damit, ibinababa ko muna siya sa crib para magpalit at mag ayos. Pagkatapos kong mag ayos bumaba na kami ni drake habang may dala akong maleta.

" Mom si drake palitan niyo ng damit naglungad siya kanina e" sabay bigay ko si drake kay mom

Umalis ang kanyang ina para mapalitan ng damit ang kanya kapatid.
Biglang tumunog ang aking cellphone

(Ringtone sound iphone)

"Hello besssssssyyy aalis kana pala bruha ka wala ka man lang pasabi sakin huhuhu" rinig ko sa kabilang linya na umiiyak si tessa with hagulgul na akala mo namatayan

"Bessy pasensya kana kasi si mommy sa Pilipinas na daw ako mag collage e alam mo naman kapag nagsabi yun hindi pwedeng makahindi at tsaka si daddy gusto niya ako sumunod sa hakbang niya kaya ako pinapapunta dun" habang kausap ko si tessa ang aking buhok ay pinapakulot ko sa hinturoro.

Rinig kong nagbuntong hininga si tessa sa kabilang linya. "Bessy mamimiss kita huwag moko kakalimutan ha tsaka mag iingat ka dun". Humina ang kanyang boses na parang nalulungkot

"Oo bessy salamat hayaan mo i-uupdate kita araw araw para sayo basta mag iingat ka din balitaan moko ha" habang kausap ko tessa nakita ko si mom na sumensya na aalis na

"I love you bessy take care muaah ibababa kona to tawag na ko ni inay" rinig kong boses ni tita na tinatawag na si tessa

"I love you too bessy kailangan kona din umalis bye" sabay pindot ng end call

Kinuha kona ang amin mga maleta para ilagay sa sasakyan. Pagkatapos ni mommy nilock ang bahay sinilip niya muna ang kabuuan ng bahay bago sumakay sa sasakyan. Nakarating na kame sa airport at pumunta na kame sa airplane na sasakyan namin at lumipad na.

Airport NAIA 2 PHILIPPINES

Naalimpungatan nalang ako na nasa Pilipinas na pala kami ginising ko si mom para makababa na kame habang si drake ay natutulog ng mahimbing.
Habang inaayos ko ang mga maleta pumara si mom ng taxi at sumakay na kami at nakatulog ako sa haba ng byahe.

"Anak gising na nandito na tayo sa bahay" habang niyuyogyug ako

Bumaba ako para kunin ang mga gamit namin at pumasok kami sa bahay. Sumalubong agad si daddy sa amin

"Welcome anak sa Pilipinas sana magustuhan mo" sabay yakap sa aking ni daddy at yumakap din ako pabalik

"Miss you so much daddy"ngayon ko lang ulit ito naramdaman ang yakap ng isang daddy

"Dada" sumingit si drake na ang kanyang mga kamay ay parang gusto din yumakap kay daddy

Kinuha ni daddy si drake at hinahagis na kunyari daw ay superman at humahagikgik ng kakatawa ang aking kapatid.
Pumasok na kami sa bahay at tinuro ni dad kung saan ang aking kwarto. Ang kwarto na kulay pink ang pintura na may heart sa gitna. Pagkabukas ko sa pintuan bumungad sakin ang maaliwalas na kulay at maganda ang mga nakadisplay mayroon family picture sa side table ko sa kama picture ko ng bata pa at kung ano ano pa.

Kinuha ko ang maleta at nagsimula na ako mag ayos ng damit. Pagkatapos ko mag ayos naramdaman ko na malagkit na ako na pwedeng lutuin charot. Pagkatapos kong maligo . pinatuyo ko muna ang aking buhok at sumampa sa kama para matulog.

Naalimpungatan ako na may nanggigising sa akin. -,-

"Anak gising na kakain na tayo" sabi niya habang linga linga sa aking kwarto

"Mom i'm not hungry, i need to rest" habang nakaubub sa pillow

"Magagalit daddy mo kapag hindi ka kumain ito pa naman yun unang araw na magkakasama tayo sa hapag kainan"tila'y nalungkot si mom sa kanyang sinabi

"Sige mom babangon na susunod na po" narinig ko nalang na sumarado ang pintuan at nag ayos ng sarili bago bumaba.

Pagkatapos kong magsuklay bumaba na ako at pumunta sa kusina. Nakita ko sina Mame at Dade na masayang nagkkwentuhan na hindi pa kumakain dahil hinihintay ako.

"Hello dad" sabay upo sa upuan.

Kiniss ko si drake sa pisngi dahil ang cute cute niya. Nakaupo si kapatid sa pangbaby na upuan at nakain ng cerelac.

"Mom told me na ayaw mo daw kumain pero ngayon buti nalang at pumayag ka, oh siya simulan na natin magpray bago kumain" Sabay ngiti sa akin ni dad.

Nagsimula na si mame magdasal..
"Amen"sabay sabay namin sinabi

Nagsimula sumandok ng kanin si dad para bigyan si mame at sumunod naman ako. Ito pala yun kapag buong buo kayong pamilya magkasama sa hapag kainan. Narinig ko nalang na dumighay si drake at nagtawanan kaming pamilya.

Pagkatapos namin kumain nagpaalam muna ako kay mame na pupunta lang ako sa garden at magpapahangin. Umupo ako sa isang duyan na may mga bulaklak na magagandang kulay. May narinig ako sa kalsada na tila may naghahabulan. Sympre chismosa tumiad ako para tignan 🤣.

"Hoy tigil kapag nahuli ka namin magdasal kana"sabi ng isang matabang lalaki na may bubble gum na ningunguya.

"Fvck you bitch"sabi ng lalaking tumatakbo na nakacap.

Hanggang sa mawala na sila sa kalsada . Pumasok na ako sa bahay at pumunta sa kwarto. Nagtoothbrush na din ako at nagbanlaw ng katawan para matulog na.

Hanggang sa dinapuan na ako ng antok.Zzzzzzzzzzzzzzzzz

____________,_,_______________,,________
From author: please support niyo naman bagong kwento ko kahit kaunting oras basahin nyo . subaybay niyo ang faded muaaaaaahhhh

FadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon