Kabanata DALAWA

39 6 0
                                    

Eliz POV
Tumitilaok ang mga manok hudyat na umaga na, gusto ko pang matulog pero hindi na ako makapikit ulit. Bumangon na ako sa kama inayos ko muna ang mga unan bago pumasok sa banyo. Kinuha ko ang toothbrush na kulay pink at nagsimula na magsipilyo habang nag sisipilyo ako may kumatok sa pintuan. Alam ko naman si mommy lang yun.

"Anak gising kana ba?" Sigaw nito sa labas.

Nagmumog muna ako bago magsalita at nagpunas ng bibig.

"Yes mommy kagigising ko lang"pabalik na sigaw ko dito.

"Siya sige dumiretsyo ka nalang sa baba at kakaen na" sabi nito sa akin.

"Opo bababa na"sabi ko sa kanya.

Naligo muna ako bago bumaba. Ganito lagi ginagawa ko noon nasa States ako. Napaisip isip ako na nakakamiss din pala pati si bessy hays, napabugtong hininga ako.

Pagkatapos kong maligo bumaba na ako at dumiretsyo sa kusina.

"Good morning mom and dad"sabay beso sa pisngi.

"Good morning din anak"sabay nilang sinabi.

"Mom asan po si drake?" Sabi ko kay mom.

"Ah si drake tulog pa pinapabantay ko kay yaya baka mamaya bababa na yun kasama si drake"sabay tayo ni mom para kunin ang mga niluto niya.

Tumango nalang ang naisagot ko.
Ang mga putahe ay nakaready na. Maya maya bumaba si yaya kasama si drake na naiyak. Kinuha ni mommy ito kay yaya para magpadede. Maya maya tumahan na si drake at naglalaro na.Nagsimula si dad magdasal pagkatapos kumain na kaming lahat.

Pagkatapos namin kumain nagsalita si daddy.

"Anak nga pala , kailangan mong mag enroll mamaya dahil bukas start na ng pasukan sa Ford University" sabi ni daddy habang nagbabasa ng dyaryo.

Napatigil ako sa pag aayos ng mga plato.

"Ahm dad? What time po enrollan nila?"sabi ko dito.

"Mamayang alas nueve anak"sabay baba ng dyaryo nito.

"Sige po daddy pupunta po ako"sabi ko dito na nakangiti.

"Good, anak alam mo naman gusto kong course sayo diba? Magkakameron kang bodyguard para sa safety mo wala ng aangal at pinag-usapan namin ito ng mommy mo"seryosong nakatingin sa akin si dad.

"Okay po dad" sabay tango kay daddy.

Alam ko naman gusto ni dad na kunin kong kurso pero gusto ko din naman para sa future ko na din. Mayaman kami parang perpektong pamilya na kami dahil kompleto na kami kung anong luho ko naibibigay nila mommy pero strikto si dad pagdating sa mga hindi pwede dapat pero hindi naman ako nasasakal para na din sa aking kinabukasan.

Pagkatapos ko magligpit ng mga pinagkainan namin. Dumiretsyo na ako sa kwarto para mag ayos ng gamit.

Tumingin ako sa orasan at oras na para mag asikaso sa school. Pumili ako ng damit na susuotin ko. Nakacroptop ako na black na ang terno high waist na pantalon. Sinuot ko ang sandals ko na kulay black na may glitters.Sabi kasi nila kapag magteterno ka iterno mo sa damit mo ang kulay na magiging sapatos mo. Sanay ako mag high heels dahil noon nasa States pa ako ito lagi ginagamit ko.

"Mom dad alis na po ako"habang bumababa sa hagdan

Nakita ko sila sabay lumingon sa akin at may hinagis na susi si daddy.

"Oh ayan ang susi ng sasakyan mo mag iingat ka sa pagddrive ha."sabi ni dad.

"Thanks dad. Alis na po ako"sabay halik kay drake.

FadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon