Kabanata TATLO

34 6 0
                                    

Eliz POV

Krrrrringgg krinnnngg tunog ng alarm clock ko na nagising din agad ako.

"Alas sais " tinignan ko ang orasan.

Bumangon na ako inayos ko muna ang higaan, nakita ko ag uniform ko na nakasabit sa likod ng pintuan at ang sapatos ko ay nag kikintaban na akala mo'y ginto. Inayos ko ang mga gamit na kailangan kong dalhin bago ilagay sa bag. Pumasok na ako sa banyo para maligo pagkatapos kong maligo nagbihis at nag ayos. Tumingin muna ulit ako sa salamin bago bumaba.

"Good morning anak"sabi ni daddy at mommy

"Good morning dad and mom" sabi ko.

Nakita ko si mom na nag aayos ng almusal at nilagyan niya ako sa plato ng pancake na may syrup na strawberry at may milo na bagong timpla.

"Thanks mom" sabi ko na nakangiti at ngumiti din ito sa akin.

Pagkatapos namin kumain kinuha kona ang aking bag sa sala.

"Mom dad alis na po ako sakto ang oras sa aking pagpasok"excited na sabi ko.

"Ingat ka, ito ATM card nanjan na ang allowance mo" sabi ni daddy sakin bago ibigay.

"Salamat po dad "sabay yakap ko sa kanya.

Nagpaalam na ako sa kanila bago umalis. Bago ako sumakay sa sasakyan nakita kong kumakaway si mommy at si drake ay kumakaway din na sinusuportahan ni mommy.Ngumiti ako sa kanya bago inistart ang makina. (Brooooooom)

Ford University (Parking Lot)

Pagkatapos kong magpark binigay ko ang susi sa bodyguard ko at nagbow ito sa akin.

Nandito na ako sa harap ng gate kinuha ko ang papel at tinignan kung anong room ko.

Pagkatapos kong maglibot nahanap kona. Nakatayo ako sa harap ng pintuan at pinihit ito.

"Salo dali" sabi ng lalaki sa kalaro niya.

"Akin na sabi ibalik mo yan"sabi ng lalaking nerd.

"Kung makukuha mo"maangas na sabi ng lalaki.

Pumasok na ako sa room at umupo sa harapan. Saktong pagkaupo ko tinamaan ako ng pitaka.

"Aray!"sabi ko habang hawak ko ang aking ulo kung san tumama.

Bumalik na ang dalawang lalaki sa kanilang upuan na akala mo'y walang nangyari.

"Sorry miss natamaan ka nila ako na humihingi ng pasensya"sabi ni nerd habang pinupulot ang wallet niya.

Hindi nalang ako sumagot. Umupo nalang ako at inayos ang bag ko narinig kong may umupo sa tabi ko.

"Sorry talaga "nahihiyang sabi ni nerd.

"Hindi mo kasalanan okay na "humarap ako dito.

"Ako nga pala si Bryan Chua"sabi nito sa akin na nakalahad ang kamay.

"Eliz Reyes nice to meet you"nakipagkamayan ako sa kanya.

"So friends?"tanong nito sa akin.

"Oo naman walang problema tsaka wala din akong kilala dito ikaw palang"sabay ngiti ko sa kanya.

Maaga pa naman dahil 30mins pa bago magstart ang aming klase. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng room at humagip sa aking mga mata ang isang lalaki.Siya ang lalaking walang modo sa akin kahapon.
Saktong lumingon ito sa akin at tinitigan lang ako ang mga mata nya ay kulay asul at umiwas ako ng tingin.

FadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon