Kabanata ANIM

19 5 0
                                    

Eliz POV

Naglalakad ako sa isang garden na maraming bulaklak. Nakuha ang atensyon ko sa isang rainbow na bulaklak, pinitas ko ito at inamoy.
Pagkaharap ko may lalaking nakatalikod sa akin maganda ang kanyang tindig, nakasuot ito ng amerikana.

Humarap ito sa akin at ngumiti. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Lumapit ito sa akin ng nakangiti. Kinuha niya ang hibla kong buhok sa mukha at nilagay niya sa likod kong tenga.

"I love you Eliz"sabi nito na binulong sa akin.

Hindi ako nakakibo dahil sa nangyayari.
Umalis ito na wala siya naririnig na salita mula sa akin. Pagkaharap ko sa kanya ang mukha niya ay nagiging pulbos sa hangin.

Nagising ako sa aking panaginip. Naghabol ako ng hininga tila ba'y napakabigat ng aking tyan. Tumingin ako sa orasan saktong alas sais lamang. Bumangon na ako para mag ayos.

Pagkababa ko nakita ko si yaya na naglalagay sa lamesa ng mga pagkain.

"Ya si mommy po?"sabi ko.

"Ahh si ma'am po ay tulog pa kasi madaling araw na po nakauwi"nakangiti sabi nito.

"Ah ganun ba"sabi ko.

"Opo, umupo na po kayo para makapag-almusal na pinapahabilin po pala sa akin ng iyong daddy na pumunta raw po kayo mamaya sa office niya bago kayo umuwe."sabi nito.

Sinandukan ako ni yaya ng sopas binigyan ako ng milo na bagong timpla. Humigop ako at nagsimula ng kumain.
Pagkatapos kong kumain umalis na ako sa bahay. Tumingin muna ako sa mga bodyguard ko na tila'y naghihintay na sa akin.

Nakarating na ako sa school. Hindi ko nakita sa Bryan. Nagsimula na ako lumakad papuntang gate ng bigla ako natapilok na may naapakan akong paa.

"Aray bakit ba nang- aapak ka ng paa"sabi ng babae.

"Sorry miss hindi ko sinasadya"sabi ko na nakatungo.

"Kass anong nangyari sayo"sabi ni girl.

Nakita kong hinihilot ni kass ang kanyang paa na naapakan ko.

"Naapakan lang ako pero okay na ako tara na "sabi ni kass dito.

Aya niya dito na nilagpasan lang ako.

Nagsimula na akong humakbang papasok sa loob. Nasa tapat na ako ng room at umupo sa aking upuan.

Kinuha ko sa bag ang libro para magbasa basa. Maya maya dumating na si Bryan.

"Good morning Eliz kamusta araw mo?"sabi nito na kakaupo lang.

"Ito agang aga may nasaktan akong paa"sabi ko.

"Clumsy mo naman sa susunod titignan mo nilalakaran mo"sabi niya napapatawa.

Nagsimula na kami mag-aral about sa subject na kailangan namin mapasa ang long quiz.

Maya maya dumating na iba namin kaklase at sumunod ang aming prof.

"Okay class, kumuha kayo ng lenght wise ,isulat niyo name ,section,date and subject"sabi nito.

Nag-sikuhanan na kami ng mga papel ang iba naman ay mayroon hinahati paggamit ang kanilang dila na may laway. Ang iba nakagunting.

Bubunot sana ako ng papel ng biglang nagsalita si Bryan.

"Oh hati na tayo"sabi ni Bryan.

"Salamat"ngiti ko dito.

Nagsulat na ako ng pangalan at Nagsimula na magtanong si prof.

"Number one"sigaw nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon