A/N: Thank you po sa inyong pag-aabang! I love you all.
Diana's POV
"Let's go swim na! Ang ganda pa naman ng init ng panahon" Gazini said habang tinatanggal niya ang kanyang top at shorts. Leaving her on two-piece red bathing suit and I can say na ang sexy talaga ng kaibigan kong to.
Sunod na nagtanggal ay si Louise at she's wearing a black one-piece suit. Sabay sila na tumakbo na sa dagat para maligo at kita ko sa mukha na Louise na gusto niya akong kausapin pero walang tiyempo na di siya kinakausap ni Gazini. Hihilain na rin sana ako ni Louise pero sabi ko una na sila at magtatanggal pa ako ng damit. So, no choice at nauna na silang maligo dahil excited na. Halos lahat ng teammates ko nasa tubig na at ang iba naman naglalaro ng volleyball.
Naiwan kami ni Franki ng tahimik. Kaya nilapag ko na lang yung towel ko at tinanggal na yung shirt at nakita ko si Franki na nakatingin at napalunok pero bigla din siyang nag-iwas ng tingin.
"Franki, maliligo ka na rin ba?"
"Yep, I'll just fix my things lang"
I removed na din my shorts leaving my two-piece lavender bathing suit at nahuli ka na naman na napatingin siya and I feel hot just because of her stares. Mahirap na to.
While I'm putting sunblock nakita kong nagtanggal na rin siya ng dress at nakaharap pa siya sa may side ko kasi walang tao doon. Oh, Good Lord! Grabe ang katawan niya. It's perfect. Nakaharap sakin ang butt niya na alam mong alaga talaga sa exercise. Nung mafefeel ko na na haharap siya ay mabilis ang tumungo at naglagay na rin siya ng sunblock.
"Diana can you put sunblock on my back. I can't reach eh." Shet na malupet!
"Okay. Can you put on my back too after?"
"Of Course!"
Ramdam na ramdam ko sa kamay ko ang makinis at malambot niyang likod kaya habang di pa ako gaanong nag- iinit ay binilisan ko na. After niya, nagpalagay na rin ako at parang mali na magpalagay sa kayan kasi I feel the tension ng mga hawak at haplos niya sa likod. I don't know why I am feeling this but I'm very hot. I need a cold water. After nun niyaya ko na siya na maligo agad.
Her body is perfect. And I can't believe na nahawakan at nahalikan ko yan nug gabing yun. Stop Diana! You're being pervert again. Nandiyan yung ex mo oh.
Parang pag nakikita ko si Louise it's not like before na nasasaktan ako or kinakabahan ako. Maybe because I like Franki na talaga?
We just bond hanggang hapon with my teammates. Naglaro kami ng volleyball at kung ano-anong games na for teams. Nung nakikita naming sunset na. Naupo na kami at ang iba ay nagpicture na kaya pinicturean ko na rin yung sunset for IG story.
"Diana, can you take a picture of me? For memories lang"
"Yes. Of course." I took a picture of her at malayo kong natititigan ang kanyang katawan. I can't help but to admire it and feel something hot inside me.
After that we go to the restaurant for our dinner. After we ate dinner, nagkayayaan sila na mag-inom daw to celebrate our championship kasi di daw magiging kumpleto ang celebration ng walang inuman kaya pumunta kami sa may tabing dagat na may bonfire na, surprise pal ani coach samin yun.
Nagkwekwentuhan lang at naglaro ng truth or dare. Kung ano-ano dinadare nila, dirty dancing, lap dance, 5 seconds kiss sa mga jowa at kung ano-ano pa. Nakikita ko si Franki na tuwang tuwa sa nangyayari at ang pula-pula na ng pisngi niya.
At biglang napatapat sakin.
"Truth or Dare!" Hiyaw nila.
"Truth."
"Ay ano ba yan! Walang thrill. Guys tanong sino may tanong kay Diana" sabi ng setter namin.
"Ako! Ako!" Sabi naman ng isang spiker namin.
"Okay sige, Pat. Ikaw na magtanong."
"Uhm Diana bakit ka naging cold? Diba nung 1st year naman tayo madaldal ka rin at nakikigulo samin. Bakit nag-iba ngayon at last year?" I don't know what to say. Akala ko joke joke lang mga tanong nila kasi may mga tama na sila at lahat nanahimik at nakita kong nakatingin sakin si Franki na nagtataka at napatingin ako kay Louise at nagkatinginan kami.
Di ko sinagot. I just drink the Empi, bottoms up. Ang pait. I think tatamaan talaga ako dito.
"AY ANG DAYA NAMAN!" Lahat sila habang parang nagtatampo.
"Okay next na!" sabi ng setter.
At hindi na ako tumingin sa side ni Louise. At napunta na ang bote kay Franki naman, muntik na naman ako doon ah.
"Okay, Franki because we just know you lang ngayon. I just ask na lang if may boyfriend ka ba ngayon, if wala may nagugustuhan ba?"
Napatigil saglit si Franki at nag-isip kung ano sasabihin.
"I don't a boyfriend right now, but I like someone now" Bakit parang may tumusok sa puso ko? Bakit parang ang sakit malaman na may nagugustuhan na siyang iba.
Nagpatuloy ang laro at wala na ako maintindihan dahil sa sinabi ni Franki. Siguro kaya okay lang sakanya ang nangyari kasi gusto niya ng kalimutan iyon. Gusto niya lang talaga ako as a friend. I know na straight talaga si Franki. Biglang may mga nagsuka na at mga lasing na kaya sabi ni coach na magligpit na at matulog na kaya nagtayuan na lahat nang biglang tumunog phone ko.
*Mom Calling*
"Why mom?" Habang naglalakad ako sa may puno.
"Wala lang anak namiss ka lang nitong si chon kaya gusto ka makausap"
"Mom it's already midnight bakit di pa siya natutulog?"
"Ayun na nga eh at nagtatantrums at namimiss ka na daw niya eh alam ko naman na nasa outing ka kaya sabi ko bawal ka tawagan kaya ito ngayon"
"Okay mom. Give him the phone and I'll talk to him."
After talking to Chon, naglakad na ako papunta sa room nang may narinig akong nag-uusap sa may likod ng puno at narinig ko name ko kaya napatigil ako.
"Ano meron sa inyo ni Diana?" Si Louise yun!
"We're j-just friends" and that's Franki!
"Sigurado ka? You two are just friends? Nothing more? Nothing less?" Diana umalis ka na if you want to save yourself pero di ko maigalaw ang paa ko at hinihintay ang sasabihin ni Franki. Umaasa na gusto ko yung isasagot niya.
"Y-yes." Dahil sa narinig ko lumiko ako pabalik sa dagat.
BINABASA MO ANG
Taking Risks (FrankiAna Fan Fiction)
Fanfiction"I don't know what will happen but I want to take risks for us, for you, cause I know you're worth it.