Kabanata 9

1.7K 59 18
                                    

Kabanata 9

Solanna


Sinundan ko ng tingin ang babaeng inaasikaso ng crew. Mariin ko siyang tinignan. I didn't know na maganda pala talaga siya, no wonder na pinatulan siya. Agad na dumaloy ang inis sa sistema ko. Tumalikod ako at agad na kinuha ang mga gamit ko at naglakad na palayo. So what kung magkasama sila? Ano bang laban mo? Inis akong napairap. Talagang ang baba ng tingin ko sa sarili. Pagkadating ko sa room namin ay agad akong naligo. Nagsuot lang ako ng denim shorts at orange na tropical bandeau top.


Kinuha ko yung laptop at humiga sa kama. Manonood na lang ako ng Netflix! Pumili ako ng movie. Ten minutes pa lang, bigla akong naboring. Ugh! Imbes na kumalma at marelax ay mas lalo akong nasi-stress! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong bumaba. Hahanapin ko si Zee! Tinext niya ako na nasa cabana daw siya kaya doon ako dumiretso.


"Wow. You look gorgeous, A." Sabi niya pagkaupo ko sa tabi niya. "Akala ko ay magmumukmok ka lang doon sa taas."


"Tss. Hindi ako papatalo sa babaeng yon kahit maganda siya."


"Wait, what?" Inilapag niya ang orange juice sa mesa. "Wow. You sound so insecure. FYI, wala akong kilala na Anastasia Vonriego na ganyan! My God, you're full of surprises since you came back here."


Insecure? Gano'n na ba ako? I sighed.


"By the way, there's Hades." Nguso ni Zee sa cabana na nasa 'di kalayuan. Tinignan ko si Zee ng masama.


"What? Baka gusto mo lang tignan! Eto naman." She grinned.


"Seriously, Zee?" Inirapan ko siya.


Pero dahil magaling manukso si satanas, ayun, tinignan ko si Hades. He's staring at the sea while his friends are having fun. He's also drinking whiskey, so I assume that he's thinking about something. Napangisi ako. Lumapit sa kanya si Solanna at may binulong. Hades Reid is cheating on his girlfriend last night. She seems nice. What would she be like if she knew about last night?


"Here's you champagne, A."


Inilapag ng waiter ang bote ng champagne at ang dalawang baso para sa amin ni Zee. Sinalinan ito ng waiter. Matapos yun ay umalis na ito.


"You think, Zee?" I sipped on my champagne. "I'll fall for him again?"


Narinig ko siyang umubo. "That's a stupid question, Asia!"


"May mali ba?" Umayos ako ng upo.


"Seryoso ka ba dyan, A? Eh sabi mo nga kaninang umaga na naghalikan keme kayo at muntikan ka na niyang kantutin kagabi."


Gusto kong takpan ang mga tainga ko sa sinabi niya, but it's too late! Ang babaeng ito, walang filter ang bibig!


"So vulgar, Zee!" Ngumiwi ako at napatingin sa dagat. It's almost sunset. Ang ganda ng langit.

Anastasia (Vonriego Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon