Eba Eba

1 1 0
                                    

Eba Eba

Sa isang planeta,
Na kulay Berde, Asul at Magenta
Ginawa si Adan at Eba.

Adan,
Kung tawagin Niya
Malungkot dahil walang kasama
Kaya't ginawa si Eba.

Eba,
Hindi ka babae lang
Pagkat ika'y pinagpalang nilalang
Sa mga lalaki'y---
Wag kang magpapaloko, please lang.

Mansanas,
Na sa lalaki'y maihahalintulad.
Sa unang tingin ay hindi malalaman ang balak;
Kung ikaw ba'y pasasayahin sa tamis
O sasaktan ka lamang sa pait.

Hindi mo mailalahat,
Dahil sila'y may iba't ibang kaanyuan.
May gwapo ngunit manloloko,
pangit ngunit seryoso, mayroon ding
Katamtaman na kaya kang mahalin nang todong todo.

Sa kuwento man ni Adan at Eba
Hindi pinabiyaan ni Adan si Eba't kanya pang minahal.
Sa henerasyon ngayon,
Humanap ka ng Adan na sa kaniya'y ikaw ay sapat na.

Lost PoemsWhere stories live. Discover now