spoiler : sinu kaya ang parang fan signing lang kung mag pakasal? XD
special thanks to my reader HIAGAINTOYOU, ang speeeeed mo appreciated ^_^
thanks and vote
==============================
Y/N: baby Keun please wait for us okay? Mani lang ang 1 to 2 year pag hihintay diba?
Nanginginig na nag papaalam si Y/N sa anak
Asa airport sila ngayon upang ihatid si Keun at ang bagong yaya/bodyguard nito na hi nire pa nila galing sa military , personal assistant ni Ken ang mismong nag rekomenda dito kaya't hindi sila masyadong nag alala sa kaligtasan ni Keun habang wala ito sa poder nila
Lumuhod si Ken sa anak at hinawakan ito sa ulo
KEN: baby mag iingat ka dun ha? Mag s school ka na man doon so hindi ka ma bo boring , don't study hard but study wise ... make us proud!
KEUN: naman po! Don't worry po I will watch over kay lolo naman eh, atleast may kakasama ko na din yung isa kong lolo, im a big boy now so I can take care of him na din po!
Ngumiti ito ng Malaki sa kanila ni Y/N
Parang nabunutan naman ng tinik si Ken buti na lang talaga hindi ito cry baby na laging hinahanap ang magulang , buti na lang talaga naiintindihan nito ang sitwasyon nila, buti na lang talaga independent ito at matured mag isip
Niyakap ng mahigpit ni Y/N ang anak tyaka hindi na mapigilan ang pag hagulgul
Gumanti na man si Keun sa yakap nito
KEUN:shhh mommy I said don't cry... sanay naman na po akong mag isa, remember noong tayong dalawa lang sa mexico iniiwan mo kong mag isa dahil sa mga seminars mo hindi na man ako umiyak, noong asa japan tayo 1 night ka hindi nakauwi dahil over time buti na lang may iniwan kang foods at noong –
Pumiglas si Y/N sa pag kakayakap sa anak dahil bigla syang na inis dito, hindi nya alam kung pinapagaan ba nito ang pakiramdam nya o mas inaasar lang sya nito
Y/N: anu ba Keun mas pinapamukha mo lang kay mommy na wala akong kwentang ina e (pout)
Tumawa lang ng malakas si Keun
Natigil ang pag iyak ni Y/N
KEN: Keun ha , alam ko big boy ka na pero wag ka munang mang bababae dun ha? Alam ko maganda lahi natin pero wag muna
Binatukan ni Y/N si Ken
Y/N: putek naman Ken! Ang bata pa ng anak mo tinuturuan mo na agad!
KEN:aw hahaha bakit may sinabi ba kong mali? Maganda naman talaga lahi namin ah?
Y/N: (rolled eyes) slow!
Napakamot nalang si Ken ng ulo , napangiti lang si Keun sa magulang nya na nag aaway sa harapan nya muka talaga itong kasing edad nya kung mag bangayan
KEUN: daddy, mommy maski ba naman sa pag alis ko mag aaway kayo?
KEN: ito kasing mommy mo!
Y/N: bakit ako? Kasalanan mo kaya!
KEUN: hayyyy ang hirap talaga mag palaki ng magulang!
Y/N: what?!
KEN: (clear throat) oh sya ma lalate na kayo baka hindi pa kayo makaalis... Alex, ikaw na muna bahala sa anak naming ha? Nakapag usap naman na tayo sa mga gagawin mo... be good to our son nag iisa lang yan
BINABASA MO ANG
SB19 KEN's ILLEGAL (COMPLETED)
Romance(COMPLETED) Inihilamos nya ang kamay sa mukha sa inis Kaya pala iba ang pakiramdam nya sa pag gising nya ngayong araw Kaya pala sobrang sakit ng katawan nya Someone seduced him! Nag sisisigaw sya galit,sa inis at pag sisisi Hindi nya alam gagawin...