HIAGAINTOYOU - eto na nga po :)
jatiniya07 - haha sobrang agad minsan sobrang late din
FNRTfaith - buhay ka pa?
post ko na to bago fb live ni pinuno :)
==============
JUSTIN: damn it! Damn it! Bwisit talaga!!!!
Sigaw ni Justin habang hinahapas hampas ang pader ng Hospital, asa labas sila ng Operating Room ngayon
Habang si Y/N ay naman niyayakap ang sarili habang nanginginig, pilit pinakalma ang sarili at pilit pinipigilan ang pag hikbi
Muling sinuntok ni Justin ang pader wala syang pake kung mabalian man sya ng buto ang mahalaga ay mailabas nya lahat ng galit nya
JUSTIN: bakit si Ken pa damn it!!!!
Saktong iuuntog nya na ang ulo sa pader ng may maramdaman syang yakap sa likod si Y/N yun na pilit syang pinipigilan sa pag e eskandalong ginagawa
Y/N: tama na! hindi naman yan nakakatulong sa problema natin ngayon!
Agad hinawakan ni Justin si Y/N sa braso at inalis ang pag re restrain sa kanya nito
Humarap sya dito ng may galit pa din sa mga mata
Pinaningkitan nya to at dinuro si Y/N
JUSTIN: alam mo? Kasalanan to ng pinsan mo e at pati ikaw! Kung hindi ka na nag pakita kay Ken na ginawa mo naman na sa pitong taon ede sana hindi sya nag aagaw buhay ngayon! Ede sana masaya pa kami! Sana kasi ikaw at si Lara nalang ang nabaril hindi ang walang kamalay malay na si Ken!
Naramdaman na lang ni Justin ang bigat ng kamay ni Y/N sa kanyang pisngi
Sinampal sya nito
Napangising aso si Justin
JUSTIN: ano yan lang ba magagawa mo? Tingin mo mababalik lahat ng yan ang dugong nawala kay Ken?
Napakagat ng ibabang labi si Y/N habang tuloy ang panginginig nito at lumuluha
Y/N: a..akala ko ba okay na tayo? Akala mo ba ginusto ko to?
JUSTIN: pero sabi mo pro protektahan mo sya! Nangako ka sakin Y/N! pero bakit ikaw pa yung iniligtas nya! Isa pa nyang pinsan mo! Narinig mo ba ang sabi ng doctor? Sa dibdib tinamaan si Ken! Malala sya ngayon!
Y/N: oo na! oo na! kasalanan ko na! wag mo na ipamukha sa akin na nasa bingit sya ng kamatayan ngayon! Wag mo na akong paulit ulit na saktan Jah!
Tumigil si Y/N sa pag sigaw at pinunasan muna ang luha gamit ng kanyang mga kamay
Parehas silang may mga mantya ng dugo sa katawan, madaming dugo ang nawala kay Ken, sinabi lang ng doctor kanina na ipagdasal nalang namin sya na mapag tagumpayan ni Ken ang operasyon dahil hindi biro ang lugar kung saan tumama ang bala sa katawan nya
BINABASA MO ANG
SB19 KEN's ILLEGAL (COMPLETED)
Romance(COMPLETED) Inihilamos nya ang kamay sa mukha sa inis Kaya pala iba ang pakiramdam nya sa pag gising nya ngayong araw Kaya pala sobrang sakit ng katawan nya Someone seduced him! Nag sisisigaw sya galit,sa inis at pag sisisi Hindi nya alam gagawin...