Josh' POV
"Late na naman ako ngayon." Sabi ko sa sarili habang chill na chill lang sa paglalakad sa hallway papuntang classsroom. Kapagod kaya magspeed walking lalo na't asa third floor pa classroom niyo at walang elevator yung building ng college department. Tuloy tuloy lang ako sa paglakad ng may naramadaman akong may nabunggo sa likod ko! "Naknam--" di ko na naituloy ang sasabihin ko nang sa aking pagharap, tila may nakita akong anghel! Ang ganda niya! "I'm so sorry! I wasn't paying attention while walking. I'm running late so see you around!" Pagmamadali niyang pagpaalam. Napailing nalang ako, bat kasi late na? Yan tuloy tumakbo yung grasya!
Nakarating naman ako sa classroom at di ko na naabutan yung teacher, first day of classes palang kasi kaya malamang nagcheck attendance lang yung teacher at check ng registration forms kung tama ba napasukan ng mga estudyante.
"Kaya pala iniwan mo saken tong RF mo!" Bungad saken ni Jah pagkapasok na pagkapasok ko sa pintuan. Dalawa ang pinto sa bawat regular classroom sa building na to, isa sa likod banda, isa sa harap naman. Kaya pagkapasok na pagkapasok ko, bumungad agad tong si Jah kasi asa pinakalikuran siya pumwesto. "Chineck attendance isa isa o rf lang?" Tanong ko at naupo sa katabing arm chair. "RF lang. O! Kunin mo na bago ko pa punitin yan!" Inis na sabi nito. Pero alam ko namang biro lang niya yan. Di niya kaya kayang maresist tong charisma ko hahaha!
Di pa pala ako nakakapagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Joshua Albert Cullen, hindi po ko pinsan ni Edward Cullen ah? Tsaka di naman kasi totoo yung mga bampira. Tunog foreigner lang talaga yung apelyido ko kasi sabi ni mama foreigner daw tatay ko. Di ko pa naman siya nakikita kaya bahala siya jan. Pero wag kayong maawa sakin ah? Kasi di naman ako nakakaawa, tinaguyod ni Mama ang pagpapalaki saken kahit mag isa lang siya at pinunan lahat ng pagkukulang ng elyen kong tatay. Eto namang kasama ko e si Justin de Dios, Jah for short, mayaman yan! Palagi akong libre sa computer shop, restau at kung saan saan pa! Minsan nga sinasadya kong iwan wallet ko para malibre niya e. Same college dept. kami kaya madaling naasikaso yung sched namin para tumugma, maging magkaklase manlang kahit sa minor subjects. Close pala kami kasi since SHS magkaklase kami neto ni Bujing, dami niyang palayaw e!
"Excuse me? Kaklase ko ba kayo?" May parang bagong gising na dumating at pinakita niya samen ang kanyang RF. "Oo Tol! Josh nga pala, malas mo wala kang kaibigan na bumitbit ng RF mo for attendance!" Biro ko. "Tapos na? 20 minutes late lang ako ah? Akala ko one hour klase natin dito?" Tanong nitong bagong dating. "Ganun talaga dito basta first day. Checking lang ng RFs. Justin nga pala." Paliwanag at pakilala ni Jah. "Buti pala at naabutan ko kayo, kung hindi malamang mamumuti mata ko kahihintay sa wala! Ken nga pala." Pakilala niya. "Ken? E Felip Jhon nakalagay sa RF mo e!" Anas ko. Kasi nga diba? Pinakita niya RF niya kaya binasa ko na pati pangalan, tsaka contact number pero di ko nakabisado basta 0915619xxxx, bago niyo isiping echosero ako, nadaanan lang talaga ng mata ko! Huwag niyo ko ijudge! natandaan ko agad na 619 kasi Rey Mysterio! Bat ang defensive ko ata? Aish! Si Angel kasi e! Tinakbuhan ako kanina, yan tuloy kung ano ano na naiisip ko! "Basta tawagin niyo nalang akong Ken. Epal lang talaga Lolo ko kaya pinalitan pangalan ko." Natawa nalang kami ni Bujing sa paliwanag niya. Tinawag pa talagang Epal yung Lolo e! Hahahha laughtrip din tong isang to.
Di kami magkaklase ni Bujing sa next subject kasi Major, pero etong si Felip Jhon e kablock ko pala kaya magkaklase kami sa lahat. Sabay naman lunchbreak namin ni Jah kaya magpapalibre ako sakanya mamaya! bwahahaha. Asa kalagitnaan ako ng pagtawa na parang demonyo ng nakita ko si Angel na naupo sa harap! Magkaklase kami? Major Subject to diba? Kaya nga di kami classmates ni Bujing e. Ibig sabihin, Blockmates kami ni Angel? Mamamiya Marimar Salamat Panginoon!
Bumalik ako sa aking ulirat ng may bumagsak sa sahig, actually nahulog pala siya. "AY LOLO MO! Tol! Tayo! Anyare sayo?" Taranta kong tanong kay Ken kasi nga nagulat ako. Nagtinginan naman ang lahat samin kaya napapeace sign nalang ako, napalakas ata pagsigaw ko. Kaya nga sigaw diba? Kasi maingay? As in Loud kaya ang tawag shout! Ah basta mukha na kong tanga. Bumalik sa pag upo si Ken at natulog ulit. Bilib din ako dito e, parang wala lang nangyare. Napatingin naman kao kay Angel at nakangiti siya! Ang ganda niya talaga!

BINABASA MO ANG
Son of the Water God (SB19 Fanfiction)
FantasiaThey say half of the happenings in our lives is destined to happen and you cannot do anything to change this, but the other half is something you can alter and make decisions that will surely affect the situation. As human beings, we have our certai...