Chapter Six

135 11 1
                                    

"Is that safe?"

I asked Xia and Chescka na busy na maglagay ng life jacket. Nakatingin lang ako sa kanila habang tinititigan ang bangka.

We will be kayaking today at sobra akong nabo-bother sa bangka. Isa siyang narrow boat na ginagamitan ng paddle para umandar. Natatakot din ako dahil tig-iisa kami kasi hanggang dalawa lang ang pwede sa isang boat depende kung sino ang isasama mo. Kaya nagpasama na ako kay kuya na nagpapakana ng kayak. Baka kasi hindi na ako makabalik sa Manila.

Tinawanan lang nila ako at tinulungan magsuot ng life jacket.

"Kuya safe ba 'to?" I asked a random guy. Tumango naman siya at ngumiti sa'kin. "Safe 'yan ma'am"

"It will be fun, SB!" sigaw ni Chescka at tinapik pa ang balikat ko. Her voice was really demure.

May suot kaming lalagyan ng cellphone para hindi mabasa. Nakasuot ako ng maong short and then yellow na bra top. Hindi naman na kita dahil sa life jacket. Si Xia naman ay naka sando na kita ang bra na pang-ilalim and then naka short din. While Chescka was wearing an overall bikini na hindi medyo daring.

"Let's take a picture!" Chescka said and raised her phone. I smiled at the camera a little bit dahil kinakabahan talaga ko.

Sumakay na sila Xia kaya sumakay na din ako. Kahit na kinakabahan ay gomora pa din ako.

Aandar na sana kami nang biglang may tumawag saakin..

"SB!" It's Tyler. He's wearing a sando and board shorts ulit in different style. "Can I come?" Hindi ako nakaimik agad kaya sinigawan ako ni Xia.

"SB! May pogi na gustong sumama!" Halos mapakurap ako ng ilang beses sa sinabi ni Xia. I smiled at her at tumango na lang. Tyler basically wore a life jacket and then sinabi niya kay kuyang magda-drive sana na siya na kapalit.

He's in the front tapos ako sa likod. Para masusundan ko yung pag paddle niya mamaya.

"Are you ready?" He said while smiling. Napa-smile din tuloy ako. "Tara!"

Kayaking is like cycling. Madali lang naman pala matututunan. Medyo nagugulat lang ako kapag umaalon kaya tinatawanan ako ni Tyler.

May line naman kung hanggang saan lang kami pwede pumunta kaya masasabi kong safe pa rin naman. If ever na matumba kami, may life jacket naman and also marunong naman ako lumangoy.

Binilisan ni Tyler ang pagpaddle kaya inis ko siyang sinigawan. "Make it slow! Ang sakit sa braso!"

He laughed loud again at binagalan ng unti. Inangat ko saglit ang phone ko at dali-daling nag picture from the view of the beach and also si Tyler na nakatalikod while paddling.

"Hoy tulungan mo ako mag sagwan!" He shouted kaya binaba ko na ang phone ko at nag paddle ulit.

After a minutes ay nakabalik na kami sa pangpang. Xia and Chescka are happily talking about their experience. Nang makita nila kami agad silang lumapit at nagpakilala kay Tyler.

"I'm Xia./Chescka." Tyler smiled and held their hands. "TJ"

An 'o' formed from their lips pero ngumiti na lang ulit at tiningnan ako ng makahulugan. I just shrugged.

After kayaking, we decided to eat in the restaurant. Sumama ulit si Tyler.

"Wala kang dalang camera." I stated. Napatingin siya sa'kin while browsing the menu. Sina Xia ay busy din magtingin ng pagkain.

"Imagine mo naman kung may camera akong sakbit sa leeg while wearing a life jacket." Napatawa ako sa sinabi niya at hindi na lang siya pinansin.

Maybe, A TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon