Chapter Nine

125 11 0
                                    

The spa was in the highest point here in the resort kaya the view was very eye-soothing. Xia and Chescka are both busy taking pictures while they in a massage. Parang nagvlo-vlog pa nga ata si Chescka.

We had a glass of drink in the lobby a while ago while waiting, ganon ang gusto ko sa mga spa e. Libre drinks.

"SB, kelan balik mo sa Manila?" Tanong ni Xia while busy in her phone. Napatingin ako sakanya ng ilang segundo. I don't know what to say. "Hindi ko alam."

That's the best I can say kasi totoo naman, hindi ko alam kung kelan ako babalik, kung kelan ako uuwi at kung kelan ako magiging okay. Besides, nasasanay na din ako sa environment dito.

"Where are your family?" Si Chescka naman ang nagtanong. "I only have my brother."

"Ow, I'm sorry." I just smiled at Chescka. Hindi naman na sila nagtanong ulit because of the atmosphere.

After the massage, we headed to the deck to chill. Nakatingin lang kami sa view of the island na kitang-kita dahil ang taas namin. May ilan-ilan ding mga andito.

Nagtunog ang phone ko. Unknown number.

I blocked Bon and other possible persons that can call me para hindi na ako mag-isip sa mga kung anong sasabihin nila.

Kanina nung sinabi ko sakanya kung interested siyang maging model ako ulit, hiningi niya number ko. The moves.

Binuksan ko 'yon at tumambad ang picture ni Tyler na nakangiti sent in imessage with a simple message: "Are you free tonight? I have a mini studio. "

I smiled a little before I replied,

"Do you really think you're a professional photographer already?"

Seconds after my phone bipped again.

"I am already a photographer when you become my model."

Hindi na ako nagreply dahil nag-akit na yung dalawa pabalik sa baba.

"SB, which one?" Tumingin ako sa dalawang hawak na dress ni Chescka. Andito kami sa line ng mga nagtitinda ng damit, ang daming beach dress! May mga bikinis and so on. Napapabili din tuloy ako.

I pointed the red one. Bagay kasi sakanya kasi maputi siya. Pareho sila ni Xia, kaso puro pa-boy style si Xia e. They are definitely opposite.

"Is this original?" Bulong ko kay Xia habang tinuturo ang mga damit. Tinawanan niya ako bago tumango.

Tbh, hindi talaga ako nagsusuot ng nga damit na hindi original or branded. May mga designer clothes pa nga ako. Anak ba naman ng isang Dominguez. Anong magagawa ko?

I am me.

In the end, sampung paper bags ata ang bitbit ko. Natuwa kasi ako dahil ang gaganda ng mga bikinis. Puro plain!

"What's your surname?" Out of nowhere na tanong ni Chescka. Minsan talaga parang pumapasok na lang sa isip niya kung ano-anong mga bagay. Ang tahimik niya pero ang dami niyang tanong sa isip niya.

"Dominguez." She stopped and then looked at me.

"In any chance, do you know Bonifacio Dominguez?"

Ako naman ang napatigil. "How did you know my brother?" Humawak siya sa bibig niya at tumingin kay Xia. Si Xia naman ay gulat din na tumingin sa'kin.

"Kapatid mo si Bon?" I nodded.

Chescka remain silent. Hindi na siya nagsalita ulit at umiwas na siya ng tingin.
Naghiwa-hiwalay na din kami after that.

"Did you organize this?" I asked Tyler na busy mag ayos ng mga lights. He really wants me to be a model for tonight.

"Sino pa ba mag-aayos niyan? Wala naman akong team." Tumawa siya at itinuro ang upuan.

"Ready na po Miss, smile lang po. Give me your genuine smile, idi-display 'to sa bahay niyo." I rolled my eyes.

Parang graduation picture lang sinasabi niya! Tinawanan niya ako at inayos ang set-up ng camera niya.

He's wearing a black longsleeves at bukas na naman ang dalawang butones noon. Nakashort din siya ng black at tsinelas na black. All black ang kuya mo.

Sinundo niya ako sa casita kanina. We also had our dinner in the buffet sa loob ng hotel ng resort which is in the middle kaya gumamit kami ng golf cart. Pwede naman daw kumain lahat doon ng guest over all, kahit nasa casita. I chose casita kasi kesa sa hotel kasi ayokong magpabalik-balik pababa, paakyat gamit ang elevator. Mas maganda pa dahil malapit ako sa beach.

"Ayaw mo ba talaga i-push yung dream mo? Achieving your dream will make you more equipped."

He chuckled. "Hindi nga pwede."

"Why?"

"Ang dami mong tanong. Go na, pose na."

Pumwesto ako sa upuan doon at inayos ang dress pati ang buhok kong naka-bun at labas ang bangs.

"Bakit hindi ka nagpaikli ng buhok? Para dora." Inis akong tumayo at sinuntok siya sa braso.

"Napaka mo."

I put my hands in my face a little bit while smiling widely. He stopped a little before clicking the camera. "Sanay na sanay a, model ka ba?"

"Model mo ngayon."

"I mean, freelance model or what?" Umiling ako.

"Nagkakaroon ng photoshoot palagi ang pamilya namin before. Pero hindi ko talaga prefer na pinipicturan ang mukha ko. Kaya swerte ka." He smirked and positioned himself again to take a picture.

Candid, fierce, happy, sad, lahat na! I did my best para lang maging model niya ngayon. I think I helped him be a photographer even just for tonight. Yung mukha talagang photographer, just like now.

"Can u look at the side, and then side ulit and then sa likod?" My forehead creased.

"Why?"

"Kasong forgery, 25 yrs old. Taga Manila." Kinuha ko ang sandals ko at binato sakanya.

"Alam mo ang epal mo!"

Tumawa siya ng tumawa at sinenyasan akong lumapit.

Pinatingnan niya yung mga shots niya. It was indeed good! Napapahanga ako sa photography skills niya. It looks like a professional shots. Dinaig photographer namin.

"Since when did you start photography?"

"Since highschool. I joined different photography organizations." I nodded. Kaya pala... mas nag improve pa ngayon.

"Do you want my help? I can easily hire people to be your team and also I can grant and bring you into a good company of photography! You think?" Tinawanan niya lang ako.

"Hindi lahat nadadaan sa pera, SB." Tumingin ako sakanya.

"Hindi naman pera ang n-'

"Kung 'yan lang din naman pala, kayang-kaya kong gawin 'yan. I can easily joined into professionals photography studios, kaya ko ding magtayo ng sarili kong studio. Kaya ko din SB, pero hindi naman kaya ng konsensya ko."

"Ayaw mong sundin ang gusto mo? Hindi palaging sa tatay mo ikaw maniniwala. Sometimes, hear yourself. Hear what your heart says."

Umupo siya ng maayos at pinatong ang kamay sa may lamesang katabi niya. He looked at me with a serious expression.

"Hindi palaging puso ang nasusunod. Minsan, mas importante pa rin na isip ang nangingibabaw."


ygm

Maybe, A TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon