Chapter Eleven

108 11 0
                                    

Trigger Warning: This content will include topics that looks difficult and violent to other readers.

"Walang kang binatbat sa anak ko! Ganyan ka na lang ba? Wala kang mararating sa buhay kung hindi m-"

"Bakit? Si Gynalene ba may ipagmamalaki na?! She's nothing but like you! Pareho lang naman kayong tuta sa daddy k---"

Isang malakas na sampal ang natamo ko kay Amanda. Bon held my wrist at sinubukang ilayo pero hindi ako nagpadala sakanya. I looked at Amanda na gigil na gigil na nakatingin sa'kin while Gynalene on her side.

I looked at Gynalene na seryosong nakatingin saakin.

"Kahit kelan ba may ipagmamalaki ka Gynalene? Oo, isa ka ngang writer but did you tell your mom, kung bakit ka naging writer? Go tell he----"

"So ganyan ka na ngayon? Maghahanap ka ng butas para may kadamay ka sa kahihiyan mo? Hindi lang ang pangalan ng daddy mo ang nadamay, pati ang pamilyang ito!" Amanda said and pointed me like a trash.

I laughed.

"Kelan tayo naging pamilya? Kelan Amanda? Simula nang mamatay si mommy at ikaw ang pinalit ni daddy, hindi tayo pamilya dahil hindi ka namin kadugo. Don't ever tell me na pamilya tayo dahil kahit kelan hindi mo kami tinuring na pamilya!"

"Wala kang utang na loob! Mabuti na nga lang at namatay na si Carlos dahil hindi niya makakayang makita na ang anak niy--"

I slapped her. Hard. Agad akong inilayo ni Bon.

"Wala kang karapatang sabihan si daddy ng ganyan. Tuwang-tuwa ka pa pala na namatay si daddy? Why? You can easily get all my dad's power? Iba ka rin talaga e. Don't worry, if ever na may mangyaring masama kay tito Arman na nagha-handle ng kompanya ngayon, baka makuha mo na ang gusto mo."

Napapikit ako sa mga naalala ko at unti-unting bumuhos ang luha ko. All these years, naging mabuting anak ako kay daddy. I also tried to get along with Amanda and her daughter pero wala pa ring nangyari.

Palagi na lang nila kaming minaliit. Especially ako na walang ginawa kundi pumalpak.

I laughed with my thoughts at pinahid ang luha. I'm here to enjoy, hindi ko na dapat inaalala yung mga ganong bagay.

Nag-ayos ako ng sarili at nagsuot ng simpleng shorts and sando. Sinuot ko din ang shoulder bag at slippers. Hindi na din ako nag make-up dahil nasa beach naman ako. I'll be going to the town proper.

Kaninang umaga ay natanghali ako ng gising dahil halos lunch na rin non. Kaya nanood na lang ako ng movie sa casita pagkatapos.

Inakit ko sina Xia pero natatamad daw sila pumunta dahil kakapunta lang daw nila nung minsan. Kay TJ daw ako magpasama pero alangan namang magpasama talaga ako? I don't want to be so called... malandi. And besides... he told me na magkita ngayon pero it looks like wala naman kaya magliliwaliw muna ako mag-isa.

I rode at the golf cart papunta sa exit ng resort. I rented the golf cart para makalabas ako gamit ito. Hindi sila pumayag nung una but when I told them that I'm the daugher of Juan Carlos Dominguez, tinanggap nila ang pera ko.

Wala masyadong dumaan sa kalsada kaya binilisan ko ang pagmamaneho ko. Minutes after nakarating din ako sa town proper. Mukhang probinsya pero madaming stall ng pagkain at tindahan. Andito din ata ang palengke.

I parked the golf cart sa mga paradahan ng sasakyan. Nagbayad pa ako dahil may bayad daw ang parking.

Nakakita ako ng studio kaya agad akong pumasok doon. Hindi ko alam kung bakit pero naalala ko si Tyler. I really hope na sundin din niya ang gusto niya. We only live once, bakit hindi na lang niya gawin kahit may tutol diba?

Maybe, A TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon