Prologue

12 2 7
                                    

Third Person's POV


Malungkot ang tinig ng pag-piano ni Cess, tila ba siya'y nag-iisip sa kaniyang utak ng mga malulungkot na alaala.


Unti-unting tumulo ang luha niyang kanina pa gustong bumaba, nakikisabay ang kanyang mga daliri sa lungkot ng paligid.


Siya ay nakapikit at dinaramdam ang sakit, ang tuloy-tuloy na pagpatak ng kaniyang luha ay sinasabayan ng ulan at sa bawat pagsambit niya sa kaniyang pangalan ay siya namang pagkirot ng kaniyang puso.


Sa isip niya ay natapos na ang mga sandali, panandalian lang ang lahat.


Ang saya, ang lungkot, ang kilig, at ang pagmamahal...


Natapos na.


Umabot ng limang oras ang pagtugtog ni Cess ng piano, walang makapigil sa kanya kahit na sino. Nang mapagod ay sa harap ng piano nakatulog at namamaga ang mata sa kakaiyak.


Sa kaniyang panaginip ay nandoon siya at nakatitig sa kaniya na parang may sinasabi, at yung mga ngiti niyang nakaka-akit.


Lumapit siya sa kanya at niyakap ng mahigpit at sinabing, "Hindi pa tapos ang ating kwento."


Simulan natin sa simula at tapusin natin sa huli. Ulitin nating muli mga masasayang sandali, tatapusin natin kung hindi.


"Magpahinga ka na, Cess."


Tangent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon