Chapter 1

11 2 4
                                    

Cess's POV


"Uy Cess, lakas maka-titig kay japanese guy ah!" Pagbibiro ni Ella sa gilid ko.


Potek kasi, ba't may ganitong uri ng nilalang? Nakakagigil.


"Tara na nga, mag-start na." Sabi ko kay Ella at sabay irap kay Shiro na may kalandian.


Si Shiro yung japanese guy na tinutukoy ni Ella, si Shiro na matagal ko nang crush.


Si Shiro na may kausap na malanding babae na harot ng harot sa kanya tas eto namang si hapon nagpapa-harot. Bahala nga kayo diyan!


Pumasok na kami sa loob, kung saan magaganap ang ceremony. Tsk, makakakita nanaman ako ng dalawang magki-kiss. Bad trip oh!


Kasal kasi ngayon ni Kuya Cedie, at syempre dahil kapatid ako ng groom eh wala akong ligtas. 'Di ako nakatakas dahil gustong-gusto ng magulang namin na kumpleto kami. Eh ayaw ko nga ng kasal!


Ayoko talagang nakakakita ng mga taong maghahalikan sa harap ko, my goodness! Kahit pa kasal 'to, duh!


Isa pa, kaya lang ako pumunta dito dahil kay Shiro. Pero badtrip, pag dating namin sa venue sila agad ang nakita ko, si Shiro at yung babaeng mukhang haliparot.


Hay nako, pagtapos talaga nitong kasal eh uuwi na ako sa condo ko! Hindi ko kinakaya ang mga tao dito, tsk.


Marami akong taong ayaw kong makita o makausap at mga taong dahilan kung bakit lang ako nandito.


Ayoko naman kasing suwayin ang mga magulang ko, kahit pa masama ugali ko at aware naman ako na masama talaga ako, hinding-hindi ko susuwayin ang utos sa'kin ng mga magulang ko.


Utos talaga 'to, iniyakan ko pa nga sila na ayoko talagang uma-attend sa mga event na ganito.


I hate people.


But I like Shiro, hehe.


Si Shiro yung tipo ng lalake na tahimik lang pero mabait. Pero syempre hindi ko na alam yung iba pa niyang ugali dahil never niya 'kong kinausap at never niya akong ika-crushback. Tanggap ko naman 'yon, pero sana naman 'no, 'wag siyang magpapakita sa'kin na may kasamang kalandian. Goodness!


Sa sobrang unsociable kong tao, si Ella lang ang kinakausap ko dito, kasi siya lang naman yung pinsan ko na mabait at matatawag kong kaibigan.


Simula bata pa lang ako, si Ella lang naging kaibigan ko. Ewan ko ba kung bakit, baka pinaglihi ako sa alien dahil nga ayaw ko sa ibang nilalang.


Ang masama pa rito, hindi man lang ako pinili sa isa sa mga bridesmaids, kasi by partner 'yon, eh! Ni-request ko nga na a-attend ako kung isasama ako sa bridesmaids at dapat si Shiro ang ka-partner ko, eh hindi pumayag 'yung kuya ko. Mag bestfriend kasi 'yung kuya ko at si Shiro.  Ayon, nagwala ako sa bahay nila dahil pinag-partner niya si Shiro sa ibang babae. Walang kwentang kapatid! Walang support!

Tangent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon