Chapter 3

8 0 0
                                    

Cess's POV


Saktong 5:00 am ay nakarating na kami sa Ilocos Norte, nandito kami ngayon sa loob ng hotel para mag pahinga ng saglit dahil sa pagod sa biyahe.


Pero mas pagod 'yung driver, siyempre! Nahilik pa nga ang kupal.


At oo! Magkasama kami ngayon sa kwarto dahil naubusan daw ng room dahil nga summer ngayon at maraming dumadayo.


Nung una nagreklamo ako dahil nga ayoko ng may kasamang kupal sa kwarto pero dahil naaawa ako kay Zebi sa sitwasyon niya at wala na akong magagawa pa kasi occupied na nga lahat ng room sa hotel, at isa pa hindi rin naman kami magtatagal dito dahil lilipat din kami agad mamaya ng hotel, edi pumayag na ako.


Hinayaan ko na lang muna si Zebi na matulog dahil mukhang nakakaawa yung posisyon niya, 15 hours kasi siyang nag-drive. Kagabi 2 hours lang yung tinulog niya saka na kami umalis.


Pero hindi pa rin ako titigil sa pagku-kumbinsi sa kanya na sabihin kung sino 'yung bagong babae na pinagkaka-interesan niya.


Goodness, iba kasi mag mahal ang isang 'to.


Pero kung sino man 'yon, isa lang masasabi ko...

Sana all.


Sana all may katulad ni Zebi na seryosong magmahal.


Si Shiro kaya gano'n din?


Goodness! Shiro nanaman, Cess!

Pumunta ako sa CR para maligo pero nagbago 'yung isip ko nang makita ko 'yung ganda ng bath tub, ginto kasi siya at sobrang linis na parang hindi pa nagamit ng kahit na sino.


Nilagyan ko ng mainit na tubig 'yung bath tub at kumuha ako ng bath bomb sa basket na pinaglalagyan ng mga sabon, shampoo, at iba pa.


Magkano kaya 'tong bath tub na gan'to? Parang gusto kong i-uwi 'to ah.


Oh well, mahilig kasi ako sa gold at silver. Pwede na rin isama 'tong bath tub para sa collections ko, hehe.


Gawin ko kayang gold 'yung CR ko dun sa condo ko 'no? Oh! Pwede! Baka mas matuwa pa ako sa pagpasok ko palagi sa trabaho pag nangyari 'yon.


Isang oras akong nagbabad sa bath tub at umalis na pagkatapos—


"What the heck?!" Sigaw ko kay Zebi nang makita ko siyang nasa labas ng glass door at gulat na nakatingin sa katawan ko, saka ko lang naramdaman na hindi ko pa nga pala nasuot 'yung bath robe!


"Goodness Zebi! Do you know how to knock?!" Sigaw ko sa kanya pagkatapos kong isuot 'yung bath robe ko at dinuro-duro ko siya.


"I-I'm s-sorry! Ang tahimik kasi eh, 'di ba maingay ka naman talaga pag naliligo?" Sagot ni Zebi na halatang namumula.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tangent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon