Your Third

34 5 2
                                    

"Finally! Makalalabas na 'ko!" ngiting-aso ako nang buksan ni Ms. Stacey ang pinto ng detention room. Akala ko pa naman mag-eenjoy ako sa kaaasar kay Ran. Nauna siyang lumabas sakin dahil kinailangan daw siya ng SC para sa darating na sportsda event. Tsk. Sino kaya samin ang gumagamit ng posisyon para tumakas?

Nilapitan ko si Ms. Stacey para tanungin. "Ms., Ano pong sabi ni Da-Ni Sir Mort? Cancelled na ba daw po yung community service?" Ngiting-ngiti na ko kung sakaling baguhin ni Dad ang offense sakin.

"Kumalat na yung newspapers ng issue nyo sa campus court, Miss Romolo. At mas lalong nainis si Mr. Thalle kaya wag ka na umasa na magbago pa ang decision niya about your penalty. So be here tomorrow with Mr. Azendo. The issue breaks his good record you know. I thought he would not do any stupid things. Pero hindi niyon maaapektuhan ang grades nya. I think he's still in dean's lister afterall. But for you Ms. Romolo, it will." at sinimangutan pa ako nito at tinap ang balikat ko. "Be here tomorrow, you'll start your community service."
Oo nga pala! Kainis. Si Dad kasi!



"Hi Dad! Hi Mommy!" Pagpasok po palang sa Casa Thalle/bahay namin ng makita si Mommy at Papa na nagbabake ng cake. May mga mantsa na ng flours sa mukha nila. Halatang nagharutan pa eh. "Kayo po ba ang cake? Puro kasi kayo harina. Ako na po maglagay sa inyo sa oven." Nginitian ko sila ng nakakaloko. Tong matatanda na to, hanggang ngayon feeling bagets. Napalingon naman ang mga ito. Nakita ko pang umasim ang mukha ni Dad. Si Mommy naman ay nagtago pa sa dibdib ni Dad. Hala? Arte Mom ha.

"Ikaw nga ang dapat nilulutong bata ka!" umaktong kinaltukan pa ko si Dad at hinarap din si Mom. "Irog 'lam mo ba yang unica hija mo, gumawa nanaman ng kalokohan sa school kasama si Ran." Harot nito ni Papa, sumbungero pa. Walang support.

Napa-tingin naman si Mommy sa'kin na animo'y pinagbibintangan ako. "Azher."
May babalang sabi nito. Sabi ko nga quiet na 'ko ma.

Napa-kagat labi ako at binigyan sya ng pilit na ngiti. "Hehehe. Peace tayo, Mom" at at nag-peace sign pa ko para effective. Gumana ka please.

"Nabalitaan kong sinisiraan mo nanaman ang asawa mo" Argh! Si Ran nanaman! "Ba't ba inis ka doon na bata ka, ha? Alam mong asawa mo siya at baby baby ko iyon dati tas inaaway mo ngayon. It doesn't mean na hindi alam ng family niya na Thalle ka. May utang na loob tayo sa kanila, anak" Kasalukuyan sermon habang pinupunasan ni Mom ang face ni Dad. Paka-arte ng parents ko. Chos. Pero kung hindi ba naman kasi ako tinalo ng Ran na yun sa presidential position sa SC edi sana okay okay kami. Isa pa ang kinaiinis ko, ni hindi siya naki-cooperate na wag ituloy ang kasal namin. Kesyo wala naman daw siyang magagawa at kapag nasa tamang edad na daw kami namin aksyunan. Like duh? We're on our  twenties now!

Tinanggal ko ang tie ko at belt sa uniform. Dami kasing eklavu ng uniform na ito. "Mommy, I've heard na isasama mo ko sa work mo?" Pag-iiba ko ng usapan. Ayoko talagang nai-issue ako sa bahay tungkol sa Ran na iyon. Nakakainis sa tenga.

Napatigil si Mommy at naisubo sa bunganga ni Papa ang pamunas na ikina-singhap naman nito. Napatawa ako ng mahina. "Ay! Oo nga pala. Tamang-tama naalala ko yung hinanda kong damit para sayo sa pagpunta natin dun. Grand party iyon kaya magpa-ganda ka ng sobra. Isama mo rin si Ran." Tignan mo 'to si Mommy. Parang walang preno.

"Mom, alam mo namang ayokong nadidikit kay Azendo kahit kasal kami. Napakabaho ng ugali ng isang iyon. Ang dumi dumi pa sa bahay!" Lumapit ako sa ref para kumuha ng chocolate. Ah! Toblerone. "At isa pa po, aasikasuhin ko muna yung pagpapatanggal po ng latest issue namin ni Ran sa club. " dagdag kong ani habang tinatanggal ang wrapper ng toblerone.

"Oo nga pala, bat ka nandito? " Nalunok ko agad ang toblerone na sinubo ko at napa-ubo. Ano ba ang nasa isip nito ni Mommy at pati iyan ay naisip pa. "Hala sige, uwi doon sa asawa mo!" ani ni Mom na lumapit sakin para palabasin ako. Tignan mo talaga itong mama ko, pinapalayas ba ko?

"Mommy? Are you serious? Dito naman ako nakatira dati ah! Saka ayoko po makita mukha ng Azendo na yun. Nasira pangalan ko dahil sa kaniya Mommy." I expose my paawa face para lang hindi ako pauwiin doon. Hindi ko pa gusto makita mukha niya baka sapakin ko lang ang Ran na iyon. "Aray! Dad!" napahimas ako sa ulo ko ng paltukan ako ni Daddy. Grabe naman bad ng parents ko!

"Para ipaalala ko lang sayo, matanda ka na at may asawang tao. You should learn to bond with your husband at hindi kami ang ginugulo mo rito, nak. Or better yet magsorry kayo sa isa't isa then make up. Nae-excite na ko sa apo" Mukhang desperado pa ang mukha ni Papa. Ayos lang ba tong matatandang ito? Apo agad?

Bago pa ko tuluyang masiraan ng ulo sa sinasabi ng parents ko ay nilisan ko rin ang kitchen. My parents do know how to piss me off. Baka kung ano pa masabi ko. Tsk makauwi na nga.






*****
"Eto pa, pulutin mo"

"Dalian mo meron pa doon oh"

Napa-irap ako sa loob loob ko habang pinupulot ang mga diyaryong pinagkakalat ng mga estudyanteng masyadong papansin. Makaka-ganti rin ako sa inyo. Kala nyo ha. Magpakasaya lang kayo.

"Pwede sandali? May pinupulot pa oh." Baling ko kay Marisse. Yung basher na nag-post tungkol sakin at sa Ran na iyon.

"Ah nagre-reklamo ka na, ganon? Tandaan mo Romolo, kagagawan mo iyan." Whatever. Mga walang modo.

Ok fine. Kasalanan ko nga. Well, yung mga newspapers para sa issue ni Ran ay tinapon at kinalat ng mga estudyante sa school grounds. Sinadya ata itong gawin dahil nalaman na maglilinis ako. Mga punyeta. At dahil community service ako, aba mga depungal at dinagdagan pa ng mga basura. Buti na lamang at may mga janitors din na tumulong sakin but Geez! It's a lot of mess, bro!

Bitbit ko ang sangkatutak na newspapers ng mapadaan ang bwisit sa buhay ko. Naalala ko kagabi kung gaano kaingay sa bahay pag-uwi ko. Aba ang hudyo and friends nag-movie marathon sa bahay. Buti nalang walang estudyante ng Thalle Univ siyang kasama kundi lagot kami. Huh! Akala niya di ako uuwi? Pasalamat siya inaantok ako kaya hindi ko siya nagantihan.

Sa inis ko ay binalibag ko ang mga bitbit ko sa trashcan kaya gumawa ito ng malakas na tunog. Napasinghap naman ang mga nasa paligid kasama ang Ran na iyon. 

"Kapagod!" inangat ko ang ulo ko at umakto pa akong nagpupunas ng pawis. Oo, sarcastic na ko. I feel tired and mad.

"Ito pa oh" napalingon naman ako sa nagsalita and voila! Si Ran na may hawak na newspaper na akmang iaabot sakin. Siguro nalaglag iyon pag-balibag ko ng iba. Pahablot ko itong kinuha at dabog na nilagay sa trashcan. I turn my head to him and smirk.

"Siguro tuwang-tuwa ka, ano? Ganting-ganti ka na sakin. Magpapa-party ka ba para sa pagpapahirap sakin? Invite mo naman ako. Tutal dun ka magaling, ang magsaya habang may naghihirap na iba" saad ko na may panunuya. Shock was written all over his face. Oh, did I hit a nerve? Ayan nanaman siya sa paawa niya.

Napalitan ng pagtataka ang mukha nito. "What are you saying? Hindi ako ganoong tipo ng tao. I'm just helping." paliwanag nito.

"Okay fine then, thank you. You want recognition para sa pagtulong mo, diba? Sanay na sanay kang mag-mukhang mabait sa iba pero ang totoo, you're a wolf hiding inside a sheep's skin. You wicked!" inis kong sigaw sa kaniya. Kahit ano pa ang gawin nya. Hindi mawawala sa isip ko na isa siyang kaaway. At ilalabas ko ang lahat ng sikreto niya.

Makaka-ganti rin ako sayo, hmp! Kainis ka talaga Ran!

Madly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon