Your Sixth

27 4 0
                                    

My life was as plain as cliche repeating story. As in paulit ulit lang. My routines and lifestyles everyday, ganoon at ganon rin. No thrill, boring, that's my comfort zone. Not until my dad brought me to that bakery, meet Mama Cecil, and sign something that I blindly know as a teenager. 

"Hi, I am looking for Cecil Azendo, is she here?"

Nasa labas kami ng isang bakery shop ni Dad dahil may ipapakilala daw siya sakin but I don't really know why we need to travel this far just to meet a person. Sabi nila dad hindi namin sila relative pero they are their good friends.

I scan the place, some people are looking at us and gossiping. Titignan kami na parang ngayon lang sila nakakita ng tulad namin. I look at my dad asking for help but when he look at me, he just smiled. Ugh! Naiilang ako.

"Ay si Mam Cecil ho, sandali tawagin ko, sir" sabi ng ginang na nagbabantay ata ng bakery.

Then lumabas ulit yung ginang kasama ang isang ginang rin.  So she must be Cecil because my dad smiled then when their eyes meet.

"Mortavio! Oh bat ka napadako dito?" then she look on me.  "Ay hala may kasama ka pala. " she smiled and let us enter the shop.  Common lang ang set uo ng shop nila katulad ng mga nakikita sa paligid then may maliit na pinto sa gilid and you'll enter the room they are staying in.

"Bat kayo nadako rito? At may kasama ka pang dalagita, ay kegandang bata. Anak niyo?" we are now sitting in their couch.  Katabi ko si dad,  katapat ni dad si Manang Cecil. I scan my eyes around their place.  Maliit lang siya like for 2-3 person lang ang pwede magstay but it's fine. The house is clean and neat.

"Ah siya nga pala si Azher Romolo,  apo ni Nana Rosa.  Naalala mo pa ba siya?" Nabalik ang tingin ko kay Manang Cecil na parang may inaalala.  Well sanay na ako sa ganoong pakilala sakin ni Dad. No big deal kasi kinalakihan ko na siya. But  can't really remember Manang Cecil. Didn't she ever visited our house? Napaatras ako ng napahampas si Manang Cecil sa lamesa. So weird.

"Ay jusko!  Oo nga si Nana!  Iyong palaging nagsusundo sayo sa university kahit college ka na." natawa pa si Manang Cecil at napasimangot si dad.

"Manahimik ka nga Cecil. Hanggang ngayon nang-aasar ka pa rin, matatanda na tayo." Lukot ang mukhang sabi ni Dad.

"Ito naman di mabiro, rayumahin ka niyan agad." mula sa pagkakangiti ay biglang sumeryoso ang mukha ni Manang Cecil. "Ano nga bang pakay niyo?"

"Naalala mo ba yung kasunduan? The will and testament? Marriage? " Napaangat ang tingin ko kay dad.  Ano ba yung sinasabi niya? Marriage? Testament? 

"Ah yun ba, akala ko makakalimutan niyo. Kaso maling oras ang dating niyo dahil wala ang anak ko rito. Nasa palengke kasama si Terong pa kaya kung ayos lang sa inyo maghintay, walang problema. " I kind of get worried of how Manang Cecil look at me while smiling. "Ang ganda pala ng apo ni Nana Rosa. Bakit hindi nalang kayo nag anak ng babae?"

"You do know the situation of my wife nung pinagbubuntis niya si Ashin. Nahirapan siya at may pre-eclamsia. Itong si Azher naman baby palang nakinita na namin dala ni Nana Rosa.

"Ah kaya pala, kesa naman si Ashin ang tumuloy sa testament,  malintikan talaga sakin si Raeng ko. "

"Ah yeah but -" my dad's about to say was cut-off when his phone ring. "Excuse me for a minute,  sagutin ko lang. " then dad look at me. "Go talk with your Tita Cecil. You should meet her, a'right?" I nod then dad left me with Tita Cecil.

"Hi hija, you look so pretty." She softly says to me.

"Thank you po tita Cecil,  kayo rin po hehe maganda po kayo. " well in fact, maganda talaga si tita Cecil.  Siguro ay habulin siya ng mga lalaki ng younger days niya. I really thought at first na mistress siya ni Dad. Joking aside. 

"Thank you hija, Azher ang name mo diba? Nakatira ka ba kila Mort ngayon?" I know she will ask that.

"Yes po.  I am really thankful na inampon po ako nila Tito Mort. Sabi rin po nila mag aaral ako sa university nila. " nice acting you have there, Azher.

"My son too! Lilipat kami malapit sa inyo once na maganap na yung will and testament. Sana tanggapin mo kami hija. " she look at me with admiration in her eyes "Take care of my son please. Hindi ko siya nabigyan ng marangyang buhay kaya sayo ako umaasa. Sana maintindihan mo din balang araw."

"Ano pong-"

"Azher we have to leave immediately." I look at my dad who was in a hurry. He brought with him a folder and a pen. "Sign in this paper, baby.  I have an important meeting in the university." He then look at Tita Cecil. "I'm sorry Cecil, hindi na kami makapag aantay kasi malayo pa ang biyahe. Ikaw na ang bahala sa pirma ng anak mo. Then my assistant will go here to get the papers and be process. Thank you for having us." I innocently finished writing my signature without even scanning it because dad's in a hurry. He then handed it to Tita Cecil.

"Sige Mort, ingat kayo pag uwi. See you soon! "

...

Up until now,  I still blaim that will and testament in my situation right now.  Also my parents,  they didn't let me know the meaning of wedding or marriage. That's weird actually but when I ask about how they have a ring on their fingers, they'll say its a remembrance for them. All things that I should know in marriage and wedding are all out of my knowledge. Sana di nalang ako nagpa-home-schooled. I didn't even bother knowing it kasi sabi ni Mom nung tinanong ko siya after ko pumirma ay pagkilala daw iyon at parang agreement na magiging close kayo sa isa't isa. That yoy can hang-out without parent's consent.  Bilang home-schooled din ako, wala ako halos naging friend kundi si Kuya Azher at Nana Rosa lang. My parents are so strict na ma-expose ako dahil nga ayaw nila ng problema. Mas lalo lang lumala nung nagka-issue si kuya.  Halos di na ko makatapak pa sa labas ng gate.

Nung 3rd year high school na ko pinagbigyan ni dad na mag aral sa school namin dahil nga lumipat na sila Azendo malapit samin. I need to socialize na daw and to hang out with Ran. Yun pala ibang hang-out yon.  Wala ka ng takas.

Kung nagtataka kayo kung bakit badtrip ako kay Azendo, it is because of my reputation. Inaalagaan kong mabuti ang pag aaral ko at gusto ko ng mataas na achievement.  Yes, sue me na hayok sa honors but as I am a daughter of the director of the University,  kailangan may patunayan ako. Sinabi naman nila dad na okay lang kahit hindi ako mag-top sa school dahil biyaya na ako sa kanila but I want to!

Tapos itong Azendo na ito, sinasapawan ako! Ako dapat ang student council president. Hindi siya!

Tapos saan ako bumagsak,  sa journalism club tapos siya palagi ang headline. Pati sa bahay siya tong bida ng bida.  Paborito pa siya ni Nana Rosa kesa sakin kasi masarap daw magluto. Edi wow! 

Inagaw niya ang recognition na dapat sa akin. OA na kung OA but it hits my dignity! Dapat ako yung nasa headline ng school newspapers hindi siya,  dapat yung aking magagandang aspects pero sa kaniya pa rin. 

Well nasa headline ka na ngayon, Azher. But the other way around. Ugh!

"Azher, gising!" Punyeta naman oh bat pati sa paggising siya pa rin bungad ko.

Inis kong inalis ang kamay niya sa balikat ko dahil OA niya makayugyog sakin. "Naaalibadbaran ako sayo,  alis nga!"

Kinusot ko ang mata ko at inangat ang katawan ko sa sofa.  Nakatulog pala ko.  Ketagal kasi ng lalaking ito.

"Mag-uusap pa tayo diba? Tinulugan mo naman ako." Nilingon ko siya at nag-isang linya ang kilay ko. Wow ha?  Kahiya naman sa time management skills niya.

"Kakahiya kasi sayo e noh? Nakalusot sa community service dahil president. Ew. " I rolled my eyes and grab one cupcake in the table. Prepared na kasi pagbangon ko,  buti may magandang nagawa tong si Azendo..

"Let's just talk about our matter. Pwede ba Azher? " He looked at me seriously and I just took a bite on the cupcake.

"Okay, but let me finish this. Masarap siya."

"Azher. "

"Fine." And properly sit.

Madly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon