Your First

72 7 2
                                    

"Oh look who's here. Ran, is this a coincidence?" I glance on the the guy sitting on the L-shape couch here in Keir's bar. Talaga naman. May mga kasama pa siyang babae and 2 guys. How imbecile. "Pakilala mo naman ako sa mga kasama mo. Oh wait let me take you all a picture" I took out my camera and voila! Another news will be flashed tomorrow for Azendo. Lagot ka na bukas Ran, babaero ka talagang tunay.

"Hey, anong ginagawa mo? Bat mo kami pinipicture-an?" a girl stood up and face me. Nako lagot.

"Ah documentary lang 'to. I'm actually part of school journalism club. Sa Thalle Univ, you know? Hehe" I tried to lighten up my voice. Nagtingin naman ako kay Ran na masama na ang pukol ng mga mata sakin. Why? Dahil ba nahuli ko nanaman siya sa kalokohan niya?

"Kilala mo ba 'to, Kel? Ka-schoolmate pala natin itong si miss." Oh my?! Nag-aaral sila sa school namin?

Tumayo naman si Ran at lumapit samin. Siyempre hindi ako magpapatalo kaya tinaasan ko siya ng kilay. I just found another time in his life na sisira sa image niya. Serves him right. "Yes, she's my classmate." baling niya sa babaeng kumausap sakin. "Ahm pwedeng excuse muna Che, kausapin ko lang siya" sabay turo sakin. Oh now what?

Nagkibit balikat naman ang babae at tinalikuran kami. I am now face to face with this guy.

"Nayaya lang ako" Aba! Talaga namang lulusot pa.

"No! I will publish this tomorrow. I won't be sorry kung madamay man yang mga kasama mo. Atleast I exposed you!" Hindi ako magpapatalo. I won't buy his reason.

Ran looked at me with disbelief. " Hindi na ko minor, Azher. Tandaan mo, umiinom man ako pero this is normal. Mas hindi normal ang magpakasal ako ng maaga. And worst to my classmate and my number 1 basher." Huh! Ang kapal. Sa tingin ba niya masaya din akong kasal ako sa kaniya? No. I don't want him! I hate his guts!

"Wala ka ng magagawa. Ilalabas ko ito whatever bribing technique you are up to. Napakabaho ng ugali mo pero lahat parin ng magandang atensyon nasa iyo! Inagaw mo sakin!" I furiously said. "Hindi ka ba matutuwa? Parehong aangat ang journalism club at ikaw. Just bare the consequence a little." I pleaded.

Ran is a well-known angel bachelor. Anghel nga ang tingin sa kaniya ng marami dahil kulang nalang kunin siya ng langit sa sobrang lagpas niya doon. Matalino, masipag, magaling na volleyball player, student council president, lahat na dala niya. Halos mabulok na kaming journalism club dahil puro magagandang aspects nalang niya ang exposed. And I came up to an idea na why not look for his bad side.

"Umuwi ka na, mag-uusap tayo sa bahay." As if papansinin ko siya mamaya. Ilo-lock ko ang room ko para hindi siya makapasok. Nice thing makakapagtype din ako ng article. Nice.

"Oo na! And as if I'll talk to you! Mag-abang ka nalang bukas sa bagong article na ilalabas ng journalism club. Matutuwa pa ko sayo." At nag walk-out na ko. Ayoko ng maraming hanash sa kaniya naiirita ko.




Scutter Vill, 12:03 AM

Nakasakay na ko sa isang grab car. Looking at the picture I took kanina. Siguradong magandang article 'to.

Well, kung iniisip na pwede namang ilabas ko ang totoong ugali niya pag magkasama kami sa bahay, no. It will cause a scene. Una, people will think that we are a massive hypocrite paparazzi na pati sa loob ng bahay ni Ran ay nakakarating kami. Pangalawa, I can't just say to people that we are married like duh?! Ako nga hindi ko matanggap na kasal kami ng babaerong iyon, paano pa pag kumalat. So that's a no no. Lahat ng kinukuha kong evidence about him is outside the bush.

Sa truth lang kung pwede sana ay ilabas ko ang nasa bahay ay sirang-sira na siya. Who would be in the right mind na may asawa kang tao pero nagdadala ka ng MGA babae mo sa bahay? And not just that, they would lock themselves on his room and whatsoever ginagawa nila sa loob. Minsan may mga kasama pa siyang kaibigan niya pa yung isa naming classmate na lalaking friend niya sa room. Wala naman talaga akong pakielam kahit mambabae pa siya pero malaking issue ang magagawa ko sana kung pwede ko lang ilabas ang mga pictures. Pero nasa loob kasi ng bahay so how?! Pati ako maluluto. Mautak talaga tong Azendo na to.

Napangisi ako, pero mas mautak ako.





Thalle Univ  10:20 AM

The well-known president of Journalism club caught partying in a club with Angel Bachelor Ran Klenery Azendo.



What?! Me?


"Grabe maka-panira kay bebe Ran ko, isa rin palang sulutera."

"Ang swerte naman niya, may nangyari kaya sa kanila?"

"Truth! Pag may alak, may balak. Sa mukha pa naman ng Romolo na yun mukhang papatulan niya si Ran."

"Ang hot ni Ran dito. Wala akong pake kahit nag-iinom siya, basta layuan niya lang yung Romolo na yarn!"



Naglalakad palang ako papasok ng campus pero kung ano-ano na naririnig ko. May kumpulan pati doon sa clubroom namin at nakikita kong marami ang bumibili ng bagong issue ng club namin. Pero bakit pati ako nadamay?

Sumuong ako sa kumpulan para makapasok sa loob ng clubroom at bawat madaanan ko ay tinitignan ako na para bang nilibing na ko sa isip nila. Like, what did I do?

"Melba! Ano bang nagyayari?!" Humahangos kong tawag sa auditor namin. Siya ang tumatanggap ng bayad para sa mga newspaper na nabebenta namin. Nagkakagulo nga e mag susubmit na kasi sana ako ng typed-article ko. Asar!

"Oh? Ang ganda ng article na nilabas ni Melvin kaya naprint agad. Nilabas din. Di ko alam na ganoon ka pala Miss Pres." malungkot akong tinignan nito at bumalik sa ginagawa. Hayp na kambal niya talaga oh! Melvin lagot ka sakin!

Hindi naman ako nagpadeploy ng members para bantayan si Azendo! Ako lang! This is my business pero nakisapaw pa. Ang laking gulo nito.

Lumapit ako sa ibang members at pinatigil sila sa pagre-release pa ng copies ng article. Kaloka mali naman ang interpretation. Marami sa mga estudyante ang umangal at sinabing ginagamit ko nanaman ang posisyon ko para sakalin ang members ko. Mga punyeta!

"Ipapakita ko sa inyo ang proof na hindi ako kasali sa kasama ni Azendo! In fact I was about to submit my article na tinype ko kagabi!" I pull out my phone and show them the picture. "See?! She's with a lot of girls! Kaya wala akong kinalaman diyan, hindi ko siya kasama." I defended because that's the truth!

"Tignan mo oh! Pinapalabas mo lang yan para luminis pangalan mo Romolo! If hindi ka kasama why are you too close to bebe Ran! Aren't you suppose to take pictures then leave right away? Tignan mo kulang nalang maghalikan kayo rito! Booo!" and those words are followed with lots of Booos.

Bat ba ayaw nila maniwala sakin? Bakit napunta sakin? Hindi ba dapat ang Ran na yun ang nasisira at hindi ako?!

"No! It's not-"

A rang then bell hudyat na start na ng class kaya kania kaniyang takbuhan ang mga estudyante. We, journalism club are excuse for today's class dahil may bagong article na release. Pero pusanggala talaga oh! Bat ako?!




"MELVIIIIIN! YOU COME HERE INFRONT OF ME OR ELSE!" I shouted because of frustration. Its his fault!

"M-Miss Pres? Hehehe! Hello!" I look at the guy whose taller than me with skimpy face.

"What do you think have you've done huh?! Sinisiraan mo ba ko? Do you hate me that much?!" I shouted at him and other members are quiet inside the meeting room. Naiinis ako ng sobra ngayon. Napuyat ako para gawin yung article tapos lalabas na ako pa ang magiging headline doon?!

"Miss, I just want us to ranked up diba po? Para sa journalism club din ito, Azher. Just bear the consequence a little? Promise, bababa din ang issue." And that ring a bell to me. Psrang nag-echo ang sinabi ko kagabi kay Azendo. Now ako pa rin pala ang makakaranas!

Suddenly the door opens and one member of student council called for my attention.

"Miss Pres, pinapatawag daw po kayo sa school head's office."

Oh fuck. I'm so done.








Madly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon