Alas tres ng hapon.
Oras kung kailan mo ako unang hinabol.
"Gin! Teka!"
"Ang ingay mo naman! Umalis ka na nga! 'Wag mo na ako sundan!"
"Pero Gin, may itatanong ako sa'yo!"
"Kanina ka pa tanong ng tanong sa akin! 'Di pa ba nauubos 'yan? Ano pa bang gusto mong malaman?"
Humihingal ako at nagmamadaling makalayo. Namamawis at naiirita dahil panay ang paghabol mo sa akin. Mas mahaba ang biyas mo kaya kahit anong pilit kong makalayo ay naabutan mo pa rin ako. Hindi mo akong hinahayaang mawala sa paningin mo kahit na pinagtitinginan na tayo ng mga tao.
Maling desisyon talaga noon na nakipaglaro ako sa'yo at sa mga kaibigan mo dahil magmula nang manggaling tayo sa court ay hindi ka na natigil sa pagsunod sa akin.
Ano pa ba ang kailangan mo?
"Saglit lang naman! Gin, may—"
"Ano? Nagmamadali ako! Napagbigyan na kita, ano ba kasi ang kailangan mo?"
Ngumiti ka nang nilingon kita. Kinuha mo ang kamay ko nang may kutitap pa sa'yong mga mata. Isang bote ng tubig ang inilagay mo rito at sinabihan akong uminom muna. Binaliwala ko ito at sinubukan kong kunin ang kamay ko mula sa'yo ngunit ang higpit ng pagkakakapit mo sa akin at ayaw mo akong pakawalan. At kahit na ang pagbusangot ko ang sumalubong sa'yo ay hindi mo naman iyon ininda. Mas lumaki pa nga ang ngiti mo at nanliwanag ang mukha mo sa saya.
Ang sabi ko noon nang makita ko ang ngiti mong iyon ay delikado na ako. Hindi ko na dapat pinagtitigan iyang ngiti mo kahit noong una pa lang natin nagkatagpo.
Your smile was the kindest one that I'd seen so far. Napaka-genuine. Napakaganda.
Parang dadalhin ako nito sa alapaap.
Damn. Hindi mo kasi talaga dapat ako sinundan.
Looking back, I should've not stopped when you called my name. Hindi na rin sana ako lumingon at natulala sa mga ngiting ibinigay mo sa akin. Hindi na sana ako nalunod sa mga mata mong pawang ako lang ang nakikita.
I should've just kept on walking and forgot about you.
Yeah, 'yun nga dapat sana ang ginawa ko.
Hindi 'yung nanatili akong nakatingin sa'yo na para bang kapag hindi ko ito ginawa ay ikamamatay ko.
"Gin," tawag mo muli sa pangalan ko. Napatigil ako at napatitig. Nagkamot ka ng leeg at nahihiyang sumulyap sa akin. Our hands were still intertwined, like they were made to be that way.
"Gusto ko lang magtanong...Gusto mo ba ang basketball? Makikipag-laro ka ba sa amin ulit bukas?"
Umuwang ang bibig ko sa simpleng tanong mo. Napatingin ako sa likod mo kung nasaan ang court na pinanggalingan natin. Buong akala ko ay malayo na ang narating nating dalawa, 'yun pala ay napakalapit pa rin natin kung saan tayo nagmula.
Nang mga oras na iyon, kay daling magsabi ng totoo. Ang dali sabihing napilitan lang ako.
Na hindi ko naman talaga hilig maglaro ng basketball. Na nakipaglaro lang ako sa inyo dahil sa tuwing nadadaanan ko kayo sa court ng school ay todo ang pag-imbita mo sa akin na napapahiya ka na sa sarili mong mga kaibigan dahil hindi kita pinapansin. Na pumayag lang ako dahil hindi na ako makatanggi sa 'yo ng matagal.
Sa totoo lang, ang dali mo sanang ipagtulakan papalayo. I knew you would respect me if I begged you to stop.
But then you continued to stare at me with those hopeful eyes, and I completely relented.
Tumango ako at alangang sumagot sa'yo.
"O...oo. Mahilig ako mag basketball."
Again, your smile widened, and your eyes sparkled with joy.
Huminga ako nang malalim at nanginginig na kinuha mula sa'yo ang kamay ko.
I never liked playing basketball. It always brings back many bitter memories of my childhood. Ngunit dahil ikaw ang nagtanong, marahil wala na akong nagawa kung hindi magsinungaling.
"I knew it! Ayos, makakapaglaro ulit tayo bukas!" You suddenly clapped as if it was the best news you had received so far. Ni hindi pa nga akong pumapayag na makipaglaro muli sa inyo nang mga oras na iyon. "Tara na Gin, hatid na kita pauwi. Saan ba bahay mo?"
Alas tres ng hapon.
Oras kung kailan mo ako unang hinabol.
At oras din kung kailan ako unang nagsinungaling...at natanggap na ako'y nahulog na sa'yo.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Puwede (BL)
General Fiction'Wag na natin ipilit ang hindi itinadhana. Book Cover made by : Andrea Florin