"Gusto kong makalipad. Pwede naman iyon diba, tita? Pag malaki na ako, lilipad ako!" Butsoy excitedly exclaimed, itinaas niya pa ang dalawang kamay niya.
Tinawanan ko lang ang anim na taong gulang kong inaanak saka ginulo ang kanyang buhok. We are watching an airplane from afar, flying freely. Doon niya siguro nakuha ang ideya na iyon.
Naglakad naman patungo sa amin ang mama Dionne niyang may dalang pagkaing inakyat niya galing sa loob ng bahay. Mukhang narinig ang anak.
"Mabigat ka, Botsoy! Huwag mo ng pangarapin!"
Sinimangutan ko si Dionne. Sure, Botsoy is a healthy big boy, his weight were unusual sa kanyang edad. But not alarming.
"Huwag ka nga, Dionne... P-pwede mo naman gawin kahit anong gustuhin mo, Botsoy!" Baling ko sa inaanak.
Dionne brought a tray of well-arranged lettuces, long cut meat and other foreign spices. It's a dish so famous nowadays.
Tumulong ako at si Botsoy sa paghahanda sa hapag. Mabilis lang iyon.
Bumaling ulit ako sa tinitingnan namin kanina. Ngiti ang iginawid ko tanaw ang buong syudad at ramdam ang hanging sumasampal sa aking mukha. My comfort view. Nagtagal ako doon sandali.
Nasa rooftop kami ngayon ng bahay ng kaibigan kong si Ronny. Ang bahay ay nasa ibabaw ng burol kaya naman mas malinaw mong makikita ang kabuuan ng Metro pag nandito ka sa rooftop. Kakauwi lang ni Ronny galing Singapore for a short business trip there kaya heto at nagyaya ng pa-kain. Bago dito, ay sinundo pa namin siya sa Mactan Airport pagkatapos ay namili sa grocery para sa planong ito.
Ronny likes foods and gatherings. He used invite me, Dionne, Shanix or our other friends to come over whenever he's free. He's my thoughtful gay friend.
Maraming beses na siyang nagyayaya sa akin mula noong nakauwi ako ngunit ngayon lang ako nakapunta. I had important stuffs to do. Busy pa rin naman ako ngayon pero itong si Ronny ay nagtatampo na. Kapag hindi pa daw ako dadalo ay friendship over na kami.
Ilang saglit lang ay umakyat na rin si Ronny. Dala niya ang isang eletric barbecue stall. Ni-set up niya iyon and then we settled in the table.
"Si Shanix, nasaan na?" Tanong ni Ronny.
"Traffic daw, pero malapit na siya." I assured remembering Shanix's last chat with me on the phone.
We started grilling para kain na lang pagdating ni Shan. Not awhile later, may nagdoorbell sa baba na kaagad namang dinaluhan ni Ronny. Si Shan na iyon.
I readied her chair next to me before I continued grilling. Si Dionne naman ay sinusubuan na ang anak. Hindi na nakatiis.
I was ready to greet Shanix pero hindi siya ang nakita ko.
Bumugad sa akin si Nico. He was holding a bottle of an expensive drink. Kasunod niya ay si Ronny na paupo na ulit.
"Tito Nico!" Botsoy exclaimed. Nag high five silang dalawa bago siya umupo sa bakanteng upuan katabi ko na para sana kay Shan.
I shrugged. Ang tagal kasi ng isang 'yon!
Dionne greeted him and I greeted him too, only a little bit formal than Dionne's greeting.
"Kailan ka pa nakabalik?" Tanong ni Nico sa akin na medyo ikinamangha ko. Hindi ako sanay na nag-uusap kami.
"Isang buwan na." Bilis kong bawi.
He was referring to my stay at Manila where I temporarily lived, nagtagal ako ng doon ng mga dalawang taon. My uncle has an accounting firm there. I served him for awhile.
Tumango lang siya.
"And she's back for good, Nico. She's planning to revived their family's accounting firm. Sayang din naman kasi iyon ngayon at walang nagh-handle." Kwento ni Ronny kahit hindi naman nagtatanong si Nico. Kumuha siya nga lettuce at nagsimula ng kumain.
Pero iyon nga ang pinagkakaabalahan ko. The reason why I gradually reject Ronny's invitation and skipped gatherings like this, hinahanda ko ang mga papeles para bumalik ulit sa operasyon ang accounting firm ng papa ko na natigil dahil nagretiro na siya at mas pinili ko ang trabahong pa-Maynila. Nagtampo si papa sa akin noon dahil doon. Pero wala rin siyang nagawa.
"Mabuti naman kung ganoon, Febbe."
Natuloy pa ang kwentuhan habang kumakain kami. Shanix came and our other friends, Drey and Gino came too. The night has just started when everyone excitedly chat with each other. Ininom din namin ang dalang alak ni Nico kanina. I'm so glad to see them again! It's been awhile.
At dahil gumabi na, ang tanaw namin ay napalitan ng kadiliman na iniilawan ng kabuuang city lights at mga mumunting bituin sa langit. Pati ang ihip ng hangin ay mas lumamig.
I inwardly sighed.
Iba pa rin talaga ang Cebu. Noong nasa Maynila ako ay nanamamangha rin naman ako sa city lights nila lalo na at mas matatayog ang building doon, but there doesn't feel like home. This, is home.
"Kailan ba iyong huling tambay natin dito? Pagkagraduate ay bilang lang ang araw nanagkita-kita tayo ulit. Iyong iba hindi pa nakakadalo." Ani Drey na medyo may tampo.
"We grew up, Drey and prioritize our stuffs, para sa pangarap natin..." Sagot ni Shanix.
We all agreed. "Tingnan ninyo nga, saan tayo dinala ng panahon."
Ilang sandali pa ay inantok na si Botsoy kaya bumaba si Dionne saglit para patulugin siya.
Tumayo naman ako at tinungo ang terasá. I inhaled.
This place screams familiarity. Dito kasi talaga ako madalas. Nandito lang ako kapag malungkot ako at gusto kong mapag-isa. Kilalang-kilala ata ako ng lugar na ito.
Ang lawak ng tanawin ay nagpapaala sa akin ng malawak kong pangarap, ng malawak kong puso. Ganoon pa rin ba kaya ako hanggang ngayon? Tila malaki ang nagbago sa akin.
"A penny for your thoughts?" Hindi ko namalayan ang paglapit ni Shanix.
"Hmmm... Wala naman. Iniisip ko lang kung may nagbago ba sa akin simula ng huling apak ko dito sa Cebu."
"Ang lalim naman niyan." Aniya. Medyo matagal bago siya nagsalita ulit. "Anyway, changes in you is still you, Febbe."
This is what I like about Shanix, she is good with words.
"...Kamusta naman ang puso mo, tumitibok pa rin ba?"
Napatingin ako kay Shan at ngumiti. "Oo naman at dinadaluyan pa rin naman ng dugo."
"I mean, tumitibok pa rin ba sa kanya?" Aniya sabay nguso kay Nico. "Wala kasi akong nababalitaang nak-kadate mo nitong nagdaang dalawang taon."
Napailing ako pero napaisip rin. Nilingon ko si Nico bago nilingon ulit si Shan.
"Hindi naman siguro ako ganoon katanga?"
BINABASA MO ANG
Young and Bleeding
RomansFelicity Ysobelle Rodrigo Niccolo Gadani Samaniego Kung sana ay nakikinig lang ang puso