Niccolo Gadani Samaniego is a long-time crush. Since highschool pa ata. Kaya lang, naturingang naging magkabarkada kami, hindi naman kami masyadong nag-uusap. Siya lang ata ang hindi close sa akin sa lahat sa barkada. Ganoon din siya sa akin.
Shanix was the first one to know but eventually nalaman din naman nilang lahat. Napailing ako. Memories.
Hindi pa ako nagkakaboyfriend, but Nico, I've seen him grow with girls on his side. Playboy kasi si Nico, the reason why I don't really want to entertain my feelings for him. Pero sadyang mapusok naman talaga ang puso.
Naalala ko noon, on our prom night kinausap ka siya. Nagtapat ako. Lumaklak pa ako ng ilang bote ng Pilsen, maibsan lang 'yong kaba. Pagkasabi ko, parang hindi naman na siya nagulat pero his exact answer was "I respect you and our friendship, Febbe. Forget what you feel about me, let's just stay friends."
Ayon, nareject ang ate mo. Those words stayed in my head. Hanggang nagcollege. Kahit nga noong nag take ako ng CPA Licensure exam, dala-dala ko iyon. Ganoon nalang tama noon sa akin!
Kahit sinabi niyang kalimutan nalang ang nararamdaman ko, hindi ko naman nagawa. Dagdag pa na pareho kami ng university na pinasukan noong college. Hindi ko naman masasabing crush ko lang siya hanggang nagcollege. Kahit iyong 'crush' na term ay hindi na bagay sa amin. Matatanda na kami.
Pero naiinis ako, imbis kasi masubukan kong mag move on sa kung anuman ang feelings ko noon sa kanya, hindi naman niya ako binigyan ng panahon. Kaya mas lalong nagkalamat ang 'friendship' namin. Hindi ko na siya kinausap kahit kailan. Casual na lang kami kapag nagkakasalubong o kapag may gathering na ganito. Defense Mechanism ko siguro. Masakit kaya iyong ma reject!
"Dapat lang, Felicity Ysobelle! Baka ipalagay ko na sa resumè mo na may Loyalty Award ka sa hindi mo pagkagusto sa iba simula noong highschool tayo. Tama na, uy!"
Napatawa at napailing nalang ako kay Shanix.
"Grabe ka sa'kin!"
Hindi naman totoo iyon. Hindi ko sinseryoso, oo pero iyong hindi nagkagusto sa iba, hindi naman! Kahit papaano, mayroon naman akong mga naka-fling.
Feeling ko, hindi ko naman na naseryoso kasi sobrang naging busy aki. Hello, Accountancy iyong course ko, kaya walang oras sa ganoon! Hindi iyon dahil gusto ko pa si Niccolo, actually wala na nga akong nararamdaman. Totoo. Hindi ko kang alam paano siya pakikitunguhan.
"Is everything alright, girls?" Lumapit si Gino sa amin.
"Wow, english! Iba na talaga ang umaasenso ano, Gino!" tukso pa ni Shanix.
Gino grinned. "Ikaw talaga, Shan. Sabi ko naman nagsisipag ako para sa'yo."
Kumindat pa si Gino kay Shan. We both rolled our eyes. Ang alam ko, biro lang iyon. I don't know about them though.
"Anyway, Febbe." Bumaling si Gino sa akin.
"Papa-consult sana ako sa bagong business na niluluto ko ngayon. Autoparts."
Tumango ako. Hindi naman na uto bago. Kahit noong nasa Manila ako, Gino would call me for business permits and taxes consultation sa iba-ibang business ventures na tinatayo niya.
"Kailan ba iyan? Inaayos ko pa opisina ko dito. I'm almost done with papers."
"Sasamantalahin ko na habang nasa City ako. Lalarga kasi ako ng Bantayan sa makalawa. Are you free tomorrow? Starbucks na lang tayo." I nodded. Free naman ako tomorrow. "Sige, sige."
"May babae naman ito sa Bantayan, for sure!" komento ni Shan.
"Ikaw nga lang gusto ko. Hindi naman ako si Nico na kahit saang lupalop ng mundo, may babae." Humalakhak pa siya, wala namang nakakatawa.
"Narinig ko ata pangalan ko." Sumabat na si Nico sa amin.
"Oo, Samaniego. Nilalaglag ka ng kaibigan mo dito. Marami ka raw'ng babae." Ani Shan.
"Hindi ko na siya nilalaglag, alam na ng lahat iyan."
Ngumisi lang si Nico at binatukan ang kaibigan.
No comment lang ako dito sa side.
Napansin ko ang hawak ni Nico na shot glass, may laman iyon. Nang inabot niya iyon sa akin ay medyo nagulat pa ako.
"Nagbukas na naman si Ronny. Nag-round na kami, iyo naman 'yan."
Tumango nalang ako at kinuha iyon. Last na siguro ito, naalala kong magd-drive pa nga pala ako papuntang condo.
Nilagok ko pero 'di ko muna binalik ang shot glass kay Nico.
Mapakla ang isang 'to. "Wala bang lemon-sliced?"
"Wala. Hindi naman tequila iyan."
Ngumiwi muna ako bago ibalik ang shot glass sa kanya. There was a hint of smile from Nico. I shrugged.
"Ay, last na iyan, ah? Magd-drive pa ako pauwi."
"Ano oras ka ba, uuwi? Sabay na ako sa'yo ha?" Ani Shan. Bumaling ako sa relo ko bago sa kanya.
"Ten minutes pa."
"Ang aga naman yata! Ngayon nga lang tayo nagkakasama, aalis kayo agad!" Inagaw ni Gino iyong shot glass kay Nico. "Ako na nga niyan, kausapin mo. Naiinis ako!"
Sinundan namin siya ng tingin. Si manong nagmamaktol na naman.
"Problema, nun?" Tanong ni Shan. "Masundan nga." Iyon lang at umalis na rin siya.
Iniwan nila ako kay Nico.
Walang salitang namutawi galing kay Nico. Lalo naman sa akin! Wala siyang mapapala sa akin, ayaw ko siyang kausap. Ayaw ko talaga na nat-trap kaming ganito. Wala lang, n-aawkwardan lang ako.
"Okay ka pa ba? You're not a heavy drinker. P-pwede naman kitang ihatid." Siya na ang unang bumasag sa katahimikan.
Mabilis akong umiling. Kaya kong umuwi mag-isa! Galawang Nico talaga.
"Ganyan ka siguro sa mga babae mo, ano?"
What did I say?
"What did you say?"
Ngumisi lang ako. "Niyayaya mo silang ihatid. Tapos makakascore ka sa kanila. Sorry ka nalang, 'di ka makakscore sa akin, Nico."
Natawa lang siya. Tama. Joke lang naman kasi iyon. Tawa ka lang.
"Hindi naman kita babae."
Burn, Felicity! Oo nga naman. Tama naman siya. Kaya talaga hindi siya makaka score sa akin. You're not his girl.
"Joke lang naman iyon! Ikaw talaga, nam-mersonal ka." Medyo bulong nalang iyong pangalawang pangungusap.
"O, nawili na kayo diyan, ah?" Tawag ni Dionne sa amin galing kung saan. Napatulog na niya ata si Butsoy.
"Hali na kayo, let's join them."
Aniya at lumakad na papunta kina Ronny. Buti dumating siya. Susunod na sana ako nang magsalita si Nico.
"Felicity." Nilingon ko siya. "You're too precious to be just one of my girls."
BINABASA MO ANG
Young and Bleeding
Roman d'amourFelicity Ysobelle Rodrigo Niccolo Gadani Samaniego Kung sana ay nakikinig lang ang puso