Chapter 5
"One... two... three. Jump!"paulit ulit na sigaw ni Coach habang nasa tapat kami ng net at nahakbang ng isa pakaliwa saka tatalon kapag number three na.
Puspusan na ang practice namin dahil sa susunod na linggo na ang opening ng league. Ang video nila Kuya ay naipasa na rin at paulit ulit na pinapalabas na iyon sa TV. Nakakatuwa kapag nakikita ko si Kuya at Beau sa TV commercial pero mas natutuwa ako kapag si Romulo na iyon.
Like, Bro, that's my creation, though.
"Shanne, keep your eyes on the ball!"sigaw ni coach habang mag isa ako dito sa kabilang side ng court at pinapaulanan nila ako ng malalakas na palo.
Nasasanay na ako. Freshman palang ako ay sinasanay na ng puspusan dahil wala akong ibang kapalitan. Kaka graduate lang ni Ate Tina na syang libero dati at ako ang pumalit.
Nakaka pressure dahil three consecutive season syang Best Libero. She's so good and is a player of National Volleyball Team already.
"Bend over! Move! Dive!"si Patrice naman. Naririndi na ako dyan dahil paulit ulit pero nakakatulong naman dahil mas nagiging alerto na ako ngayon.
Kanina pa ako nag s-slide at nagpapagulong gulong sa sahig para lang makakuha ng bola at maingat ito kahit papaano.
"Nice! Pan cake saving if needed!"paalala naman ni Kleah. Team captain namin.
Pagkakuha ko ng bola at halos dumapa na sa sahig ay bumangon uli ako para isalba ang panibagong bola na parating na galing naman kay Drixy.
Malakas iyon dahil si Drixy sya. Basta sya si Drixy.
"Nice, Bebe! Five more to go!"sigaw ni Ate Mika. Isa sa seniors ng team.
Nag set na ng bola si Cassandra papunta naman iyon kay Sarah na quick attacker kaya mabilis akong humabol sa bola nang pumatak ito papunta sa line. Ibig sabihin ay inside ball parin kaya kailangan na maiangat.
"Galing!"pumalakpak sila nang matapos ako at halos gumapang na pabalik sa bench para sa water break.
"Kaya pa?"natatawang tanong ni Mia. She's a sophomore.
Tumango ako at uminom ng tubig.
Inayos ko ang elbow pad ko dahil nababa na iyon.
Naka sando na blue ako ngayon at itim na jersey shorts namin. With knee pad and black sneakers.
"Saan ka nahihirapan?"tanong ni Kleah.
"Pag line ball ang bola. Ang hirap basahin!"I exclaimed and they all agreed naman.
"Lahat tayo ay hirap dyan, Bebe."tumango sila sa sinabi ni Drixy.
Halos alas dies nang matapos ang aming practice at talagang dumeretso higa na ako dahil nakapag shower nanaman ako sa gym kanina.
Halos hindi na kami nagkikita ni Kuya at Beau dahil busy na rin sila sa practice tapos acads pa. Hindi namin pwede pabayaan ang acads dahil kapag bumaba ang grades namin ay aalisin kami as athletes of school. Kahit gaano pa kalaki ang contribution mo sa team, kapag may isa kang mababa na grade ay aalisin ka talaga.
Ayos naman sa akin ang tres, kaso mas nag a-aim ako ng mataas lagi para kahit mababa ang makuha ay hindi ganoon kababa. Kumbaga, mababa sya kasi mas mababa lang sya ng kaunti sa ineexpect mo at hindi iyon masama.
Nagtingin na muna ako sa IG ko na dumarami na bigla ang followers mula nang i-announce ang mga freshmen players. Pati sa Twitter ay bigla ring ragasa.
Bihira ako magbukas ng fb account ko pero nakita ko na kalat na rin ang litrato ko.
Gosh, my beauty is so, so exposed na!
BINABASA MO ANG
Racing to Sixty (Saint Series #1)
Ficção Adolescente1/6 Saint Series. Wanna know the secrets behind the feud of St. Agnes and St. Louis? The Agnas and the Louto? Would you do a race to sixty just to get there? Would you kick some balls just to be known? Would you hurt everyone you love just to be wit...