Chapter 20
Lunch na nang matapos ang tour kaya heto ako ngayon at naglalakad na papunta sa parking lot dahil mag e-early out ako ngayon at makikipag kita mamayang alas dos kay Kuya.
"Reeves!"
Tawag sa akin ni Martin kaya natigil ako at nilingon sya. Nasa likuran nya sila Romulo na abala sa pag uusap tungkol sa kung ano.
"Oh?"
"Talk with Engineer Cabin this lunch. He has a big project proposal to discuss with you." seryoso kunwaring sabi ni Martin, that's why I looked at him with bored face.
"Martin, you know my situation with him in the past." seryoso kong sabi at tumango naman agad sya.
"Yeah. But, just like what you said. Maybe you can give this offer a try. Malaki rin kasi talaga, lalo na at galing sa Cabin." he shrugged kaya tinitigan ko pa sya saglit bago tumango.
"Engineer Cabin," tawag nya kay Romulo na kunot noong tumungin sa amin matapos doon sa blueprint na hawak ni Bianca.
Lumapit sya sa amin.
"Architect Mendoza agreed about your discussion with her this lunch." inakbayan pa nya si Romulo na tipid na tumango.
"I have to go somewhere after this... so, let's make this quick." casual kong sabi habang sya ay nakatitig sa akin.
Kaasar.
Walang kupas. Ang gwapo pari— damn, Shanne! Stop it!
"Yeah. I get it. Shall we?" tanong nya at dumeretso sa kotse nya para hintayin ako.
"Convoy tayo, Engineer. I brought my car." sabi ko kaya tumango sya at sumakay na rin sa kanyang sasakyan.
Sila Bianca naman ay mga nakangisi na kaya napangiwi ako sa kanila at pumasok na sasakyan ko.
Binuksan ko na ang makina at binaba ang bintana nang tumapat doon si Romulo na nasa loob ng kanyang sasakyan.
"Giga Pizza." he simply said at tumango naman ako saka sinundan ang sasakyan nya na nauna na.
Halos fifteen minutes din ang naging byahe namin bago nakarating sa pizza shop, at dahil lunch time, marami ang tao roon. Karamihan ay mga estudyante.
Nauuna si Romulo sa akin habang papasok kami at nang madali ng bubog na pinto ang wind chimes ay napatingin ang karamihan sa amin, kaya natigil kami ni Romulo at saglit na nagkatinginan bago ko sya lagpasan para humanap ng lamesa.
Bahala syang mag order tutal sya naman ang may plano nito.
Nakahanap ako ng lamesa at mabilis na naupo roon. Si Romulo naman ay dumeretso sa counter at doon na sya dinagsa ng mga tao. Ang mga nasa tabi kong lamesa naman ay nagbubulungan at tila kinikilala si Romulo.
"Totoo pala yung balita na bumalik na sya?"
"Oo nga! Akala ko fake news!"
"Crush na crush kaya yan ng ate ko dati."
"Grabe pala sya ka gwapo sa personal, ano?"
Naiiling na lang ako na yumuko habang nakatingin sa cellphone ko para i-review ang schedule ko para sa mga susunod na araw.
"Shanne Rivan Mendoza?!"
Taka akong nag angat ng tingin sa tumawag sa akin, at ang mga tao naman sa paligid ay gulat na nilingon ako na para bang ngayon lang ako napansin dahil nandyan si Romulo. Nagsimula na rin silang mag bulungan dahil nakilala rin naman ako ng marami dahil sa tagal kong naglaro.
BINABASA MO ANG
Racing to Sixty (Saint Series #1)
Ficção Adolescente1/6 Saint Series. Wanna know the secrets behind the feud of St. Agnes and St. Louis? The Agnas and the Louto? Would you do a race to sixty just to get there? Would you kick some balls just to be known? Would you hurt everyone you love just to be wit...