Chapter 26
Kinabukasan ay nagising akong wala na si Romulo. Nag iwan lang sya ng note na may business trip daw sila sa Palawan ngayon dahil may isa raw syang business doon.
Naghanda na rin naman ako sa pagpasok ko. Sumaglit ako sa office para ipaalala ang mga dapat gawin ng team ko ngayong araw na ito. Maghapon ako ngayon sa site dahil wala si Romulo at kailangan daw ni Bianca ng babaeng katulong doon.
Naging abala kaming dalawa sa pag aasikaso ng ilang aayusin doon. Nang mag lunch ay may dumating na pagkain sa amin, na ang sabi ay galing daw kay Romulo. Mayroon din doon si Bianca at ang ilan pang co-engineer kaya sabay sabay kaming kumain.
Mabilis na bumalik sa trabaho sila Engineer Acosta at kami ni Bianca naman ay abala sa ilang report para sa building. Nasa fifth floor na kasi kami at kampante ako na maayos lahat iyon.
"Mikaela's with him at Palawan right now." biglang sabi ni Bianca habang abala sa papel.
Nag angat ako sa kanya ng tingin bago ako tumango.
"But, I know that you trust him, Shanne, do you?" marahan na sabi uli ni Bianca at parehas na kaming tumigil sa ginagawa.
"I will always trust and believe in him. Kahit wala nang naniniwala sa kanya ay maniniwala pa rin ako."tumango tango ako.
Naiiling na ngumiti si Bianca saka tumango kalaunan.
"Now I know why he's crazy over you, kahit dati pa."
Sasagot pa sana ako kay Bianca nang makita namin si Engineer Santos na humahagos palapit sa amin.
"Hey, what's the problem?" tanong ni Bianca at kapwa kaming napatayo.
"Si... si Mrs.Cabin nandyan! Nasa parking lot na sya!" he announced at mabilis kaming nagkatinginan ni Bianca at parehas gulat na gulat na kumilos.
"The fuck with that witch?!" Bianca hissed at naglakad na kami sa field para salubungin si Mrs.Cabin matapos naming isuot ang aming hard hat.
Wearing her jewelries and her black dress, she walks at the field as if she's ready to dominate everyone who would walk passed by her.
I was nervous at that thought.
Lumapit kami sa kanya ni Bianca na halatang kinakabahan din pero dahil matagal na syang kaibigan ni Romulo ay sanay na.
"Why's the progress so slow here? Aren't y'all working full-time?!" iyon ang bungad nya sa amin matapos tumingala sa limang palapag ng building na nasa harap namin.
Sasagot na sana ako para magpaliwanag.
"Bianca, what's your purpose here? To model around?!" si Bianca ang pinuna nya.
"I'm one of Engineer Cabin's co-engineer here, Ma'am. And no, I'm not here to show myself around." Bianca answered confidently. Tinignan lang sya ni Mrs.Cabin mula ulo hanggang paa bago ako sulyapan. She raised her one brow.
"And you?! Not because your my son's playmate doesn't mean you can have your easy time here!" sigaw nya sa akin at rinig na rinig iyon sa buong field at lahat ay natigil.
Iniwan na nya kami matapos punahin pa nang punahin ang mga mali sa site. She's actually good. She's damn genius kaya wala kaming maiangal sa mga napuna nyang kamalian sa site.
"That witch! Wala na talagang tama sa kanya!" Bianca hissed nang makabalik kami sa tent.
Nanginginig pa rin ang buong katawan ko kaya agad akong naupo para kalmahin ang sarili ko. I heaved a sigh before looking at Bianca who's currently watching me now.

BINABASA MO ANG
Racing to Sixty (Saint Series #1)
Teen Fiction1/6 Saint Series. Wanna know the secrets behind the feud of St. Agnes and St. Louis? The Agnas and the Louto? Would you do a race to sixty just to get there? Would you kick some balls just to be known? Would you hurt everyone you love just to be wit...