The Start

134 8 0
                                        

Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa folder na aking dala. Nakalagay sa loob nito ang iilan sa personal information ko.

I sighed. I've been standing in front of this room for several minutes already! And I'm still in a dilemma whether I should knock or not.

Pabalik-balik ang tingin ko sa pinto sa harap at sa folder na dala-dala ko.

I sighed heavily before taking few steps backwards.

"Hindi ka na dapat pumunta pa rito Sheki!" Bulong ko sa sarili ko.

Hindi rin kasi ako sigurado kung magugustuhan nila ako.

I was about to leave the place when I heard the door opened. The door looks really old, kaya naman hindi na ako magtataka na gumawa iyon nang napakalakas na ingay.

Napaatras ako nang kaonti dahil may isang babae ang lumabas.

"Hi!" Masiglang bati niya sa akin.

Fair skin, long black hair, chinky eyes, and fluffy cheeks. She's so pretty, lalo na dumagdag sa ganda niya ang tangkad niya. Bagay na bagay sa kanya ang school uniform namin.

She's chewing a gum.

I waved at her awkwardly. "H-Hi!" Halos pumiyok pa ako dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Nang mapansin na nakatingin siya sa hawak ko na folder ay agad ko iyon na itinago sa likod ko para mailayo sa paningin niya.

I just came up with a decision just by looking at her.

Hindi pa ako handa.

I definitely want to try it but -

Nagsalubong ang aming mga mata. Tumaas ang isang kilay niya, bago namilog ang mga mata na tila ba may napagtanto siya.

"Abelaine!" Natataranta na sigaw niya. Hindi niya pa rin tinatanggal ang tingin niya sa akin, that made me feel a bit conscious about myself.

"What?!" Isang babae ang sumigaw sa loob ng room.

The girl glanced inside the room. "Daliaan mo, magdala ka ng ballpen at kumuha ng agreement paper diyan." Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.

My forehead creased, I'm clueless.

Pareho kami napalingon sa loob ng room nang marinig ang pagbagsak ng iilang gamit roon.

Nag-aalala akong tumingin sa babae na nasa harap ko. "I-Is she okay?" I asked full of concern.

The girl infront of me just smiled sweetly.

"O-Of course!" Nag-aalangan na sagot niya.

Maya-maya lang ay patakbo na lumabas ang isang babae palabas sa room. Nalagpasan niya pa kami, mabuti na lang at nahila ng babae sa harap ko ang dulo ng kanyang t-shirt kaya napatigil siya.

"Sela tell me...I'm not dreaming." Saad ng babae na kakalabas lang, laglag ang panga at humihingal pa.

Her hair is messy, her eyes also tells me that she just woke up from a good sleep.

The girl named Sela, tapped Abelaine's shoulder. Dahil doon ay mukhang nakabalik sa realidad si Abelaine.

Naglakad bahagya si Sela hanggang makarating sa lamesa at upuan na nasa labas lamang ng room.

She sat comfortably as Abelaine lay down all the materials she instructed to bring on the table.

"So..." Pinatong niya ang kanyang mga siko sa lamesa pagkatapos ay pinagsiklop ang dalawang kamay.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Sela sa akin ngayon.

Abelaine stood behind her.

Sela signaled me to come near her using her fingers. Walang pag-aalinlangan na lumapit naman ako.

Binuksan niya ang isang folder at saka ko nakita ang laman noon.

"Feel free to read I-" Mabilis ko na pinutol ang kung ano man na sasabihin niya.

Umiling ako agad. "I-I am not interested in joining your club." Maagap na sagot ko sa kanya.

Sela's forehead creased, I also heard Abelaine gasped.

"I know you're interested to join our club..." Nginuso niya ang kamay ko sa likuran kung saan hawak-hawak ko pa rin ang folder.

"It's okay, wala naman kami masyadong requirements gaya ng ibang club. We just need members who are willing to join us." Abelaine said, she smiled at me.

"Napadaan lang ako." Pagdadahilan ko. "I-I thought...I mean ano, akala ko ito iyong sinasabi ng...ng kaibigan ko na club." Halos masampal ko ang sarili sa harapan nila.

"Oo! Tama iyon nga." I said as an assurance that what I am telling is indeed the truth.

Hindi ko ugali ang magsinungaling pero may mga pagkakataon talaga na matutulak na gawin ang bagay na kinaayawan ko.

Wala na ako maisip na dahilan. Hindi ko naman puwede sabihin na last minute decision ko ay hindi na ako sasali dahil naisip ko na hindi ako bagay sa club na 'to!

Napapikit ako nang padabog na tumayo si Sela mula sa kinauupuan niya. Ang dalawang kamay niya ay nakalapat na ngayon sa lamesa.

I glanced at Abelaine, nakayuko na ito ngayon.

Kinabahan ako nang makasalubong ang mga mata namin ni Sela, she looked really annoyed and offended.

Wala na ang matamis na ngiti niya.

Sela is now slowly picking up the ballpen and folder that Abelaine brought.

"Sana nagsabi ka na lang ng totoo." She said bitterly.

"Ang ayaw ko sa lahat nagsisinungaling" She paused for a bit. "I know if a person lies." She said before entering the room.

Padabog niya na isinara ang pintuan, may maliliit na piraso pa ng semento na nalaglag dahil nga sa kalumaan ng club room at lakas ng pagkakasara niya.

Abelaine went near me, she looked very apologetic. "I'm sorry about Sela's attitude..." Panimula niya, marahan lang ako na tumango.

I remained silent. "You know, we just value this club so much. Kaya siguro nang makita ka niya na may dalang folder ay napagkamalan ka niya na sasali sa amin." She paused for a bit as she searched for something inside the pocket of her uniform's blazer.

"Here, take this." She offered me a piece of small paper. Halata pa na pinunit lang iyon sa isang notebook.

Kinuha ko iyon. "That's my number, call me if you haven't still found a club to accomodate your taste." She said, tinapik pa niya ang isang braso ko bago tuluyan na umalis.

Hindi agad ako umalis tinitigan ko lang ang number na ibinigay sa akin ni Abelaine.

Umangat ang tingin ko at napadpad sa maliit na bintana ng room. May kurtina iyon kaya hindi ko makita ang nangyayari sa loob.

Isang buntong hininga pa ang ginawa ko bago nagdesisyon na umalis na lang.

One Dream, One SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon