I chewed the bits from my favorite drink slowly. Inangat ko ang aking isang kamay at itinapat sa sinag ng araw.
"Should, I join?" I asked my brother softly through the phone.
Nasa soccer field ako ngayon, mag-isa. Ang tanging katabi ko lang ay ang bag ko. Nakapatong ang cellphone ko roon, naka-loud speaker din.
Sa mga ganitong pagkakataon na hindi ko alam kung ano ang dapat piliin sa mga nakahain na pagpipilian, isang tao lang ang una kong kinakausap.
"Kuya." Pagtawag ko muli dahil hindi siya sumagot.
"Okay lang naman diba?" Dagdag ko pa.
I heard him sighed. "Sheki, kung gusto mo ay sumali ka na. Try new things, try something that you really love." Saad niya.
Narinig ko ang mabilis na pagtipa niya sa keyboard ng computer. Kahit na busy ang Kuya, talaga naman hindi siya pumapalya na bigyan ako ng oras.
Diretso na lagok ang ginawa ko sa natitirang paborito kong inumin, amoy lychee iyon.
"It's just a club of youth singing and having fun with music. Maganda 'yan para ma-enjoy mo ang senior high school life." Dagdag niya pa.
Bigla ko naman naalala ang nangyari noong isang linggo.
I sighed. "I don't think I still can." Dismayadong sagot ko sa aking kapatid.
I heard him laughed. "Ano ba, wala pa nga tapos na agad?" Mapang-asar ang tono niya.
Gusto ko sana na sabihin lahat ng nangyari, pero hindi ko kaya.
I'm such a coward person. Lagi na lang ako natatakot na sumubok ng mga bagong bagay. Kahit na gustong gusto ko sumali sa club na iyon, nangunguna ang takot ko.
Paano kung hindi nila ako magustuhan, paano kung maging pabigat lang ako sa kanila.
Naiinis na ginulo ko ang aking buhok. "Ano ba Sheki, stop thinking negative things!" Pagalit ko sa aking sarili.
I quickly fixed my things before standing up. Pinagpagan ko rin ang palda ko para matanggal ang maliliit na dahon na kumakapit, pagkatapos ay binitbit ko na ang aking bag at mabilis na tinapon ang pinag-inuman sa pinakamalapit na basurahan.
Today's the fourth week of class. Aside from my encounter with Abelaine and Sela, normal pa naman ang buhay ko sa unibersidad na ito.
Mabilis akong naglakad papunta sa classroom para sa sunod na klase ko. Pagdating sa classroom ay halos nandoon na rin ang mga kaklase ko. May iilan na nagkukwentuhan, may iilan na nag-aaral, at may iilan rin na nag-iisa.
Four weeks passed and I still haven't found any friends. Hindi totoo ang sinabi ko noon kay Sela at kay Abelaine na may kaibigan ako. In reality I don't approach people first, pero kapag naging close naman ako ay nagiging madaldal at normal din naman ako.
"Class, settle down." My teacher said while walking towards her table. Inayos niya ang gamit niya at naglabas ng white board marker.
This is it, another day, another lesson.
Nagpatuloy na si Ma'am sa pagtuturo ng lesson para sa araw na ito. Dahil sa ilang araw na rin akong puyat kakaisip ay mabilis dumapo sa akin ang antok.
Nagpaalam ako sa teacher na pupunta lang ako ng comfort room. Maghihilamos ako ng mukha para magising ang diwa ko. Isang oras pa bago matapos ang klase, dapat magising ako.
