"Class dismissed." Two words lang sinabi ni Ma'am pero parang nanalo sa lotto ang buong klase namin.
Tatawa-tawa akong napailing sa mga reaksiyon namin.
"Sheki, sama ka. Kakain kami sa plaza." Tanong ni Erica sa akin.
Sa magkabilang tabi niya ay si Maddie at si Hazel na pawang naghihintay sa sagot ko.
"Next time na lang." Sagot ko sa kanila nang nakangiti habang pinapasok ang binder at pencil case ko sa backpack.
"Pupunta ka ba ngayon, Sheki?" Kunot-noo ko na tiningnan si Maddie.
"Saan?" Nagtatakang tanong ko.
"Sa audition nung club na sinasabi mo." Si Hazel naman ang sumagot ngayon.
Mabilis ko na kinapkap sa bulsa ng aking blazer ang cellphone ko para icheck ang date.
"Hala!" Palipat-lipat ang tingin ko sa cellphone ko at sa kanilang tatlo.
"Pupunta ako." Saad ko, pero mahina lamang iyon kaya ako lang ang nakarinig.
"Ano 'yon, Sheki?" Nagtataka na tanong sa akin ni Erica.
"Pupunta ako!" This time sinabi ko 'yon nang may conviction.
Narinig ko ang paghagikhik at pagtawa ng tatlo.
"Go, Sheki! Pag nakapasok ka na lang. Kain tayo!"
"Oo ba, basta pagkain hindi ako tatanggi." Natatawa na sagot ko sa kanila.
Nagtawanan pa kami bago ko dali-dali na binitbit ang bag ko.
Halos patakbo akong lumabas ng classroom. Bago ako tuluyan makalabas ay hinarap ko ang tatlo.
"Makakapasok ako!" Sabi ko sa kanila, nag-thumbs up sila sa akin at matamis akong nginitian.
Sila ang naging ka-close ko sa nakalipas na mga araw. Pahapyaw ko rin na naikuwento ang patungkol sa club. Kaya kahit papaano ay may alam din sila.
"Makakapasok ako!" I convinced myself, at saka nagpatuloy sa pagtakbo.
This is it, this is my chance to build myself up and explore things.
I'm hoping for the best.
Buti na lang at maaga natapos ang klase at napaalalahanan ako ng tatlo. Nawala talaga sa isip ko na ngayon pala ang audition.
Sa tatlong araw na pag-iisip, eto ang naging desisyon ko — to join the club. Gusto ko i-try na lumabas sa comfort zone ko. Gusto ko i-try iyong alam ko kaya kong gawin.
Eto na ata iyong punto sa buhay ko na lalabas na ako sa shell ko at hindi na magtatago.
One step at a time, at eto na. Nasa harapan ko na ang unang hakbang.
Tinitigan ko ang number ng room sa harap ko. Ang dalawang kamay ko nakatukod sa aking tuhod habang ako ay hinihingal pa.
Dito ang sabi ni Abelaine, dito gaganapin ang audition.
"Sheki?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sa ilang beses ko siya na na-encounter, kilala ko na ang may-ari ng boses na 'to.
"Abelaine!" Hinihingal na sabi ko at kinawayan siya bahagya. Umayos na rin ako ng tayo.
