Jem Caldejon
"Hi!" Dalawang babae ang lumapit sa akin. Both of them are smiling from ear to ear.
At dahil mabait din ako at pala-kaibigan, sino ba naman ako para hindi suklian ang ngiti nila.
Hindi mo rin matatanggihan dahil napaka-charming din nila.
Malaking ngiti ang iginawad ko sa kanila. "Wow! Ang cute ng smile mo." Saad ng babae sa akin na naka-ponytail at napaka-cute ng pisngi.
"Bagay ka sa club namin!" Dagdag niya pa.
Kunot-noo ko sila na tinignan, nagtataka sa kung saan na club ba sila kasama.
Science? Nah, hindi naman sila mukhang mahilig sa siyensiya o experiment.
Dance? Singing? O baka naman iyong club na nagtuturo gumawa ng terrarium o mag-alaga ng succulents.
Both of them radiates positive energy, talagang mabubuhay ang halaman sa liwanag nila.
"Sela nga pala." Abot ng kamay niya sa akin. Nakipag-shake hands naman ako. "Eto naman si Abelaine, Abby for short."
Kumaway sa akin si Abby, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha.
"Nice meeting you!" Nakangiti ko na saad. "Nako, wala pa ako masyado kilala at bago pa lang ako sa school. It's good to meet people with beautiful smiles."
Narinig ko ang paghagikhik ni Sela na parang tuwang tuwa sa sinabi ko.
"Sali ka!" Anyaya ni Sela sabay abot ng isang poster.
"Idol club?" Nagtataka na tanong ko sa kanila pagkatapos kong basahin ang nasa poster.
Sela smiled proudly showing of her fluffy cheeks. "Yes, I hope you can join us. Iyon ay kung wala ka pa nahahanap na club na gustong salihan." Sabi ni Abby.
"Pero, hindi ako ganoon kagaling sumayaw o kumanta." Napakamot ako sa aking batok.
Hindi ganoon kasikat ang mga idol group sa bansa namin. Pero I am aware of what they are. Singing and dancing, iyan ang alam ko na ginagawa nila.
At ako?
Hindi naman ako ganoon. Parehong kaliwa mga paa ko tapos sasali pa ako sa idol club.
Nako! Baka sabay-sabay lang kami madulas sa stage.
The thought of it made me laughed. Ganoon na lang ang pagka-awkward ko nang mapansin ang titig ng dalawa sa akin.
I faked a cough. "S-Sorry! Inisip ko lang kung sasali ako sa inyo. Natatawa na agad ako sa sarili ko." I said then laughed again.
"H-Huh?" Sabay nila na sabi.
Pinag-ekis ko ang dalawang kamay ko sa harap ng mukha ko. "Di ako papasa." Sabi ko sabay baba ng mga kamay ko. "Parehong kaliwa ang paa ko, maganda naman boses ko sadyang pang-banyo lang." I laughed again.
Natawa rin sila kasabay ko, pero bigla rin naging seryoso ang mukha nila.
Hinawakan ni Sela ang magkabilang balikat ko. Tinitigan niya ako sa dalawang mata ko.
