Tap Once

12 6 1
                                    

"Don't let anyone hurt you.~"

Nagising ako sa ingay ng alarm clock. Nakapikit ko itong kinapa sa beside table, saka pinatay. Matamlay akong umupo sa kama habang kinukusot ang mata.

Gusto ko pang matulog pero hindi pwede. May exam kami ngayon. Masakit pa ang katawan ko dahil sa nangyari kahapon. Well, pina-squat lang naman kami ng halos isang oras! Walang pahinga yon!

Grabe yung coach namin sa PE. Walang patawad. Bumangon na ako saka naligo. Sinuot ko ang uniform habang nagsusuklay. Hindi naman ako nagmamadali. May inaasahan lang akong maagang darating ngayon. Guess what? Guess who pala. Tsk.

Tinapos ko ang pagaayos saka sinalansan ang mga gamit. Nagdala ako ng libro dahil balak kong magreview habang nagaantay mamaya. Patapos na ako ng sumigaw si Mommy sa labas.

"Dallas! Nandito na si Kievin." she shouted outside, may narinig pa akong tumawa. Inis ako nagmadali. Paniguradong sinisiraan na naman ako ni Mommy kay Kievin!

Lumabas ako ng kwarto at nadatnan sila sa sala. Nakita ko si Mommy na inaabutan ng kape si Kievin. Tinanggap naman niya yon habang tumatawa. Umirap ako.

"Oh, she's here na." mom spat obviously. Naglakad ako papalapit.

"Let's go." yaya ko kay Kievin.

"You're not gonna eat breakfast?" tanong ni mommy.

"Sa school na lang po, mom." tamad kong sabi. Tumawa siya sakin.

Obviously, kay Mommy ko namana ang pagta-taglish. Mahilig siya mang-asar, kahit si Daddy ay naasar niya. Kaya nauuwu sila sa lambingan dahil na rin kay Mommy!

Lumabas na kami ng bahay. Dala-dala naman ni Kievin ang paper cup na may laman na kape. Talagang pinabaon ni Mommy yun ha?

It's been a week since Kievin drive me home when he had a fight with that basketball player. And sa loob ng linggo na 'yon, kinulit niya akong ipakilala siya kay Mommy! As in!

"Ash, is your parents are home?" biglang nagsalita si Kievin sa likod ko. I was choosing some mango dito sa stall sa harap ng school. Hawak niya ang bag at mga books ko. Inabot ko kay manong ang mangga na napili saka ako humarap kay Kievin. Kumunot ang noo ko.

"Why?" tanong ko. Kinuha kay manong ang mangga. Nag-abot naman ng bayad si Kievin.

"Just want to know. I want you to introduce me to them." halos malaglag ko ang hawak na mangga dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko ito ng dalawang kamay.

"Ano?" halos sigawan ko siya. Matatapon pa yung mangga ko! Huminga naman siya ng malalim saka inayos ang bag ko sa balikat niya.

Kievin is a typical man. Maputi, matangkad, maporma, mabango... teka, naamoy mo, Ash? Umiling ako sa naisip.

"I just thought of courting you." biglang nagsalita si Kievin kaya nawala ang mga iniisip ko. Mas lalo ata akong natulala sa sinabi niya.

"Seryoso ka?" tinakpan ko ang bibig ng mapalakas ang tanong ko. Tumingin siya sa palaigid, marami ng nakatingin samin ngayon. Ngumisi siya saka ako hinigit papasok ng kotse niya.

Dali-dali ko namang hinawakan ang mangga sa kamay ko dahil natatapon ang bagoong! Binuksan niya ang pinto ng sasakyan sa likod saka inilagay ang gamit ko bago niya binuksan ang pinto sa harap. Pumasok naman ako. Inubos ko ang hindi manlang nagalaw na kinakain, dahil kadadaldal niya.

Napalingon ako kay Kievin ng pumasok sa kotse. Mabilis kong iniwas ang tingin ng madapo ang mata niya sakin. Namula ang pisngi ko sa sinabi niya kanina. Naloloko na ba siya? Anong ligaw? At ipapaalam pa niya! Halos hindi pumasok sa isip ko ang lahat ng sinabi niya kanina.

One Tap World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon