Tap Twice

6 4 0
                                    

'Don't crush me now~'

Tumambad sakin si Dallen na nakatitig. Nagtataka sa presensiya ko. Dali-dali akong tumayo saka pinagpag ang damit. I stop when I realized that I'm wearing a dress! I don't like wearing a dress!

I inhaled deeply. This is frustrate me so much.

"Ano ang ngalan mo?" nabaling ang pansin ko kay Dallen. Hawak niya pa rin ang bag niya. Nakatayo siya sakin ng isang metro.

Humarap ako sa kaniya ng maayos. Still fixing my dress! Hindi talaga ako komportable dito.

"Ah, I'm here, because, u-uh." pilit kong inalala ang mga naunang kabanata bago nangyari ito. Ayon na rin kay Kresia, nandito si Kira dahil tumakas siya sa magulang niya. Yeah, tama, ganon nga.

I confidently look at Dallen. Tumikhim pa ako.

"I'm here because I'm nowhere to go." I said it directly to him. Kumunot ang noo niya. Tila hindi ako naiintindihan.

Oo nga pala, masyadong makaluma ang henerasyon o oras dito sa librong 'to. Agad kong iniling ang ulo sa kaniya. Natatawa sa sariling katangahan.

"Ang sabi ko, nandito ako dahil, uh, wala akong mapuntahan. Alam mo na, gala-gala lang ganon." tumawa pa ako baka madala ng charming ko.

Kunot pa rin ang noo niya pero, parang alam na niya ang sinabi ko.

"Maynila." bulong niya.

"Huh?" tanong ko. Did I hear it right? Maynila? It means, alam niya 'yon? Malamang, Ash. Pilipinas ang bansa niyo, diba?

Tumango tango siya saka tumalikod. Teka? Ang akala ko papatuluyin niya ako sa bahay nila? Hindi sinabi ni Kresia na pahirapan pala ang pagpunta don!

"Uh, hindi mo ba ako aalukin na tumuloy sa inyo?" I hesitantly ask. Sumunod ako sa paglalakad niya. Lumingon siya sakin. Why so cold? I wish Kievin was here.

Oh, speaking of him. Bakit parang galit siya sa lalaking to? Or I must say sa pangalan niya?

"Maghanap ka ng ibang matutuluyan, binibini." malamig niya sabi. Halos mapanganga ako sa sinabi niya.

Naglakad na siya papalayo, leaving me shocked.

Attitude, huh?

Tumakbo ako pasunod sa kaniya. Nanatili ako sa likod niya habang naglilibot ng tingin sa paligid, mahirap na baka may ahas pala sa paligid. I look at Dallen, mukha namang wala dahil confident pa siyang naglalakad, parang nagmomodel sa runway.

I giggled at my thought. Baliw ka talaga, Ash. Lumingon si Dallen sakin, napahinto naman ako saka nagkunwaring tumitingin sa paligid. Tumakbo pa ako sa halamang mabulaklak para mas mapanindigan ang ginagawa.

Bumalik naman siya sa paglalakad. Ignoring me. Walang puso! Gusto kong isigaw sa kaniya 'yon. Sumunod ako ulit sa kaniya. Ayaw niya ako patuluyin sa kanila ha? Well, charming kaya ako. I can please anyone. Tumawa pa ako bago tumakbo pasunod sa kaniya.

Nakalabas kami ng gubat, tumambad sakin ang kabahayan. Halos, mabunggo ako ng may tumakbong bata. Tumabi ako kay Dallen. Ang daming tao.

One Tap World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon