Tap Four Times

7 4 2
                                    

'I'm better than you~'

I sat on bench while waiting for Kievin. May practice kasi sila ngayon ng Taekwondo. Five pm naman ang tapos nila at 4:30 naman na, magaantay na lang ako. Nagtext na rin ako na dito ako maghihintay sa labas ng school.

Hindi ko nakita si Kresia ngayong araw, ano na kayang ginagawa non? Magkaiba kasi kami ng course kaya minsan lang magkita. Kung magkikita man kami, paniguradong marami na naman siyang kwento.

Namiss ko tuloy bigla, gusto ko sanang magtanong sa kaniya tungkol sa story. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang libro. Sinilip ko sa locker pero wala namang ibang libro don, maliban sa acads.

Nagsisi tuloy ako bakit ko iyon naiwala. Sana tapos ko na yung kwento di ba?

"Nagiisa ka?" halos takasan ako ng hininga ng may magsalita sa gilid ko. Si Alvarez na naman.

"Ah, inaantay ko si Kievin." sagot ko. Inaasahan kong aalis na siya kapag narinig niya ang pangalan ni Kievin, pero hindi.

Tumango siya saka umupo sa tabi ko. Aba't. Huminga ako ng malalim saka lumayo ng kaunti. Hindi ba siya makaramdam? Ayaw ko siyang nakikita, bukod sa ginawa niya kay Kievin, binugbog lang naman niya. Well, lamang pa rin naman si Kievin ng suntok kaya okay na 'yon.

"Hope you'll be okay with him," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. He turned his gaze at me. He's smiling.

"Don't let that man, kill you. Not literally but, still." mas lalo ata akong nalito dito. Kill me? Not literally? Ano 'yon?

"Kievin is a wise man, that's why he have you," tumango tango pa siya. Nakatingin na siya ngayon sa kalsada.

"But don't worry, he's harmless," he chuckled. Tumayo na siya saka inayos ang bag sa balikat.

"Bakit mo sinasabi sakin 'to?" I ask him bago pa siya umalis. Lumingon siya sakin, smile plastered on his lips, he shrugged his shoulders and left me.

Minutes past at wala pa rin si Kievin, I decided na puntahan na lang siya sa loob at doon maghintay. There, I saw them at the court. Lumakad ako palapit, tumayo na sila at nagayos na ng gamit. Mabilis akong nagtago sa likod ni Kievin. Hindi niya ako napansin.

Halos hindi siya magkanda ugaga sa gamit niya, nahulog pa ang sapatos na gimamit niya kanina. Kinuha ko iyon at inabot sa kaniya.

"Thanks-- Nandito ka pala," bumagal ang galaw niya ng makita ako. Ngumiti ako sa kaniya. Tinulungan ko na siyang mag ayos.

"Tapos na kayo?" tumango siya. Sinukbit ang bag sa balikat. He turned to me and gesture me to walk. Lumakad ako sumunod naman siya.

Wala siyang dalang sasakyan ngayon, dahil sira daw ito. Wala namang kaso sakin, nakapag commute naman na ako. Naglakad kami papuntang sakayan ng bus. Walking distance lang naman 'yon.

I turned to Kievin, ano kaya yung sinasabi ng Alvarez na 'yon? I didn't talk to him once, ni hindi ko nga siya kilala. So bakit niya ako nilapitan? And the way he said those words. Parang may hidden message eh. O paranoid lang ako?

Hindi naman siguro gagawa si Kievin ng ikapapahamak ko. Biglang pumasok sa isip ko ang pagpasok ni Kievin sa buhay ko. I was shocked when he suddenly knows me. And worse niligawan ako!

One Tap World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon