"Umuwi ka muna, ako na magbabantay sa kapatid mo, may pasok pa bukas" kitang kita ko ang pagod sa mga mata ni mama,gusto ko sanang ako na lang ang magbantay kay Cypher kaso ay may pasok nga ako, may presentation pa bukas kaya bawal talaga ako umabsent. Mag rereview pa ko para sa Finals.
Nagpaalam na ako kay mama at umuwi na,buti ay may jeep pa sa gantong oras.
Dumeretso na agad ako sa kwarto ko at tinakpan ang katawan ko sa higaan,napaka daming nangyari ngayon na hindi ko inaasahan...at higit sa lahat
'Hindi na ako makakapunta ng concert..'
Hindi ko mapigilang maiyak habang yakap yakap ko ang unan ko, kahit pa gustong gusto ko pumunta ay tadhana na mismo ang nagsabing tumigil na ako.. napaghihinaan na ako ng loob,kahit anong sabi ko na wag maging nega ay kung ikaw ba naman ang nasa sitwasyon ko ay hindi mo talaga mapipigilang mawalan na ng pag asa.
Nag aalala din ako sa kapatid ko...
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay dumeretso agad ako sa trabaho,doon na lang din ako magpapapalit ng uniform.
Habang papasok sa mall ay biglang sumulpot sa likod ko si Yana tuwang tuwa
"Excited ka na ba girl? Malapit na ang pinapangarap mong concert! Kelan ka bibili ticket? Samahan kita"
Nakangiting sabi pa nito."Hindi ako makakabili ng ticket Yana, at lalong hindi ako makakapunta ng concert" hindi ko mapigilan na mangilid na naman ang luha dahil naalala ko na naman yon,parang dinudurog ang puso ko.
"What!? Anong sinasabi mo dyan eh kahapon lang ay niyayabangan mo pa ako na siguradong sigurado ka na makakapunta ka!?" Nakapamewang pang sumbat nya sa akin
"Cypher was diagnosed with leukemia, kaylangan namin syang ipa therapy pandadagdag ko ang ipon ko sa treatment nya" gulat na napatingin sakin si Yana na ilang saglit lang ay napalitan na ng awa
"Kate.."
"I'm fine Yana,lagi namang may nextime,and if hindi dito sa Pilipinas I will fulfill my dreams there in South Korea,that's a promise for myself "
RULE # DON'T. LOSE. HOPE.
Sometimes susubukin ka talaga ng Tadhana, there will always be a problem when you're reaching for something you really want, but don't lose hope, always remember that you're the author of your own story, and you're the one whose controlling your own fate,walang makakabago non kundi ikaw lang.. and if you just continue to pursue that dream,Destiny will be no match with you, so cheer up! Nothing is impossible as long as you believe!
Always be optimistic and don't give up!!At dumaan na nga ang araw ng Ticket selling...gaya ng inaasahan ay hindi na nga ako nakabili ng ticket..nilibang ko na lang sa pagtatrabaho ang sarili ko para di ako masyadong malungkot.
Hanggang dumating na nga ang araw ng concert.. wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak sa kwarto ko..dumaan na ang araw na pinakahihintay ko,pero wala ako don para magsaya at ipagsigawan kung gaano ko sila sinusuportahan at gaano ko sila kamahal,iyon na yata ang isa sa mga pinaka malungkot na araw sa buhay ko.
Pero hindi ako susuko na lang dito,hindi ko ugali ang sumuko sa mga bagay na gusto ko, hindi man ngayon ay sisiguraduhin Kong makakapunta ako sa concert ng BTS.
Nakangiti akong pumunta sa veranda at pinagmasdan ang napakagandang buwan at ang sangkatutak na bituwin, napakaganda ng gabi para magmukmok ako, nagpatugtog ako buong gabi ng bts songs habang pinagmamasdan ang buwan.
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Dream (ON-GOING)
FanfictionKate,a hardcore fan of BTS and her journey to her dreams to be a successful fangirl