Namamalikmata ba ko?
Paulit ulit kong kinusot ang mata ko sa pag aakalang nililinlang lang ako nito,di makapaniwalang tinignan ko pa ang cellphone ko ng isang beses at tinakpan ang bibig ko dahil baka hindi pa ako nagsisimula sa trabaho ay masisante na agad ako.
Nagpaalam na ko sa manager at pinasalamatan nya naman ako sa pag tulong ko at sinabihang galingan ko bukas
Parang natatae ko syang nginitian dahil sa biglang announcement ng tour at nagpasalamat na din at nagpaalam.
Dali dali Kong hinanap si Yana na kakatapos lang din ng shift nya,makita ko naman sya sa labas ng restaurant at pumunta sa kanya.
"Oh bat ang putla mo?" Tanong nya pa.
"K-kaylangan ko na talaga bilisan ang pag iipon ko Yana..A-anong gagawin ko.." pinakita ko sa kanya ang announcement at pati sya ay nabigla
"Kate matagal tagal pa naman yan,makakapag ipon ka pa ng maayos, I'll help you,okay?"nakangiti nyang sabi.
"T-talaga? Salamaaat talaga Yana waaaaah!" Niyakap ko sya ng mahigpit,kabisado na talaga ko ng babaeng to
--------------------------
"Kate table 3 requesting for extra sauce!"
"Kate pakidala extra utensils for table 8!"
"Kate paki punasan naman yung table 13 may gagawin lang ako."
Tango lang ang sinasagot ko at kinuha na ang mga request ng customers.
It's been two month since I first started working para mapabilis ang pag iipon ko..hindi ko ikakaila na mahirap talagang pag sabayin ang studies pag fafangirl at ang work.
Hindi magkandaugaga kong iniisa isa ang table na sinabi sa akin na may ngiti,minsan sumasagi sa isip ko na apaka hirap siguro ng sitwasyon ng mga part timers na estudyante na ginagawa to para makapag aral at para makatulong sa pamilya, maswerte pa din ako dahil ginagawa ko lang to for my personal reasons.
Worth it naman kasi ginagawa ko to para mafulfill ko yung fangirl dream ko, this time I promise na hindi na ko Teambahay!
'Kaya mo to Kate! Para sa Bangtan!'
---------------
"Haaaaayyyy nakakapagod, sobrang daming customer kanina dahil Holiday" nagiinat na pagmamaktol ko pa, pakiramdam ko ay bagsak agad ako pag uwi nito dahil sa matinding pagod.
" Ano? Malapit mo na bang ma reach ang kota mo para dyan sa pinag iipunan mo?"
"Sa tingin ko naman oo,malaki laki din naman ang sahod ko kaya sa tingin ko wala na talagang makakapigil sakin Yana makikita ko na ang mga asawa ko! HAHHAHA"
"Good for you then, isang linggo na lang at mag ti-ticket selling na.. kaya galingan mo lang, balita ko ay sikat pa yang bts mo dito... even though you have the money, kaylangan mo din makipagsapalaran para sa tickets mo girl tsktsk. Goodluck."
"Wag mo nga akong pasahan nang ka negahan mo Yana, syempre nagreready na din ako para dyan, aagahan ko talaga ng bongga para makuha ko na ang dream seat ko, I'm so excited " nagtatatalon pang sabi ko. Pauwi na kami ngayon galing sa trabaho at dahil binangit yon ni Yana ay biglang napalitan ng matinding excitement ang pagod ko, excited na Kong makita ang Bts sa malapitan.
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Dream (ON-GOING)
FanficKate,a hardcore fan of BTS and her journey to her dreams to be a successful fangirl