Dodoy's Pov
Ang ninais ko lamang kaya ako bumalik sa nakaraan ay para maayos ang nasirang relasyon namin ni princess. Ngunit bakit may napipinto akong pangyayari na masisira ang relasyon ko sa mga magulang ko.
"Sige po aling panying, dadalhin na po namin ito kay princess!" wika ni toper at akmang lalabas, ngunit natigil siya sa paglalakad nang sumigaw si aling panying.
"Hoy toper! Aba'y hindi pa yan bayad!" nanggagalaiting sigaw ng matabang si aling panying, este matandang* si aling panying.
Nagpipigil sa pagtawa si titan at nonoy habang nakatingin sa reaksyon ni toper.
Natigil ito sa paglalakad at animo'y naiiyak na parang bata. Gustuhin ko mang tumawa ng malakas ay hindi ko magawa dahil sa amin nakadantay ang nanlilisik na tingin ni aling panying.
Unti unting humarap si toper kaya't sabay sabay kaming tatlo na napahagikhik ng pigil.
Nakikinita kita ko na ang mangyayari kaya mas lalo akong natawa sa isiping may pagkasiraulo si toper.
"Bakit parang.. kasalanan ko? Bakit ako aling panying!!" hindi na namin natiis ang tawang kanina pa namin pinipigil. Animo'y sukang bumulwak ang tawa namin dahil sa lakas. Habang ang may amats na si toper ay tumatakbo dahil patuloy siyang binabato ni aling panying ng mga bagay na nahahawakan nito.
"Joke lang naman aling panying!"
"Ayan si dodoy! Siyang singilin mo!"
"Aling panying naman!"
Paulit ulit na sumisigaw si toper habang patuloy siyang tumatakbo para iwasan ang mga bagay na ibinabato sa kanya ni aling panying. Habang si aling panying naman ay hindi tumitigil na animo'y walang naririnig.
Nagulat kami ng tumigil si toper kaya tumama sa ulo niya ang matigas na tsinelas ni aling panying.
"Awwww!" hirit ng nakangiwing si nonoy.
"Mukhang napagod si flash!" sambit naman ni titan na hindi pa din tumitigil sa pagtawa.
Habang ako ay matiim na nakatitig kay toper.
Unti unting humarap si toper sa lugar kung nasaan si aling panying, na may seryosong itsura at walang karearekasyon ang mukha.
Kinabahan ako kay toper. Ito ang unang beses na makita ko siyang blangko ang reaksyon, kaya't mataman ko siyang tinitigan.
Unti unting lumaki ang mga mata ni toper at animo'y nag slow mo sa paningin ko ang pagbukas ng bibig niya.
"ALING PANYING, TAMAAAAAA NAAAAAA!! GRRRRRRR!!!"
Sandali kaming natahimik sa pangyayaring iyon, pero hindi din nagtagal ay halos magpalakasan kami sa pagtawa.
"Pfft.. HAHAHAHAHA"
"HAHAHAHAHAH!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!"
Nanlaki ang mga mata ni aling panying na kanina ay nagulat dahil sa ginawa ni toper.
Kaya patuloy namang tumakbo si toper habang nakahawak sa tyan at hindi matapos ang pagtawa.
"TOPEEEEEEER!"
YOU ARE READING
Ang Kamandag ni Dodoy Davion
Teen FictionPaano kung isang araw bigla ka na lang nagising sa isang mapanlinlang na mundo? Sa mundo na kung saan kathang isip lang ang lahat, maliban sa isang kuwento. Gugustuhin mo bang mapakinggan ito, kapalit ng hindi mo paglaya sa dimensyong ito? O mas pip...