Dodoy's Pov
"Ako si.. Melot! Melot.. Melot!" hindi ko mawari kung bakit puro palayaw lamang ang kanyang sinasabi at para bang nakalimutan niya ang apelyido at tunay niyang pangalan.
Nangangawit naman na ang kamay kong kanina pang nakalahad kaya kinuha ko ang kamay niya para tuluyang makipagkamay, "Kamay, pakikipagkamay ang tawag diyan. Gagawin mo ito kapag may isang taong nakikipagkilala sayo" pagpapaliwanag ko sa kanya ng maalala kong weirdo nga pala siya at baka kung ano ano pa ang pumasok sa utak niya.
Kumuha ako ng dalandan na nasa bakol atsaka inumpisahang balatan ito dahil hindi ko na din maitanggi ang nararamdaman kong pagkagutom.
"Kumusta ka?" agad nabaling ang tingin ko sa kanya ng marinig ko ang sinambit niya. Ilang minuto akong nakatitig sa kanya ngunit walang lumalabas na mga kataga sa bibig ko. Marahil ay hindi ko alam kung ano ang tamang sagot sa tanong niya.
Mukhang napag isip isip niya na ayaw kong sagutin ang tanong niya kaya nanatili siyang tahimik habang kumakain.
Nakadalawang dalandan din ako bago ko maramdamang busog na ako. At ngayon, saan namin kami matutulog?
"Batid kong busog ka na ginoo. Maaari ka ng matulog kung ganoon nga" hanggang ngayon ay hindi pa niya tinitigilan ang pagtawag sa akin ng ginoo kaya hindi ko maiwasang hindi mailang.
"Saan ba maaaring matulog dito?" walang gana kong tanong sa kanya habang palinga linga at tinatanaw kung mayroon ba ditong mga kama.
"Ang laki laki ng lugar na ito, hindi mo na kailangang magtanong kung saan maaaring matulog, dahil lahat ng espasyo dito ay maaari" gulat akong napatitig sa kanya sa hindi kapanipaniwalang winika niya. Dito? Sa lupa? Dito matutulog?
"Nahihibang ka na ba?" napalakas kong tanong sa kanya dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan nanaman ako ng babaeng ito. "Mukhang ikaw ang nahihibang ginoo" sambit pa nito na mas lalong nagpainis sa akin.
"Sigurado ka bang dito sa lapag matutulog? Kung ako ay iyo lamang pinaglalaruan, sana nama'y magtigil ka na" naiirita kong bulyaw sa kanya. Wala ako ngayon sa hulog para makipagbiruan sa weirdong katulad niya.
"Ako ay nagsasabi ng katotohanan ginoo. Kung inaasahan mong may malambot na kutson ang nag-aabang sayo dito, ay nagkakamali ka" agad akong nanlumo nang matapos siyang magsalita.
Paano na lang kung may ahas na gumapang sa akin dito habang natutulog ako? Mukhang dito ako matatapos sa mundong ito.
"Hayst" wala akong ibang nagawa kundi ang bumuntong hininga at humanap ng medyo malinis na lugar na maaari kong tulugan.
"Sandali!" sigaw ng babae sa likod ko, ilang hakbang pa lang ang aking nagagawa ay mukhang may asungot ng babalam.
"Paumanhin" agad nawala ang lahat ng insulto at inis ko sa kanya at nakaramdam ng pag antig sa puso. Sa tono niya ay mababatid mong bukal sa puso ang kanyang paghingi ng tawad. Bukal sa puso na kahit kailan ay hindi mo maririnig sa mga taong naglalagi sa mundong pinanggalingan ko.
YOU ARE READING
Ang Kamandag ni Dodoy Davion
Teen FictionPaano kung isang araw bigla ka na lang nagising sa isang mapanlinlang na mundo? Sa mundo na kung saan kathang isip lang ang lahat, maliban sa isang kuwento. Gugustuhin mo bang mapakinggan ito, kapalit ng hindi mo paglaya sa dimensyong ito? O mas pip...