Ikalabindalawang Kabanata

1 1 0
                                    

Third Person's Pov

Kitang kita ko kung paano kuminang ang mga mata ng mga tao lalo na ng mga kalalakihan nang magsilabas sa ang naggagandahang mga dilag. Pero ang pumukaw sa paningin ko ay ang kung paanong nagsisigaw ang isang lalaki at sinasabing, "Ang ganda nung mahal ko! Nobya ko yan! Andito lang ako at nakasuporta mahal ko!" kitang kita sa mga mata niya ang saya at kung gaano niya kagustong ipagmalaki ang kanyang nobya.

Namumukod, naiiba, at natatanging pag ibig na sa panahon ngayon ay hindi mo na maaninag.

Jinowa kita dahil sa natataglay mong ganda. Jinowa kita para maipagmalaki sa mga kaibigan ko. Pero huwag kang magkakamaling isipin na jinowa kita dahil mahal kita.

Muli sa aking sumampal ang katotohanan na hindi ako nakahanap ng dalisay na pag ibig. Ang mga katagang yan ang ibinato sa akin ng lalaking minahal ko. Ang lalaking naging dahilan kung bakit ako nakulong dito. Ang lalaking inakala kong nakatadhana para sa akin kaya ko nagawang piliing bumalik sa nakaraan para ayusin ang aming hindi pagkakaintindihan, pero nagkamali ako. Nang dahil sa pagbalik ko sa nakaraan ay naungkat ang katotohanan.

Ang katotohanan na ang habol niya lang ay ang kagandahan na kanilang tinagurian. Ang kagandahan na pilit na ipinagmamalaki at hinihiniling ng karamihan. Ang bagay na pinakasusumpa ko sa buong buhay ko.

"Ayan! Natakam kayo ano? Sinong gusto paaaa?" sigaw ng lalaki pero kung umasta ay animo'y isang dilag, na may hawak ng mikropono.

"Kamiiii!" balik sigaw naman ng karamihan.

"Isigaw ang napupusuan niyong kandidata!"

"Jackelyn!"

"Rosemarie!"

"Antonette!"

"Princessssssssssssssss" isang mahaba at nakakabinging sigaw ng isang lalaki na kung tawagin ng marami ay dodoy. Walang hintong sigaw nito habang nakatayo sa silyang kinauupuan niya kanikanina lang.

"Mukhang mayroon ditong napaka suportib na nobyo! Ating abangan kung sino ang babaeng hinihirit niya!" sambit muli nung lalaking nasa stage.

Isa isang lumabas ang mga dilag na animo'y naubusan ng tela sa mundo, dahil sa kakapiranggot na telang suot nito.

Kitang kita ko kung paano kuminang ang mga mata ng kalalakihan dahil sa mga balat na nagkikinisan. Hindi ko mawari kung bakit naimbento ang ganyang uri ng patimpalak na kung saan ay ibabalandra mo ang sarili mong katawan.

Pero muling napako ang mga mata na kung minsang tinatawag ng kanyang kasintahang mahal ko. Siya ay yumuyuko sa tuwing lalabas sa entablado ang mga babaeng halos walang suot. At ang mas nakakabilib ay ang hindi niya pagtingin sa babaeng kung ituring niya ay prinsesa, nang ito na ang lumabas sa entablado.

"Ahuuuuu! Sige princess! Ibandera mo ang gandang namumukod tangi ng mga Sangguniang Kabataan!" sigaw ni nonoy habang ang mga kamay ay nakapormang bilog sa kanyang mga labi.

Ang Kamandag ni Dodoy DavionWhere stories live. Discover now