Cat
Marahan akong napapikit. Kailangan ko 'tong gawin kung hindi, singko ang nag-aabang sa akin.
Kailangan ko na kasing makabawi dahil alam kong malapit na akong bumagsak sa aking majors, bilang nga lang sa aking daliri ang mga araw na pinasukan ko.
Kung hindi nama't kalahating gaga, majors pa talaga ang hindi papasukan.
Sinuot ko ang aking laboratory gown at tinanggal ang aking sunnies para ipalit ang safety googles, proteksyon para sa aking mga mata saka sinuot ang disposable mask and pair of plastic gloves.
Ilang minuto ang nakalipas matapos magbigay ng instruction sa amin ang aming prof ay nagsimula na kami. Viola, one of my groupmates removed the dead and preserved grown cat from the bag and lay it on the dissecting tray.
"Tangina... kawawang nilalang." Jerico shook his head.
"Pa-picture ako be! Habang hindi nakatingin yung prof."
Viola handed me the phone. Wala naman akong nagawa kung hindi ang kunan siya ng litrato habang hawak-hawak ang pusa. Pagkabalik ko sa kaniya ay pinasadahan ko ng tingin ang laboratory, bukod sa halo-halong amoy ng chemical sa loob, makikita mo ang nakakatawang itsura ng aking mga kaklase.
Hindi maipinta ang kanilang mga mukha. Halo-halong ekspresyon ang makikita sa kanilang mga tinginan sa isa't isa, ang iba pa nga'y mukhang nagdadalawang isip kung itutuloy pa ang kursong pinasok nila.
I handed the scissors to Jerico, he carefully made a small longitudinal incision at the midline through the cat's skin. We now trying to skinned the cat. Jerico managed to cut some other areas and when he's done, I heard him cursed under his breath.
"Ah, gross." I heard Isabela from the nearest lab table.
"Fuck. Nasusuka ako, halo-halo ang amoy." Viola complained. Nakatingin pa lang siya niyan ah, wala pa siyang ginagawa.
I took a deep breath before starting my part. I used my fingers to carefully peeled the skin until it was only attached at the face and the tail.
"Shit." I cursed. I needed to be extra careful, I might mess up our work.
Viola, on the other hand, had to cut the skin around cat's face before following our professor's direction for storing the skinned cat.
"Sorry dear." She whispered to the skinned cat. I found it weird but funny at the same time.
"I'll dispose the fats and fascia." Jerico suggested and we nodded.
"This is torture. Nakapag-review ka ba for the midterm examination?" Viola asked while I'm attaching label in the cat before storing it.
"Yeah. Nag-review ako last night."
Hindi pwedeng hindi ako mag-review, kailangan kong pumasa kahit papaano.
"Hindi pa ako nagrereview! We only have ten minutes before the exam starts."
Ten minutes? Ang bilis naman ng oras. Lalakarin pa namin ang room namin sa kabilang wing.
After disposing masks and gloves we made our way to our next class. Tumakbo kami para makaabot lang dahil bawal ma-late sa aming examination. Lahat nga kami ay nakasuot pa rin ng lab gown at ang iba, katulad ko ay may nakasabit pa na googles sa ulo.
Jerico groaned. "Hindi pa nga natatanggal ang amoy ng lab sa ilong ko, idadagdag mo pa ang amoy ng exam paper."
Marco giggled. "Amuyin mo yung exam paper mo, pre amoy singko."

BINABASA MO ANG
Bitter Aftertaste
De TodoTaste of Love #1 They said we don't meet people by accident, everyone is meant to cross our path for a reason therefore leaving someone with no particular reason would left a bitter aftertaste. Love, Paola.